Disclaimer : This is the revised version. Please take note na may nabago sa scenes and story line .
-
I avoid their gazes after saying what I want to say. Sandaling tumahimik ang paligid .Nagtatantiyahan ang mga ito kung anong sasabihin. Nakatingin lang sila sa akin bago ko narinig ang unang nagsalita.
"Seryoso?! " Nanlaki ang matang tanong ng pinsan ko sa akin. Kinukuwento ko kasi ang nangyari kahapon ,walang labis walang kulang. Pero yung nangyari sa amin ni Rain noong nakaraang ay hindi ko na binanggit .Ayokong maalala ang nangyaring yun.
"They invest a lot. Para lang makilala ka " Napataas ang kilay ko sa pageenglish ni Saige .Mukhang nahahawa na siya kakapanood niya ng mga international movies.Tama na ang hollywood for her.
"Oo nga , akalain mo yun para ka nang gold " tawang tawa na salita ni Arc.Kahit kailan talaga tuwang tuwa siya sa mga nangyayari .Mukhang ako lang ang kinakabahan sa amin .
"So, what's your plan West ?" Tanong ng pinsan ko sa akin .Sinimulan na niya ang pagkain ng chocolate niya.
"Wala malamang " nagkatinginan silang tatlo.Talaga bang pare parehas sila ng tanong ? Palagi na lang nilang tinatanong kung anong plano ko.
"Seryoso? Hindi ka ba makikinig sa sinabi ni Kimer? "Naniniwala akong confused lang talaga si Rain. She's just overwhelmed na nakilala na niya ang admirer niya. Nagtataka rin ako ,kasi wala siyang violent reaction after niyang malaman na hindi ako lalaki. Matagal na ba niyang alam?
Andaming tanong sa utak ko .Bakit ganoon na lang umakto si Rain? .Wala siyang pakialam sa gender ko .Wala rin siyang sinasabi sa mga kaibigan niya. Impossible naman na i-secret niya yun sa kanila. I know may reason siya.
"Hindi naman siguro mahalaga yun . I'm sure mas pipiliin ni Rain na makipag landian rather than sugurin na naman ako " Nagkibitbalikat ako bago binalatan at isinubo ang kisses. Napatigil ako sa pagnguya ng makita ang tingin nila. Naningkit ang mata ni Saige .Pinalaki ko ang mata ko and ask them 'why?'
"What do you mean na naman?" Saige asked .Huh? Nasabi ko ba yung na naman?
"You mean sinugod kana niya before ?" Biglang singit ni Arc.Ngumunguya pa ito kaya muntikan ng magtalsikan ang chocolate mula sa bibig niya.
"Namali lang -"
"Sinungaling " naputol ang pagsasalita ko ng sumabat si Qeizy .Tumalim ang tingin nila sa akin .Mukhang hindi na ako makakapagasinungaling.
"Fine .Alam na ni Rain about sa akin noong nasa Davao pa kami .She already knew that I'm Mr. M" eksaheradang humawak sa bibig ang mga ito. Parang nakapagsabi ako ng hindi nakakapaniwalang bagay.
"Oh my god " kunot noo kong binalingan si Saige .Para talagang ewan 'to .Nagiging englishera na siya.
"Hindi naman -"
"Mr. Corper ,Ms. Marcus ,Ms. Ygloria and Ms. Gdiazr .Bakit nasa labas kayo sa oras ng klase ?" Matapang na saad mula sa likuran namin.Agad akong Napatayo mula sa pagkakaupo sa ugat ng malaking puno. Agad kong nakita si Ma'am PolGov. I didn't remember her name kaya subject niya na lang na 'PolGov ' ang tinatawanag ko sa kan'ya.
"Nasaan ang subject teacher niyo ?" Inayos niya ang kan'yang salamin habang nakatitig sa amin .Matandaan na ito pero ang usap usapan ay walang asawa kaya gan'yan .Palaging galit .
"Wala po si Ma'am -"
"Pasok " mabilis niyang turo sa building namin.Walang ano ano kaming napayuko at nagtulakan pa .Ramdam ko ang kamay ni Qeizy na pilit akong tinutulak. Hindi ako makapaniwala na nahuli kaming nasa labas ng classroom. Pagkakatanda ko wala namang nag rounds na teachers noon .