XII

5.4K 222 13
                                    

" I just wanna inform you guys that the date of our competition will be moved .Walang exact date but maybe ngayong month na rin ." Sir Benjie say while he is standing in front of us .May hawak siyang isang stick ,ginagamit niya rin iyon na pang turo sa amin . Napasilip ako ng bahagya sa bandang likuran namin para tingnan ang isang tao .She's there ,listening .

I nodded as my response .Napatingin ako sa paligid at nakita ang pag tango rin ng mga kasamahan namin.It's a good news for us .Makakapag train pa kami ng ilang linggo bago ang exact competition .Personally, I still need to memorize unfamiliar words na nakikita ko sa dictionary .One time may nakita ako sa dictionary na nasa library pero hindi ko na matandaan kung anong meaning non. Sobrang hectic rin ng paghahanda namin .Kung papayagan lang akong hindi mag participate sa nationals ay okay na sa akin .It's already an honor na makapasok sa top 3 ng regional and divisions.

"All of you ,can go now " Mabilis akong napatayo at kinuha ang bag na ko nakapatong sa upuan. Nagmamadali akong makalabas para naman makahawak na ako ng cellphone.Hinugot ko sa bulsa ng bag ko ang phone ko at tiningnan kung may text ba galing sa particular na tao. I smiled when I saw one.

To: labidabs 💓
Take care sa pag uwi

Pasimple akong sumandal sa may poste para hintayin ang paglabas niya. Nakita ko naman itong naglalakad palabas ng room kung saan kami nag meeting .Nakita kong kinapa niya ang dala niyang bag bago may kinuha .I think it's her phone.Tumingkayad ako para silipin ito pero hindi siya nakatingin sa direksyon ko .Hindi ko tuloy makita kung anong reaksyon niya dahil nakatalikod siya mula sa kinatatayuan ko .Nakita kong ibinaba niya ang kamay niya hawak hawak ang phone .It means nabasa na niya? Bakit walang reply ? .Sinuri ko ang cellphone ko pero wala akong nakitang new messages na galing sa kan'ya.

Napakibitbalikat na lang ako at tinungo ang kabilang hallway . Naghihintay na kasi sa 'kin ang mga kaibigan ko.Sabi ko sa parking lot na lang nila ako hintayin.May balak kasi kaming magsleep over sa condo ni Saige .Too bad hindi makakasama si Arc ,family night daw.

"Ansaya naman " bungad sa akin ni Qeizy. She laughed and motion me na pumasok na sa loob ng kotse namin.Inirapan ko lang siya bago binuksan ang passenger seat .Pumasok ako at inilagay sa likuran ang bag ko .Nakita ko ang pagsenyas ni Saige na mauuna na siya .Tumango lang ako at kumaway habang papalayo ang kotse niya.Kunot noo kong tiningnan ang katabi ko ng mapansin na wala ata siyang balak na i-start ang kotse .

"Ano ngang nangyari parang hindi pinsan " ungkot agad ng katabi ko ng magtama ang mata namin.Napatawa ako ng mapanguso pa siya .Feeling cute mukhang pato naman na natatae.

"Magkatext na kami , kahapon lang ako nagtext "I know naman na gets na niya kung sino ang tinutukoy ko.My cousin grin and start the engine of our car .Kitang kita ko ang mapanukso niyang tingin sa akin.

"Sweet naman text mate " inikutan ko siya ng mata dahil sa pang aasar niya. I gasped nang maramdaman ko ang pagsundot niya sa tagiliran ko .Gosh ,nasa daan na kami baka maaksidente pa.

"Kaso ang pagkakakilala niya sayo ay  Mr. M "Wow ahh,hindi ako makapaniwalang tiningnan ito na tawa lang nang tawa.Bwesit talaga ,okay na sana eh .May pasaling pa palang gan'yan.Sinisira pa ang moment ko sa utak ko .

"Tumigil ka nga okay na yung ganito kami.At least may progress " sabi ko pero hindi siya natinag. She still laughing while making faces.

"West gumising ka na sa panaginip mo . Ang gusto ni Rain si Mr. M at hindi si West. I don't want to say this things, pero ikaw lang ang masasaktan sa huli " she suddenly changed her expression .Humilig lang ako sa may bintana para hindi magkasalubong ang mga mata namin.Napabuntonghininga na lang ako. Tama naman siya .I just can't accept the reality .Naiisip ko rin naman yan pero ayoko munang pangunahan ang lahat .I'm still gripping on the faith na baka magustuhan niya rin ako after all the things I've done for her.Baka kasi magustuhan niya ako bilang West kapag nagpakilala na ako ng tuluyan.

Notice Me Miss Where stories live. Discover now