Kabanata 26Angkas
---
Paggising ko ay nandun siya, nagdadala ng bulaklak.
"Apo, gising na! May bisita ka."
Akala ko kung sino, siya pala. Ngumiti ako at nahihiya pa sa sarili, wala pa akong ligo, ayos, make up o anumang palamuti. It's six in the morning at hindi ko inaakalang pupunta siya rito. He must be tired lalo na dahil uminom siya kagabi at bagong dating rin. Nakakapagod kaya magbiyahe.
The relationship between me and my grandfather is in between. Hindi ko sinasabing napapatawad ko siya neither di ko rin masabing hindi ko pa siya napapatawad. It was hurt, I'll tell you, it was hurt.
"Salamat pala," pasalamat ko sa kanya matapos kong sumakay sa kotse niya. Dali-dali lang ako naligo dahil may naghihintay sa akin.
"Hindi ka nalasing kagabi?" Pagtatanong ko sa kanya. Nilingon ko siya habang siya ay nagmamaneho ng sasakyan.
"Hindi ako uminom."
"Bakit naman?"
"Dahil wala ka." Nagkakatitigan kami pero hindi ko pinatuloy at nilihis ang landas. I lift my head para tingnan ang mga kakahuyan sa paligid.
Ewan ko, hindi ko pa rin siya matingnan ng malaliman ngayon. I want his explaination kung bakit hindi siya dumating sa saktong date na sinabi niya pero hindi naman ako imbestigador. May rason siya pero di ko alam kung ano yun even if I am his girlfriend, wala naman akong karapatang manghimasok sa most private life niya. Kung hindi lang ino-open up sa akin ni Angela ay wala akong kaalam alam. Maybe, by now, alam ni Angela ang rason kung bakit kahapon pa siya dumadating.
"May praktis ka ba mamaya?" Tanong niya sa akin. Hindi pa kami dumadating sa school. Ewan ko! Pero feeling ko, binagalan niya ang pagtakbo ng sasakyan para makapag usap kami.
"Ou eh."
"Kailan ba matatapos? Gabi na?"
"Siguro."
"Sunduin kita mamaya."
"Huwag na! Baka may lakad ka pa o ano~" Nilingon niya ako at bahagyang natigilan sa pagtitig niya.
"May problema ba?" Nabitin na sa ere ang sinasabi ko. "Problema? Wala! Ano bang problema Yvan? I said it casually.
Hindi siya sumagot. Nakarating na lang kami sa school ay hindi pa siya sumasagot. Bahala nga siya!
" May problema ba sa inyo? " Si Angela na tinanong ako. Nakaupo na ako sa upuan at naririnig na sa teacher kong puro numbers ang sinasalita.
BINABASA MO ANG
One Good Reason [COMPLETED]
Teen FictionGaling syudad ay napunta si Queeny Milan Ortegaz sa isang maliit na probinsya para ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. She doesn't want to leave but she had no choice. Namatay na ang magulang nito kaya wala siyang ibang magawa kundi sundin ang tita...