XVII

5.7K 253 35
                                    

Umayos ako sa pagkakaupo sa kama .Hinihintay ko ang reply ng mga kaibigan ko .Paano ba naman sinabi ko sa kanila ang nangyayaring hindi makatarungan sa akin.

"West, can you give me my bath robe "Sigaw ng kasama ko rito sa kwarto .Nakatunghay ako dahil sa narinig .Hindi ko nga alam na ansa banyo na pala siya .Galit galitan kasi ako at hindi siya pinapansin.

Magkasalubong ang kilay kong tumingin sa banyo.Napalunok ako ng makita ang basa niyang kamay na lumabas mula sa pintuan ng banyo.

Bakit ba hindi niya dinala ?!!

But wait !!

She called my name

West

Kagat labi akong nagtakip ng kamay sa mata .This lady .How can she make me kilig with her voice ?

Hindi ko alam kung manhid ba talaga siya o ano .Hindi niya ba ramdam na simula kahapon ng gabi ay nilalayuan ko siya ?!Ngayong araw ang pahinga namin ,bukas ang first day ng competition .Hindi pa bukas ang schedule ko kaya support na lang muna kami sa mga unang sasabak.Ilang category lang bukas .Hindi naman isahang araw lahat .Ngayong araw ay lumabas lang ako para kumain .Naglakad lakad rin kami sa mall dito .Wala namang iba ,katulad lang ng sa Manila.

Niyaya naman kami ngayon na gumala pero umayaw ako .Hindi ko alam dito sa kasama ko. Narinig ko na niyaya siya ng iba naming kasama na gumala pero pagod daw siya. Gaya gaya ganon din ang reason ko eh .

"West " sigaw muli ng taong nasa banyo .Mabigat ang paa akong naglakad at kinuha ang naka sabit sa may cabinet .Naglalakad ako palapit sa kan'ya ng maramdaman ko ang kakaibang kaba. Pansamantala akong tumigil .Tinitigan ko ang kamay niyang iwinawagayway niya sa hangin. Iniabot ko lang sa kamay niya ang bath robe at dali daling tumakbo patalon sa kama.

Malakas ng kalabog ng dibdib ko .Seriously?! Nagwawala na agad ang puso ko ?!

Bakit ba kasi kami pa ang magkasama sa iisang room ?!

Kinuha ko ang isang unan at itinakip muna ito as aking mukha.Pakiramdam ko kinikilig ako kahit na hindi naman ganon katagal ang interaction naming dalawa.

Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. Kusang tumatalon ang puso ko .

Narinig ko ang langitngit ng pintuan kaya bumalik na lang ako sa pagtype sa laptop. Binigay ito samin para sa pagbabasa ng pointers .Siyempre, mabait ako kaya sa YouTube ako manonood. Wala ako sa wisyo para basahin ang mahahabang pointers ni Sir Benjie .Nabasa ko na naman ang mga ito kahapon .Rinig ko ang pagtunog ng phone ko pero Hindi ko pinansin .Kunyari busy ako sa pagtipa sa laptop.

Kung magpatugtog kaya ako?

Ang creepy ng room namin kaya mas mabuting magpatugtog na lang .Para ibsan na rin ang kaba sa dibdib ko .Gusto kong takpan ang kaba na nasa dibdib ko .Halos hindi ito nawala simula kahapon.

Saan ka ba kinakabahan?

Hindi ko alam .Alin ba ang dahilan ng kaba ko ? dahil ba malapit lang si Rain o dahil alam kong baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at sunggaban si Rain.No ! Hindi dapat !

Akala ko ba ,mag momove on kana ?!

I'm trying but this is a long process. Tama Hindi naman agaran ang lahat.

at the end ay prank lang yan .

Napapikit ako ,hindi ako makapaniwalang inaaway ko ang sarili ko .

"West ,can you pass my lotion " wala sa sariling tumingin ako kay Rain. Bigla siyang ngumuso .Kiss ?

"Behind you ,my lotion" ha? eh?Lotion?

Notice Me Miss Where stories live. Discover now