Warning: Read at your own risk.
Kabanata 32
Love
---
"Ano yun?"
Hindi muna siya umimik. Dinagdagan ko. "Kung tungkol ito kagabi, Lasing lang ako. I don't know what I said."
"What happened?" nataging kaagad ako. I'm pretty sure he was talking about yesterday.
Hindi ako nakapasalita.
"You can tell me Queeny. Hindi iyong lasing ka."
"Kalimutan mo na iyon. Wala lang iyon."
"Ano? Ako sinasabi ko ang problema ko sayo. Tapos ikaw-"
"Wala na tayo Yvan! Kaya pwede ba? Kalimutan mo na iyon. Wala na iyon. Nagdaan na iyon."
Tumawa siya.
"Even if. Wala na tayo," he moved forward. "Pero andito ka pa rin."
Hinawakan niya ang kamay ko saka ipinatong sa bandang dibdib niya. Lumakas ang tibok ng puso ko.
"Ano ba?!" Utas ko.
Hinawakan niya ng maigi ang kamay ko. I tried to get off but his hands was holding my hands so tightly. Biglang bumuhos ang luha ko.
" Bitiwan mo nga ako," pagmamakaawa ko pero hindi niya binitawan.
" Yvan, wala na yung magulang ko." My heart suddenly broke. Hindi ko alam kung bakit basta basta lang akong bumigay. Hindi ko alam kung bakit sinasabi ko ito sa kanya. Ganun ba ako kakomportable sa kanya?
Naisandal ko ang mukha ko sa dibdib niya. Umiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit ganon. Ayokong makita niya ang mga luha ko. Ayokong makita niya na ganito ako. Nanghihina.
"Wala na ang nagpapaaral sa akin. Si Tita, hindi na niya ako kayang paaralin. Kaya, si lolo na lang ang nag-ooffer na sa kanya na daw ako. Ayoko! Ayokong pumunta dito! Ayokong makapiling siya dahil wala naman siya dun nung nangangailangan ako. Wala naman siya dun nung kailangan ko ng kaagapay. I was expecting na pupunta siya pero ni anino niya, hindi ko nakita. I hate him! Sangko sa mga bituin ang pagkahate ko sa kaniya. I tried to be good to him dahil alam kong nasasaktan rin siya sa mga sinasabi ko. I tried to. Pero ang hirap. Hirap na hirap na ako Yvan." Humahagulhol ako sa dibdib niya. He slowly covered me with his arms. Marahan niyang hinaplos ang likod ko.
Nagtagal iyon ng ilang minuto. Ayoko na munang umalis dun dahil hindi pa tuluyang nanghihilom ang mga luha ko. Patuloy pa rin ito sa pagpatak.
Bigla akong kumalas sa yakap niya. Nahihiya pa rin ako. Pinagmasdan niya ako.
BINABASA MO ANG
One Good Reason [COMPLETED]
Teen FictionGaling syudad ay napunta si Queeny Milan Ortegaz sa isang maliit na probinsya para ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. She doesn't want to leave but she had no choice. Namatay na ang magulang nito kaya wala siyang ibang magawa kundi sundin ang tita...