II

6.8K 247 5
                                    

It's been a week since pumutok ang dating issue ni Rain pero hanggang ngayon naiinis parin ako .Hanggang ngayon kasi magka buntot Si Rain at Ang George na yun,wala ba yung sariling oras na paglalaanan Niya .Bakit need Niya pang sumama Kay Rain ,ano siya chaperone ??

Kasalukuyan ko silang pinagmamasdan .Paano ba naman Nandito sila sa mismong football field naglalandian ,mga walang respeto . May laro kasi ang football team laban sa kabilang school at kung sinusuwerte ka nga naman ,malakas talaga ako Kay Lord para Gawin to. Talagang nandito pa ako sa malapit, kitang kita ko tuloy sila .Kitang Kita ng eyes ko kung Paano sila magtawanan .Ipasok na nga sa laro yang Si George para naman maghiwalay man lang sila ni Rain ko .Oo Rain ko ,walang pakialaman dito

Pinagsisihan ko na .Pinagsisihan ko na dito ako naupo ,akala ko masisilayan ko Si Rain pero ibang silay pala ang mararanasan ko .Bad trip talaga

"Oh Inom muna West " bigay sakin ni Qeizy ng isang bote ng softdrinks walang patumpik tumpik kong binuksan yun at ininom. Malamig ito sana lang Ay kaya ring palamigin ang ulo ko .

"Sana manalo ang team natin para may free cake sa cafeteria " basta talaga pagkain walang preno si Arc .Athlete siya ,akala ko need ng diet kapag athlete ka .Pero totoo naman yan everytime nananalo ang school sa ibat ibang competition may libreng cake sa cafeteria with different flavors pa ,depends na lang kung mauubusan ka .

"Kahit wag na " naiinis kong saad napatingin sakin ang mga Kaibigan ko .Para silang mga demonyo na may nakakalokong ngiti

"Wag mo kasing tingnan para hindi sumama ang araw mo " suhestiyon sakin ni Saige .Si Rain lang naman ang gusto kong titigan hindi ang jowa jowaan Niya na mukhang linta naman ,gwapo daw iwww ,saan banda diyan?

"Alam niyo amboring naman dito, gala na lang tayo sa school malalaman din natin kung sino ang nanalo "sabi ko naman tumingin sila sakin bago nag ngitian na parang mga demonyo .For me football is boring ang Hirap magkapoints ,sipaan lang naman ng sipaan

Boring daw pero ang player ang hate

Oo hate ko talaga ang isang player sa team

Agad naman kaming yumuko para tingnan ang paligid .Ito kasi ang sabi ng school bawal daw gumala at manood lang ng laro after they declare na cut na ang classes .

Mabilis na tumalon Si Arc pababa sa mga bench na kinauupuan namin .I smile ng sumenyas siya na walang bantay , agad kaming natalunan pero namali ata ang talon ko .May natamaan ata ako kaya Napaupo ako sa lupa .

"Sorry miss " Rinig kong sabi ng isang lalaki, tumayo ako bago pinagpagan ang pwetan ko .Bad trip talaga buti na lang Hindi Sumabit ang paa ko .

"Hindi kita nakita " napatingin ako sa taong nagsasalita Si Kiel James ang sikat na baseball player .Ngumiti lang ako Bago tumakbo na Paalis baka makita ako ng kung sino

"Anyare ?" Tanong ni Arc ng makalayo na kami sa mismong pinagdadausan ng laro .

"Natamaan ko ata Si Kiel James kaya ayun Napaupo ako , wala naman akong sugat " agad silang kumalma. Tiningnan pa rin ni Saige ang mga braso ko bago kami nag desisyon na gumala na sa Iba't ibang building ng school namin .

Napangiti ako nang marealize na Nandito ako sa isa sa pinakamagandang school sa buong bansa. Maraming teenagers ang gustong makapasok dito ,kahit sabihin na may Pera ka kung hindi naman ganon katalas ang utak mo Ay babagsak ka sa entrance exam . Kilala rin ang school na ito dahil sa napakaraming bumagsak ,kapag nagkaroon ka kasi ng failing grades Ay tanggal kana agad .

Naalala ko yung first day ko dito sa School .Yun din ang  first day na nakita ko Si Rain ,first time na nakakita ako ng ganoong kaganda na babae.

Na love at first sight ako sa kanya hindi ko iyon maikakaila.

Notice Me Miss Where stories live. Discover now