Dahan dahan kong ibinaba ang baso ko sa lamesa ng biglangmay marinig. Tumugtog ang isang pamilyar na love song habang nagiging malumanay ang pag ikot ng party ball sa gitna . I gaze at everyone who's partying .Napansin ko ang pagdami ng tao sa gitna .Karamihan ay mga magkakasintahan.
"Let's dance West ,dali na "nanlaki ang mata kong tiningnan si Mandy .Sasayaw kami? Hala
Aalma na sana ako ng makita na napanguso ito .I let out a giggle and nod my head. Pagkatayo nito ay bigla ring natumba. Mabuti na lang at naalalayan ko ang katawan niya .Kasalanan 'to ni Saige .Niyaya niya kami na mag inom pero ayaw ko .Magtatampo na sana ang mokong ng umo-o si Mandy .Kaya ayun,nag one on one sila .
Knock out na nga si Saige .Nauna pang matulog kaysa sa amin .Kanina lumapit dito si Arc .He checked us .Busy pa kasi siya sa loob ,kausap niya daw ang mga kamag anak nila .
The party is still going .Kapag napapatingin kami sa pool ay hindi nawawala ang mgq nagsasayaw .Mukha na silang nagwawala sa gitna ng pool .Wild na wild sila doon. Medyo malayo kasi yun sa amin pero dinig pa rin ang kakaibang kanta doon.More on mga teenagers ang nagkakalat sa pool.
Inalalayan ko si Mandy habang paalapit kami sa bulto ng mga tao .She place her arms on my shoulders kaya napahawak ako sa bewang niya .Pilit kong pinagmamasdan ang paligid ng biglang may mahagip ng mata ko .Ang pinsan ko .Kasayaw niya ang isang pinsan ni Arc ,akala ko ba mag cr lang siya .I raise my eyebrows ng makita kung gaano sila kadikit sa isa't isa.Hindi ko talaga alam kung anong kalandian ang dumadaloy sa katawan niya. Saan kaya siya nagmana? Excuse me ,inosente ako .
Inayos ko na lang ang pag sway ng katawan namin ni Mandy sa tugtog. Nakakahiya na halos lahat ng nandito ay halatang naglalandian ,habang kami ay na tripan lang .Dahan dahan kong naramdaman ang paglapit ng katawan niya. Pinanood ko lang si Mandy kung paano niya ilapat ang noo niya sa balikat ko .Maybe nahihilo na ang isang 'to .Sabi na eh ,dapat hindi na kami tumayo.
Muli na naman akong nakarinig ng malalakas na hiyawan .Nakita kong sumasayaw sayaw si Randel sa gitna ng pool. Namumula ito at halata na ang pagkalasing. Pagkakatanda ko ay kasamahan siya ni Arc sa basketball team ng school. But now, sa pagkakaalam ko ay umalis na ito .Isa rin siya sa mga nakalandian ni Rain noon .
Rain na naman ,hayss...
"Upo na tayo?" Bulong ko sa babaeng nakadantay sa akin pero umiling siya .Pinabayaan ko na siya at muling inayos ang pagkakalapat ng noo niya sa akin .I keep swaying our body in melodically rhythm.
Sinilip ko si Qeizy sa kinaroroonan niya kanina pero hindi ko na ito makita .Bagkus ay iba ang nakita ng inosente kong mata .I saw Oreo .I know na ang kasama niya ay si Scarlet .Base on their position ,naghahalikan silang dalawa. May pagka malayo naman sila sa amin at nasa bandang kadiliman.
Hindi ako aware na pumunta pala sila dito .Hindi ko sila napansin kanina. Napailing na lang ako .Bakit ko ba sila pinapanood habang naghahalikan. Wala naman akong mapapala kundi ang mainggit .Wait.
Scarlet is here .So-
May possibility na naririto rin si Rain.
I felt pump on my chest .Nagsimula na akong kabahan .I choose to nudge those thought at mag focus na lang .Hindi ko na dapat siya iniisip .I'm sure wala siya dito .Bakit naman siya pupunta dito? 'Di ba ? I know na hindi. Teka-bakit ba ako nag overthink .Hindi naman soy importante .Ano ngayon kung nandito siya-
"West "
Napatingin ako sa kasama ko dahil sa pagtawag nito .Nakatingin rin pala siya sa tinitingnan ko kanina. Napalunok ako ng tumunghay ito .Mas hinila niya ang katawan ko palapit at umayos ng tayo. Nagulat ako sa biglaan niyang paghila kaya napisil ko ang bewang niya .She smile and lean her body even more. Sa Sobrang dikit namin ay mahihiya na ang hangin na dumaan.