Kabanata 17: Jealous

13 1 0
                                    


Kabanata 17

Jealous

---


Umiyak ako buong magdamag. How dare him! Umalis lang ako! Hindi niya ako sinundan? Ni hindi niya ako pinuntahan sa bahay apara suyuin ako? Kaya ayun hindi na naman ako naghapunan. Bahala na nga! Lagot siya sa akin bukas dahil hindi ko talaga siya papansinin at baka magbreak na lang kami.


O baka sinamahan niya ang babaeng yun? Sino ba ang babaeng yun? Kilala niya ba talaga ang babae? Bakit magkasintahan sila nung mga bata pa sila o di kaya'y crush niya ang babae? At ano ba ang dapat kong matutunan? E siya naman 'tong unang nagsabunot sa akin. Bahala na nga! Basta hindi ko siya papansinin.


"Queeny," tawag sa akin ni Angel pagpasok ko pa lang ng room. Unang nahagit ang tingin ko kay Yvan na masayang naguusap usap sa mga kaibigan niya. Tumigil sila at nag iwas ako ng tingin.


Lumapit ako kay Angel dahil obivious naman na ayokong katabi siya. Tumingin si Angel sa akin at sininyasan ako na tumingin sa likod pero hindi ko kakayanin ang tumingin patalikod.


"I think you need to say sorry to him," panimula niyang sabi sa akin na agad ko namang pinutol. At ako pa talaga ang magsosorry?


"Ayoko!"


"Queeny!"


"Pati ba naman ikaw? Angel? Siguro dahil magkaibigan kayo, e di magsama kayo" ako na nagwalk out palabas.


Oh! Ayoko nang pumasok ulit ah?! Kaya nagcutting class na lang ako. Agad kong sinakyan ang motorsiklo ko kung saan saan.


Yes! I'm kinda dissappointed dahil pati ba naman si Angel? Na tinuring ko nang kaibigan ay maggaganon sa akin. Kung sa bagay, sino ba naman ako? Ilang buwan pa kaming magkakakila at hindi pa masyadong deep ang pinagsamahan naming dalawa. Kaya okay! Kung kinakampihan niya ang kaibigan niyang si Yvan. Bahala na nga! Pero nakakainis rin!


"Sh*t," galit na sigaw ng babae matapos ko siyang matalsikan ng putik sa motorsiklo,. Hindi ko sinasadya yun ah?! Ni hindi ko alam na siya yun kahapon pero serves her right? Agad kong hininaan ang takbo ko, sing hina ng paglakad niya.


"Sorry," at kalaunan ay himinto ako.


"At ngayon ka pa lang nagsosorry? Langhiya ka! Inano ba kita? Porke't boyfriend mo ang gwapong yun ~"


"Excuse me?" Putol ko kaagad sa kanya. I smirked.


"Are you trying to say na nagsosorry ako sa ginawa ko kahapon sayo? For your information, nagsosorry ako dahil natalsikan kita ngayon at hindi ko yun sinasadya! Do you think magsosorry ako kahapon? Never! Never in my elusive dream!"


Ebidensiya ang inis sa kanyang mukha. Whatsoever!


One Good Reason [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon