Kabanata 14 : Kaba

9 1 0
                                    


Kabanata 14

Kaba

---


Love conquers all. Gagawin ng lahat ng dahil sa pag ibig and I think it is the same goes to Angel.


Mahigit isang oras rin kami sa dalampasigan. Kulay kahel na ang kalangitan. Tinatapik tapik ko pa siya. Natigil lamang ako sa ginagawa nung nakita ko si Yvan, Luis, Goldean, Josh, Miguel at Angelo. Papalapit sila patungo sa amin.


Di pa rin ako makapaniwala na magkaibigan sila. Magkaibigan silang anim plus si Angel. Naiintindihan ko naman siya. Mahal niya si Luis at dahil dun nagagawa niya lahat.


"Tahan na," tinatapik tapik ko siya. Hindi ako sanay magconsole ng isang tao dahil sarili ko nga di ko kayang iconsole. Kaya't I just try my best para maging komportable siya sa akin.


"Nandito ako, if you need anything. I'm here Angel," makakapunta na kaya ako sa langit ngayon? Pero totoo kung kailangan niya ng tulong, andito lang ako. Wala naman akong ginagawa kaya puedeng puede niyang isandal ang luha sa akin.


Nag angat ako ng tingin sa kanila. Sinipatan ko si Luis na ngayon ay seryoso ang mukha. Lumapit na sila sa amin. Nang naramdaman ni Angel na may tao sa likod niya ay kinalas niya ang yakap at agad nakita ang mga kaibigan niya.


Matalim na tiningnan ni Luis si Angel. Nabitin ako ng may biglang pumalupot sa aking kamay at hinila ako palayo kay Angel.


"Ano ba?" tumambad sa akin ang mukha ni Yvan. Nang nilingon ko ay nakita ko nang lumapit si Luis kay Angel.


"Let's go," bulong niya sa akin at kinalibutan ako. Nakita kong sumunod ang mga kaibigan niya. Well, except kay Luis. Ayoko sanang sumunod but I think, they need to talk. Sumulyap si Angel sa akin at binigyan ko naman siya ng isang nakakaassured na ngiti.


Di ko alam kung sa'n kami pupunta pero nang natanaw ko na papalapit kami sa bahay ni Yvan ay alam ko na kung saan kami tutungo. Dito ko na lang siguro hihintayin si Angel. I'm sure dadalhin naman ni Luis si Angel dito diba? O kung ihahatid niya sa kanila?


Walang masyadong tao sa bahay nila except sa mga maid na naroon. Of course, mayaman kaya't expect the greatest! Malaki ang bahay of course. May rooftop sila kaya dun kami. May inihanda din ang mga maid ng mga snack sa taas kaya ayun ang mga mokong ay nagaaway away dahil sa pagkain. Ops, hindi literal na nagaaway ah?! Yung katuwaan lang!


Hindi ko naman mapigilan na ngumiti. Naiisip ko ang badoy nila at parang batang nag aagawan ng pagkain. Seriously? Wala ba silang pagkain sa kanila?


"Hay! Matutulog muna ako. Gisingin niyo lang ako pag inuman na!" Sabi ni Angelo.


"Ako rin! Goldean pakisabi nga sa girlfriend ko na puntahan ako rito and," kumindat siya kay Yvan na nasa gilid ko " Alams na."


One Good Reason [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon