Kabanata 11 : Pain Reliever

26 2 2
                                    


Kabanata 11 

Pain Reliever

---


Natapos rin ang kanta ni Angel. Napatitig ng bahagya si Luis pero bigla niya itong iniwas.


"Pero iba pa rin si Yvan at Queeny, " bulyaw ng kaibigan niyang si Golden ang buhok. Agad ko siyang inirapan. Naghiyawan ulit ang mga kaklase ko. Wala ba silang ibang mapabuntongan. Kami talaga?

     

"Hoy, ano ka ba Goldean, paano naman si Eliz?" sigaw naman isang kaklase ko.


"Walang makakatalo sa combination ni Yvan at Queeny, Quevan!" tawang tawa siya. Napasulyap si Eliz sa akin. Tinitingnan ang reaksyon ko. Napayuko na lang ako dahil hiyang hiya parin ako sa nangyari. Ramdam ko ang titig ni Yvan sa akin. Feel ko magtatanong siya kung bakit ko yon ginawa.


Natapos ang nakakapagod na araw sa eskwela. Simula nong inioffer ko sa kanya ang tungkol kay Luis ay ginagabi na akong umuwi.


"Bakit gabi ka nang umuwi apo? " si lolo na mukhang naghihintay sa akin.


"Nag aaral ako diba? Ba't ba tinatanong iyan?"


"Kumain ka na!" pag aalala niyang sabi.


"Busog pa ako," agad agad kong tinungo ang kwarto, padabog na isinarado ang pintuan as usual.


"Cutting classes tayo!" sabi ko kay Angel pagkatapos ng klase sa math.


"Huh? Ayoko! " Suot pa rin niya ang eyeglasses niya. Ok lang sana kung fashionable na eyeglasses pero gosh nakakatanda ng sampung taon.


"Sige, ako na lang."


"Ba't ka magcucutting classes?"


"Wala lang, gusto ko lang magpakasaya, gusto ko sana yayain ka eh, tapos sila, ang mga tropa ni Yvan," tiningnan ko ang mga tropa ni Yvan. Wala si Yvan ngayon ha? Absent.


Natigilan siya sa sinabi ko.


"Masaya naman mag aral diba?"


"Nakakasawang mag aral."


Totoo, nakakasawa. Kaya nga iniimbita ko si Angel, kaya at least maranasan rin niyang maging bad student. Ang ganda kayang maging bad. Nagagawa mo ang gusto mo.


"May quiz kasi mamaya,"


Hindi ko na talaga siya mayayaya.


"Wala akong pake sa quiz, sige na pagbutihin mo ang pag aaral huh?"

One Good Reason [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon