Kabanata 19 :Tipsy

10 1 0
                                    


Kabanata 19

Tipsy

---


Maganda ang araw ko. Pagising ko ay nagluto ako ng pagkain at agad na niyaya si Lolo para kumain. I'm picky when it comes to food especially sa taste kaya nung nagluto ako, sinarapan ko talaga but of course, standard sa akin.


"Kain na po Lo," pagyaya ko sa kanya.


Yes! I hate him pero e tatry kong maging mahinahon at pakisamahan ang lolo ko. There's more to life. Sabi pa nga ni Yvan sa akin.


Sa totoo lang, ayaw ko sa kanya. Kumukulo ang dugo ko pag nakasama siya o nakikita siya. Dahil sa tuwing masisilayan ko ang mukha niya, maaalala ko ang nangyari nang una naming pagkikita! Inaamin ko naman hindi naman masama ang mag overtake pero yung nanghingi ako ng tulong sa kanya ay hindi na maari. And he never feel sorry about it? Well, at least now, nakahingi na siya.


Sobrang mapagbiro talaga ang tadhana, kung siya pa ang kinaiinitan mo ay siya pa ang tutulong na maghiheal sayo. Totoo yun! Dahil simula nang kasama ko siya, parang gumaan ang pakiramdam ko! Parang nagiging light ang mabigat sa akin at parang nakikita ko ang pagkulay ng mundo. Ewan ko ba kung may ano kay Yvan na wala sa mga past boyfriends ko. Basta may na nafifeel rin akong aura sa kanya na katulad sa akin? Pero hindi ko lubos maisip yun.


Inaamin ko na hindi ko pa gaanong nakilala si Yvan pero palagay ko sa presensya lang niya ay sapat na. Ang alam ko lang ay nagmamay ari siya ng ilang kalupaan dito sa Cantapoy, may business din ang mga magulang niya, nakatira siya sa ibang bansa tapos bumalik dito. Bukod dun ay wala na!


Iniisip ko! Ganun ba talaga? Ganun ba talaga ang epekto niya sa akin? Pinayagan ko lang naman siya na ligawan ako dahil gusto kong pahirapan siya at gantihan siya sa lahat ng kainisang ginawa niya pero heto ang nangyari? Nakakatawa! Hindi ko lubos lubos maisip ang lahat! At ngayon? Parang nagago na ako! Parang gusto kong good mood na lang ako palagi! Ano ba 'to? Ganito ba talaga pag tuluyan ka nang nahulog? Ganito ba talaga pag nahulog ka sa isang tao? Ganito ba?!


Sabay kaming kumain ni Lolo. As usual I tried to calm myself. I tried to pretend na okay kami. Kahit papano, I tried maging mabait. Nakakatuwa nga diba? Nagpapakabait na ang taong walang magawa sa buhay! Puro luko luko lang ang nasa isip. Gagawin ang lahat para magkapera. Para mabuhay araw-araw. Hindi ko lubos maisip yun!


"Queeny, pwede ba kitang makausap?" si Angel na agad akong nahanap sa classroom.


Tinitigan ko siya saka bumuntong hininga. Nagalit ako kay Angel dahil feeling ko sinusuportahan niya si Yvan nun which is galit ako sa kanya ng mga panahong yun.


"Pwede ba kitang makausap?"


Binalingan ko siya.


"No need na Angel. I'm okay."


Ok na talaga ako! Pwede nang walang explainasyon. Galit lang naman ako sa kanya dahil kay Yvan! Pero ngayon na okay na kami ay wala na.

One Good Reason [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon