XVIII

6.1K 267 23
                                    

"Congratulations Lyra " Masaya kong bati sa kasamahan namin.Kakababa niya lang sa stage matapos i-announce ang mga nanalo. She ranked 2nd in photojournalism, over sa 10 schools na qualified .She received silver medal .

We take a lot pictures kasama ang iba pang representative namin. Hindi man pinalad na umabot sa ranking ang iba pero kita ko naman na hindi sila nawawalan ng kompiyansa.Sir Benjie and the other faculties are really proud .Even me ,I'm happy for them .

"I know you've done great ,Ria " tapik ko sa balikan ni Ria .She's still in grade 8 .I know she did her best .She gave me a wide smile .

Ria ranked 5th .Nanghihinayang ang lahat dahil hindi siya nakaabot sa top 3 . This isn't failure ,this is just the start of new lesson.

"Thank you po Ate West " I smiled to her .Nakita kong namula ng bahagya ang kanyang pisngi .I mentally squeal ng makita ang cuteness nito.Ang cute niya tingnan with her bunny teeth .She looks really young .Maliit siya kumpara sa ibang student .

"Womanizer "

Ayun na naman ang bulong na iyon.I know it's Rain .Halos bukambibig niya yan simula kagabi. Walang oras na sinasabi niya ang mga katagang yan .I want to ask her pero iniiwasan ko nga pala siya. Sometimes napapansin ko rin na nakatingin siya sa akin ,kapag nagtama naman ang mata namin ay iikutan niya ako ng mata .

Hindi ko na pinansin ito ng makitang nagsisimula ng maglakad ang lahat .Nagkukuwentuhan ang iba about sa experience nila ngayon. Most of them are still disappointed sa results .May ilan pang nagsabi na luto daw ang competition ,but for me ,I don't think so .Karamihan ng judges ay galing sa iba't ibang region .They seem professional kaya impossible ang sinasabi nila .They are disappointed yes ,but ,they don't need to blame other people.

Nang makalapit sa shuttle bus namin ay ako na ang umuna. Humawak ako sa gilid ng pintuan bago ini-angat ang sarili ko . Thank god may shuttle service kami .Anlaki laki pa ng banner na nakalagay sa bus .

"Magpahinga na muna tayong lahat .Congratulations sa inyong lahat .Don't forget ,dinner on 7 pm ,same place." Sir Benjie announced.Nasa unahan siya nakatayo .

Umayos ako ng upo sa spot ko .Ito rin ang kinauupuan ko kanina noong papunta kami .Dumantay ako sa bintana habang hinihintay ang katabi ko .Gulat akong napatingin ng makita ang babaeng pilit kong  iniiwasan. Walang habas lang siyang umupo sa tabi na akala mo siya talaga ang nakaupo doon .Alam kong hindi siya ang katabi ko kanina.Umayos ako ng upo at tiningnan ang paligid.Nasagot ang tanong ng utak ko ng makita si Ella na nakaupo sa upuan ni Rain kanina. Kausap na nito ang katabi na parang walang iniwan .Gosh ,nakipagpalit ba siya kay Rain? Or vice versa?

"Ako na ang andito tumitingin parin sa iba "

Rinig na rinig ko ang bulong na iyon. Hindi ko alam kung talaga bang pinaparinig niya sa akin or sinasabihan niya ang sarili niya.Bahagya akong umikot ng tingin at Nakitang nakatingin naman ito sa phone niya. May kaaway pa rin ata siya .Magkasalubong ang well shave eyebrows nito habang nakatitig ng masama sa phone.

Ano kayang problema niya?

Nagulat ako ng tumingin siya bigla sa akin.Iiwas na sana ako ng makita na nauna na siya ,nag rolled pa siya .

Kunot noo akong bumaling sa bintana. Napahawak ako sa may upuan ng maramdaman ang pag andar ng bus .Mabuti naman . Baka hindi na ako maabutan na buhay dahil sa katabi ko .

Ang awkward masyado.Ang tahimik naming dalawa pero ang mga nasa paligid naman namin ay ang iingay .May kan'ya kan'ya silang topic kaya naghahalo halo ang ingay sa loob ng bus. Nakakainis hindi ako makadaldal dahil sa katabi ko .Nahihiya akong dumaan para pumunta sa mga kakilala ko .Kahit ang pag tingin sa likuran ko ay nakakahiya. Baka kung akong sabihin ng katabi ko .Kasalanan 'to ni Ella .

Notice Me Miss Where stories live. Discover now