Kabanata 4 : Two Piece

40 11 0
                                    


Kabanata 4 

Two Piece

---


I woke up six in the morning. Tulog pa yata si lolo so I sneakly go out. Sumakit ang balikat ko. Hindi na ako kumain. Ayokong kumain. Bahala na! Kailangan ko pang maglakad para makaabot and damn! Naninilay na ang mga paa ko, ayaw nang lumakad. At last, nakaabot rin ako, malapit na mag-alas siyete and thanks hindi ako late! Humandusay muna ako sa tabi and let my body rest. Sumakit pa rin ang balikat ko at nagugutom na rin. Kinuha ko ang salamin sa bag ko at nagsimulang tingnan ang sarili. Gosh, this is not me! Nawala na ang liptint sa labi ko at mga polbos na inaply ko. Napalitan ito ng mga sangkadupak na pawis. Pawis na rin ang shirt na sinuot ko. Buti na lang at nagdala ako ng panyo. Pinawi ko ang pawis at nagsimulang magapply ng kakaunting liptint at polbos. Isinandal ko ang salamin sa pader, the time when I used to put liptint unto my lips is the time when I hear small laughter from behind. Tiningnan ko yun at napagoosebump nang natanaw ko ang hinayupak na lalaking yun kasama ang mga kaibigan niya. Tiningnan niya ako saka ngumisi. Kakainis! Sirang sira na naman ang araw ko!


Nagtungo ako sa bodega pero malinis na. Ang dali naman! Hindi na mapagkakaila na humingi siya ng tulong sa iba. Saan na kaya ang susunod na lilinisin?


"Miss? Hinanap mo ba si Yvan?" ngisi nang lalaking walang buhok. Feeling na yata niya ay cute siya sa ganong histura. Jusko po! He lead the way. Inirapan ko siya saka ako sumunod.


Susunod naming lilinisan ay ang likod ng eskwelahan. Maraming mga tumutubong mga grasses kaya kailangan naming kunin iyon. Okay sa aking gawin iyon ngayon nang hindi pa sumisikat ang araw pero mamaya, di ko alam kung makakaya ko. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko.


Limang lalaki ang tumulong sa amin, di kasama si Yvan nun! Nagdala sila ng mga balaraw para mapadali ang trabaho namin. Tumatawa sila habang ginagawa nila yun and even joke. Sinabihan pa nila si Yvan na dapat niyang pumunta doon, di ko alam kung saan yun basta mga resorts and beaches. Marami daw ang mga chics. Hays! Muntik kong makalimutan, transferee pala siya pero nagtataka ako, siya may kaibigan na agad habang ako ay wala pa!


"Are you planning to stand the whole time?"


Halos tumindig ang balahibo ko ng binulungan niya ako, nakatalikod ako sa kanya. What the hell! Pumihit ako para makita siya. I gave him my wildest glare.


"Ha?" tinaas ko ang kilay ko, "Hindi naman ako tulad mo na dinadala ang mga kaibigan para di makapagtrabaho! Ah! ou nga laking mayaman eh! Magkano kaya ang binayad mo sa kanila? It could be thousand right? Or even million? " tinungo ko na para tulungan ang mga kaibigan niya. What the hell! Akala ba niya hindi ako tutulong? E siya nga itong walang halos nagagawang trabaho eh! Mabuti pa ang mga kaibigan niya.


Nagtapon ako at nagwawalis ng basura. Pumapataas na ang araw, mainit pa ang araw, mainit pa ulo ko, nagugutom pa ako. Hayss! Nakakainis talaga!


Umupo muna ako sa gilid gamit ang bato. I want some rest kung hindi, makokolapse na talaga ako. Putek, somobra ang gutom na nararamdam ko nang may mga pagkaing dala ang mga kababaihan. Recess na siguro dahil may mga estudyante na rin ang nagsisilabasan. Ngumingiti ang ilan sa kanila at kilig na kilig rin ang mga babae. Pati naman sa paaralang ito, may ganito? Kakasuka! Yaks!

One Good Reason [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon