Kabanata 29
Tibok
---
Ano kaya yun?
Binibigyan niya ako ng tubig?
Para saan?
Edi bigyan niya iyong Sarah, di ako ang bininigyan niya. E nakakainis rin. Eh!
Pagpasok ko ng paaralan ay badrip kaagad ako.Pinagtitinginan ako ng mga classmate ko. Paki ba nila sa buhay ko! Kinan-cel ko na muna ang praktis namin ni Michael dahil kailangan ko ng pahinga. Mukhang nastressed ako ngayong araw ah?! Feeling ko, ako ang sentro ng school ngayon. Ni-ayokong makipag-usap sa classmate ko maliban lamang kay Michael dahil kailangan ko naman siyang kausapin dahil sa practice. Minsan nga nagtataka ang kaklase ko ba't hindi ako sumasama sa mga tinuring kong kaibigan. Paki ba nila kung ayaw ko na?
Nakakainis naman! Ayaw ko sanang pumasok ngayong araw kaso may praktis at next week na gaganapin ang patimpalak. As usual wala akong kinakausap. Ni ramdam ko nga na pinagtitinginan na ako ng mga kaklase ko dahil wala akong kinakausap. Nagsasalita lang ako pag tinatanong ako at todo effort naman ako para walang lumapit sa akin.
"How's your preparation?" Tanong ng adviser namin.
"All set na sir!" Si Angela naman ang sumagot.
"Good Angela! Pakitaan niyo nga ako sa napraktis niyo na!" Demand ni sir. Hindi ko na hinintay na tumingin pa si Angela sa akin. Sumagot na kaagad ako. "Sir, may binago lang akong kaonting blocking at spacing. Sa friday na lang po, kung okay lang."
"May babaguhin pala Queeny?" Tanong ng isang kaklase ko. Tumango ako. Well, yes! Actually ngayon ko lang naisip 'to na isama na lang si Sarah. Tama naman siya, I am a dancer kaya maghahanap ako ng way para maisama siya.
"Yep, kailangan kasi lahat tayo may partisipasyon dito, so naisipan kong isali nalang ang new classmate natin na si Sarah. Ituturo ko sa inyo mamaya, kaya walang mag-aabsent at -" Tumingin ako kay Sarah. Kay Sarah lang ah?! "Pati ka na. You better do a good job para manalo tayo," tumayo ito, tumango at ngumiti. Goodness! Ito ba ang ipinalit ni Yvan sa akin? Batang - bata pa talaga!
"I'll look forward to that Ms, Ortegaz. By the way, kamusta ang talent portion niyo? I've heard nagchichange ng male contestant, si Michael ba iyon?"
Tumango ako, "Yes po sir."
"Pwede niyo ba kaming pakitaan?" Si sir. Goodness! Hindi kami nakapagpraktis kagabi pero ok lang naman, Michael is a good dancer. Madali lang niyang makabisado ang sayaw. Actually, nasa mastery na kami, so okay lang naman na magsample.
Tinagilid ang mga upuan namin para sa sentro kami magpiperform. Well, hindi naman sa kami lang ang magpeperform ngayon, may mga magtatalumpati rin at ibang kasama sa contest.
Huli na kaming tinawag ni sir. Actually, lumapit si Michael sa akin para isang diskusyon.
BINABASA MO ANG
One Good Reason [COMPLETED]
Fiksi RemajaGaling syudad ay napunta si Queeny Milan Ortegaz sa isang maliit na probinsya para ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. She doesn't want to leave but she had no choice. Namatay na ang magulang nito kaya wala siyang ibang magawa kundi sundin ang tita...