Naalimpungatan ako ng makarinig ng mga lagabog sa baba .I opened my eyes . Kinapa ko ang katabi kong pwesto para mahanap ang salamin ko.May kadiliman pa ang buong kwarto .Hindi rin nakabukas ang lampshade ko .Mukhang hindi ko na nabuksan pagkarating namin kagabi .Halos bumagsak na nga ako habang naglalakad pataas dito sa second floor .Mabuti na nga lang at magkasabay na kaming umuwi ni Qeizy kaya siya ang nag lock ng pintuan .
Nang makapa ang salamin ko ay agad ko iyong sinuot. May iilang liwanag pa ang nanggaling sa labas. Wait -umaga na ba? .I remove my mattress and get up .Naglakad ako papunta sa wall kung nasaan ang bukasan ng ilaw. I press the upper button .Agad na lumiwanag ang kapaligiran .Muli akong nakarinig ng mga lagabog sa baba .
Si Qeizy ba yun?
Mabilis kong sinuot ang slippers ko .Pumasok muna ako sa cr para maghilamos at mag toothbrush .Hindi ako pwedeng lumabas ng kwarto na Hindi malinis ang sarili ko .Nakakahiya naman .Lumabas ako ng cr at piniling iwan na bukas ang ilaw.Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko at naglakad. Napatingin ako sa kwarto ng pinsan ko pero nakasarado ito .I slowly grip on the knob and turn it left. Nagbukas naman ang pintuan kaya sumilip ako .I saw my cousin laying on the floor .Sa lapag na siya natulog ? Ano ba naman yan-
Kung nandito siya ,sino yung nasa baba?
Muli kong isinarado ang pintuan at naglakad pababa. Habang papalapit ako ay dinadahan dahan ko ang hakbang para hindi marinig ng taong nasa baba na may paparating. I even remove my slippers and walk with bare feet .Nagtagumpay naman ako .Nakababa ako sa first floor namin .Kahit na malamig ang sahig ay patuloy pa rin ako sa pagpaghakbang ,tiis tiis ang lamig.
Nang malapit na ako sa kitchen ay pinili kong sumandal sa cabinet .Mula rito ay sinilip ko ang kinaroroonan ng taong nandoon. Is that thief? .No way ,impossible. Napansin ko ang maraming hugasin na nasa lababo. Teka -wala namang kumain doon ahh .Bakit andaming hugasin?
"What are you doin?"
Halos napatalon ako ng marinig ang salitang yun.Hawak hawak ang dibdib ay napatingin ako sa likuran ko .
Sinalubong ako ng mapagmataas na kilay ni Ate Belle.
She's here !!
Nang mag register sa utak ko ang nangyari ay mabilis akong tumalon at yumakap sa kan'ya .May hawak ito sa kanang bahagi ng kamay kaya halos mahulog ako .Kumapit ako ng mahigpit kay Ate .I miss her so much .
"Get off West ,I'm cooking " pilit niyang tinanggal ang mapang api kong yakap. I pout my lips para magpaawa pero nakalimutan ko palang siya si sungit.Imbes na maawa siya ay tinulak pa ako .
Nakasimangot ko siyang tiningnan habang naglalakad papasok ulit ng kusina .Tuwang tuwa akong bumuntot sa kan'ya.Minsan lang siya umuwi. Napatingin ako sa wall clock namin at nakita na maaga pa pala. Halos alas otso lang ng umaga.
"Kailan ka pa dumating Ate ?hindi na ba busy sa hospital " sunod sunod kong tanong habang hinihila ang upuan para makalapit sa kan'ya.
Introducing, North Belle Marcus .The only doctor in our family .She's the middle and black sheep .She pursue medicine rather than law. Sabi niya ayaw niya daw sumali sa mga nakasanayan ng pamilya namin .Kahit noong mga bata pa kami ay masama na ang ugali niya .Pero wala akong pakialam ,basta spoiled ako sa kan'ya kahit gan'yan siya.
"Kagabi lang at still busy sa hospital " sagot niya habang hinahalo ang kung ano na nasa casserole .
"Bakit ka umuwi?" This is unusual .Ang alam ko kasi mas gusto niya sa tahimik na lugar .At yun ang malayo sa ka ingayan ni Kuya East .
"Bawal ba ?" Napangiwi ako sa sagot niya. Ibinaba niya ang sandok sa isang plato .Nakita kong papalapit ito sa kinauupuan ko kaya umayos ako ng upo. Baka kasi masita na naman niya ako .
Pero mukhang iba ang gagawin niya.
Napatitig ako sa kamay niyang may kinuha sa kan'yang bulsa bago ibinaba ang bagay na iyon sa mesa na nasa harapan ko .
My phone .
Muli kong tiningnan si Ate .Hinawakan ko ang cellphone ko at binuksan ito .Bakit nasa kan'ya?
