Kabanata 10
Katibayan
---
"To make the boy fall in love with you, you should first dress well, act well at ano yang eyeglasses mo? Tanggalin mo yan!"
Sabay hablot sa eyeglasses niya.
"Wag, lumalabo na kase ang mata ko," aniya.
"Then, you should use contact lens."
Napataas ang kilay niya at bahagyang napaisip.
Tumango - tango na lang siya.
"Okay," Pumalakpak ako. "Stand up,"
"Huh? Bakit?"
"Basta, puede bang huwag kang tanong ng tanong? "
I offered this to her pero di ako makapaniwalang kahit ako ay gusto na gumive up sa katatanong niya.
Tumawa lang siya sa akin. At tinawanan ako? Ang nerd na ito na muntikan na buti nalang naisalba ay patawa tawa na ngayon.
"Okay, walk."
Lumakad siya pero gosh, anong klaseng lakad yun? Walang kaconfi-confident!
"Ayusin mo nga ang lakad mo! Para kang timang dyan," lumapit ako sa kanya. "Heads up, straight ang lakad at kumimbot ka naman kahit konti."
Lumakad na siya. Nakakatuwang tingnan. Pinilit niyang kumimbot pero di talaga siya sanay. Napapikit nalang ako ng mata.
"Hindi ganyan, ganito," sinample - lan ko siya.
Kita ko ang pagkamangha niya.
"Oh! Gayahin mo yun! Matalino ka kaya dapat macatch mo agad."
Tinatry na ulit pero parehas lang. "Hundi ganyan, balik," nakailang balik na siya, nakukuha niya minsan pero may loopholes parin.
"Walk with confidence, wag ka ngang mahiya, walang patutunguhan yan sa buhay kung puro ka hiya."
Lumakad siya ulit pero di niya parin makuha ang gusto ko. Naglabas nalang ako ng buntong hininga.
"Okay, tha's enough, good, now, let me see your closet."
Medyo malaki laki ang bahay nila. Wala ang mommy at daddy niya. Ewan ko kung ano ang nagtrabaho.
BINABASA MO ANG
One Good Reason [COMPLETED]
Teen FictionGaling syudad ay napunta si Queeny Milan Ortegaz sa isang maliit na probinsya para ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. She doesn't want to leave but she had no choice. Namatay na ang magulang nito kaya wala siyang ibang magawa kundi sundin ang tita...