I fasten my steps and keep my face straight .Paulit ulit akong tumitingin sa palagid habang dala dala ang isang buong box na tinatago ko sa aking panyo . Nakasunod sa akin ang magaling kong kaibigan. Kahit na palagi nila akong pinagsasabihan talagang support pa rin sila sa gagawin ko . Nang mamataan ko na ang target locker ay bumagal ako ,sinilip ko ang palagid kung may tao ba .
Mabilis kong inabot sa kay Saige ang box ,siya ang nagtatakbo palapit sa locker habang ako ay nakamasid lang. Let's say na mas magaling siya sa pagpuslit kesa ako na matatagalan.
"Bilisan mo Saige " bulong ko sa kasama ko habang pinapasok niya ang box ng cookies na ginawa ko kaninang umaga .Kita ko ang pag iingat niya para hindi magkaroon ng sira ang magandang box na nilagyan ko pa ng palamuti.
Let's say na gumising ako ng maaga para lang mangalikot sa kitchen namin. Thank god na lang at wala akong hang over kahit na halos lumipad na ang mundo sa pagkahilo ko kagabi.
"Okay na " rinig kong bulong niya .Tumango ako bilang sagot at dali dali kaming tumakbo sa kabilang hallway ,kunyari sa comfort room kami nanggaling.
Mabilis kong tinapik si Saige ng makita ang mga estudyante na naglalabasan mula sa mga building nila .Nakahinga ako ng maluwag knowing na walang nakakita sa amin .Bumagal ang lakad ko at hinahagilap ang isang tao .Kita ko ang ilang estudyante na naglalakad sa hallway ng building nila.
Mabuti na lang talaga at mabait ang teacher namin na Si Ma'am Alcedo .Hindi na Siya nagtanong kung bakit dalawa kaming lalabas ng kaibigan ko .Kapag ibang teacher pa naman halos sabunin kana para lang sa pag ihi.
Nakarating rin agad kami sa pintuan ng aming room.Sinipat ko ulit ang nakatatak na numero baka kasi hindi amin ang room na ito,nakakahiya naman Jung pumasok kami.Tumingin ako sa kaibigan ko at Nakitang tumango siya ,alam na niya to. Itinaas ko ang kamay para kumatok. Pagkatapos ng tatlong katok ay nakangiti kong binuksan ang pintuan ng aming room. Bumungad sa akin ang mga kaklase ko at ang nagtuturo sa unahan. Ganoon pa rin ang nangyayari katulad kanina.
Tumikhim muna ako ,naglakad kami papasok pero narinig ko ang pagtawag sa amin ni Ma'am. Nakakunot ang noo niya habang may hawak hawak na libro.
"Ang tagal niyo namang umihi Ms.Marcus " I gulped hard.I composed myself pero isang tapik ang naramdaman ko .Pasimple ko pang tiningnan si Saige
"Ahm Ma'am sorry po , Saige have stomach cramps po kasi " Iniwasan ko ang mga tingin ni Ma'am dahil bumaling pa ito sa akin pagkarinig ng sinabi ni Saige .
"Okay kana ba Ms. Gdiazr ?" Tanong naman ni Ma'am kaya nakahinga ako ng maluwag .I think hindi na naman siya mag uusisa pa tungkol sa nangyari.
"Oo ma'am medyo nakaraos naman " rinig ko ang impit ng tawa ng mga kaklase namin .Gets na gets agad nila ang ibig niyang sabihin. Pigil na pigil ang mga ito habang ang iba naman ay nagtatakip na ng libro sa mukha . Habang ang iba naming kaibigan ay parang mga tanga na nakatingin sa amin na nakatayo sa harapan ,kung pwede ko lang sipain ngayon Si Arc baka nagawa ko na .
Tumango naman Si Ma'am kaya agad kaming yumuko at lumakad papunta sa designated seats namin .Siniko ko pa Si Arc nang madaanan ko .
"Ano okay na ?"Pabulong bulong ni Qeizy na nasa harapan namin ang upuan .Tumango ako bilang sagot sa kanya ,baka kasi masaway kami ni Ma'am
"Mission success " Saige playfully wink at her . Napaikot ng mata yung isa .
I playfully but my lower lip to stop my mischievous smile .Para akong tanga na kinikilig sa sarili kong pakulo ,sariling sikap na lang talaga ang pagpapakilig ko sa sarili ko . I just fix my seat and eye on the front .Napasinghap pa ako ng makita na nakatingin pala Si Ma'am sa amin. May kakaiba itong tingin ,mukhang nagtataka na ito sa dahilan namin kanina.