Nakita kong bumalik siya sa kan'yang niluluto na parang walang ginawa.
"Sobrang lakas ng hilik mo hindi mo narinig ang ring ng phone mo .May tumawag- " sabi ni Ate habang hinihiwa ang isang karne na nasa plato .Mukhang malambot na naman ang karne kaya isinubo na lang niya iyon.
Tumawag? Siguro si Mandy .Inihatid niya kasi kami kagabi.Pinili kong mag inom kasama nila Arc after umalis ng mga bisita. Kaya si Mandy ang naghatid sa amin ni Qeizy. Mas okay nga iyon ,lasing na kasi si Qeizy kaya baka mag gewang gewang pa kami .Hindi ko na rin kayang mag drive noh
"Unknown number kaya kinuha ako " huh unknown ? .Pinatay ni Ate ang apoy .Nakita ko pang kumuha siya ng mga plato at bowl .Tatayo sana ako para tulungan siya ng magsalita ito .
"Rain daw ,sabi"
Napatigil ako at tiningnan si Ate kung nagbibiro siya .Pero nakakunot lang ang noo niya habang nagsasandok. Hindi naman siya mukhang nagbibiro .
I know kilala niya si Rain. Remember halos may poster ako ng mukha ni Rain.
"What did you say ?" Gulat kong tanong . Ibinaba niya sa lamesa ang isang bowl ng kanin .Napalunok ako ng makita na dumilim lalo ang mukha ni Ate .
"Akala mo ata West Gelle Marcus na hindi ko alam na iniyak iyakan mo yang Rain na yan ." umpisa niya bago dinuro ako gamit ang malaking sandok . I raise both of my hands .Nakakatakot talaga si Ate .
"Sabi Mom pinaasa ka lang daw niyan.Tapos magtatanong ka kung anong sinabi ko sa kan'ya .Tingin mo magiging mabait ako ? tingin mo hindi ko siya susungitan ?" Napatikom ako ng bibig dahil sa sinabi ni Ate. Alam ko naman na masungit siya kaya given na yun .But now .Mukhang nadagdagan pa ang pagkamuhi nito sa isa .I want to open my mouth and say something .
Napansin ko ang pagsilay ng dimples ni Ate kaya iyon ang sinundot ko .Magkasalubong ang kilay nitong hinampas ang kamay ko .Tumalikod ito at mukhang kukuha ng ulam. Mina masahe ko ang kamay ko na hinampas niya .Ang sama niya talaga .
"Ano ulam?" napatingin ako naman ako sa taong kakababa lang ng hagdan .Maayos naman ang lakad niya habang hawak hawak ang noo .Halatang may hang over. Mabuti na lang wala ako .
"Ate Belle! " sigaw niya at nagtatakbo palapit kay Ate .I laugh nang makita na tinulak din siya ni Ate kaysa yakapin. So sweet talaga ni Ate .Lalo atang nahilo ang isa .Gewang itong lumapit sa akin .Pinaghila ko naman ito ng upuan sa tabi ko .Pagkaupo niya ay umub-ob lang siya sa lamesa.
Muli kong tiningnan ang phone ko .Ano kayang sinabi ni Ate Belle? Sinigawan niya kaya si Rain? .Knowing Ate sure na hindi siya kalmado .Kawawa naman si Rain kung nasigawan ni Ate.
I open my phone at tiningnan ang last call. Nakita kong nagtagal ito .Gosh,8 minutes? .Antagal naman nilang nag usap.Pero bakit tatawag si Rain? Don't tell me mag sorry siya? Mukha niya!.Kulang ang sorry sa sakit na binigay niya .
"Ibaba mo yang phone mo .Kakain na "
Inilapag ni Ate ang ulam. Wow ,kaldereta ata 'to. Halatang tender ang beef .Yummy naman . Nakita kong tinuktukan pa ni Ate ang katabi kong inaantok pa .Qeizy squeal bago ako binalingan. Nginuso ko naman si Ate kaya wala itong nagawa kundi tumahimik.
Iniabot niya sa amin ang mga utensils kaya agad kaming tumalima. Habang hinihintau ang turn ko sa pag kuha ng pagkain ay sinilip ko ang phone ko .My curiosity still bothers me .Gusto kong itanong kay Ate kung ano ba talagang pinag usapan nila .Bakit tumagal ng ganito? .Kinakabahan ako knowing na si Ate pa ang unang nakausap ni Rain .
I mean deserve niya yun .
Hindi ako dapat mag alala .
Tama . Wala na akong pake kung tumawag man siya .Dapat nga hindi na siya nagpaparamdam dahil may Luis na siya .Nakakainis .
Hindi dapat siya mag act na parang wala siyang ginawa sa akin.
Playgirl!