Rain
"If you're going to ra-"
"Don't you want to sit first ?" She said .She just cut me off para lang alukin na umupo. I heavy sigh and place my bag on the bar stool .
Nakarinig kami ng malakas na langitngit nang hilahin ko ang wooden chair .Pilit akong binigyan ng plato kaya kinuha ko na lamang ito .Pansamantala kong tinitigan ang nangingintab na mga utensils na nakalagay sa harapan ko .Kasama nito ang napakaraming pagkain .Katulad ng mga nakaraang araw na bumisita dito sa bahay ang mga Dee —Luis's family .
Kaya hanggang sa makakaya ko ay umuuwi ako ng late .Kahit pa manatili ako sa school or sumama sa date ni Scarlet at Oreo ay gagawin ko ,para lang hindi makita ang pamilyang iyon. Hanggang sa school ay umiiwas ako kay Luis .Ayoko ng makalapit siya sa akin, kay West ko na lang itinutuon ang buong atensyon ko .
"Baby ,do you want boeuf bourguignon ? " napatingin ako kay Dad dahil siya ang nagsalita. I give him a small smile kaya sinabihan niya ang maid na paglagyan ako. I know how to get my food but my parents would not let me .
"Saan ka galing ? Kanina ka pa namin tinatawagan ?"here we go again . Mula sa pagkakatingin sa aking plato ay tumingin ako kay Mom .Kasalukuyan siyang sumusubo ng pasta .
"Kay West " simple kong sagot .
Kitang kita ko ang pagtigil ng pag galaw nang utensils ni Mom .Nagtama ang mga namin .Her face hardened .Hindi na ako nag abalang magsalita pang muli at sinimulan ang pagkain ng nakahanda sa harapan ko .A fancy dinner .
"Inuna mo pa ang batang 'yun ? Kaysa sa amin?" May hinanakit nitong turan. Hindi ako tumunghay at pilit na nilunok ang kinakain ko .Ang hirap kumain na ganito ang atmosphere .
Minarkahan ko lang kung anong akin .That Mandy ,pilit pa rin siyang sinisiksik kay West .Hindi ko ma gets kung bakit hinahayaan ni Belle na makalapit si Mandy sa kapatid niya .Alam naman niyang nanliligaw pa ako .I know hindi pa kami .Pero ayokong may kaagaw na kahit sino . I accompany West or sa mas tamang sabihin na binantayan ko sila .Lalo na't lumabas pa silang dalawa .
"Rain " I put my utensils down dahil sa pagbabanta sa boses ni Mom.
"Siniguro ko lang na walang umaaligid sa kan'ya.Aware naman kayo na gusto ko siya " inabot ko ang table napkin at dinampian ng pahid ang gilid ng labi ko .
"Luis is better -"
"He's not " agaran kong putol sa sinasabi ni Mom .
"What?! Mas may future ka sa kan'ya kaysa sa batang yan "iritang irita nitong salita , she don't know West .
"I still have future on West .She's responsible and mature"
"How can you assure that? Kaya ka ba niyang bigyan ng pamilya? Nang mga anak?" This time my face hardened .
"There are lots of ways to solve your problem, Mom. What's important here is that she loves me and I love her. The future is still far from now." Halata naman ang inis sa boses ko .I still want to say something pero pumagitna na si Dad .
"Rain is right ,the future is still far .Maybe ,this is just high school love . I can't see any reason para pigilan mo si Rain about her feelings towards West .Nakilala ko na rin naman siya .And I know na magiging maganda siyang inspiration para kay Rain .We can take criticism ,as long as magiging masaya si Rain " Dad take on my side .Napangiti ako at tiningnan siya .This is the first time na nagsalita siya at kumampi sa akin .
Umayos ako ng upo . Matapang kong tiningnan si Mom .Dismayado ang mukha niya pero kumukuha pa rin ito sa pagkain sa lamesa.
Nakangiti akong tumingin sa plato at muling naghiwa sa aking karne. I think mananalo na ako .
But I disagree sa isang parte na sinabi ni Dad. This is not just high school love , hindi ako nakikipaglaro. Tapos na ako doon .Hindi ko nakikita si West bilang isang high school lover lang .I can see her ,as my future partner.
"Then prove it "
My eyebrows furrowed .Inabot ko ang baso na naglalaman ng grape juice bago tingnan si Mom .Mapanghamon ang kanyang mga mata .Halata mong may naisip pa siyang plano para lang kundenahin ang mga sinabi ni Dad .
"What do you mean ,hon?" Dad asked on behalf of me .Muli akong kinabahan .
"Prove it , hahayaan 'kong maging kayo ng West na yan pero pagkatapos na nang senior high school .Tama na ang laro .Kung talagang mahal niyo ang isa't isa mag tiis muna kayo " She grin on me .Itinaas pa nito ang hawak na wine glass.
"No ! Kayo nga ni Dad .Nag asawahan na nong high school palang " malakas kong salita sa kanila.
I heard Dad cough .Mukhang nabulunan pa ito kaya inabutan ko ng juice na nasa gilid niya .Puro kape kasi ang iniinom.
"Iba kami sa inyo" Giit ni Mom sa akin .Bumigat ang mga paghinga niya ,halatang nagagalit na naman .
"No , you -"
"Deal or no deal ? Yun lang " sabi nito .
Binitawan ko ang hawak kong tinidor at kutsilyo .Tiningnan ko si Dad para humingi ng tulong pero nag kibit balikat na lang ito .I stomp my feet .I'm irritated .Akala ko magiging okay na ang pag uusap namin .Pero ito na naman siya ,may bago na namang bala.
"Why it's so hard to accept ? That I want West .Ang sarili kong magulang ang villain sa love story namin ng taong mahal ko" malakas kong tinulak ang kinauupuan ko kaya bumagsak ito sa sahig. Halos nakatakip ng tenga ang ilang kasambahay na nakatayo malapit sa amin . Isang malakas na alingawngaw ang namayani sa dining area.
"Zydara Rain watch your words. Stop being brat "banta ni Mom sa akin.
"I'm not brat . Totoo naman ,palagi na lang kayo ang nasusunod " balik kong salita .Pinigilan ko ang pagsigaw kahit na galit na galit na ako .
Mabilis akong tumalikod at hinila mula sa bar stool ang bag ko .This is ridiculous .Wala ng patutunguhan ang pag uusap namin .Nawalan na ako ng gana .
"Luis will not bother you anymore "
Napatigil ako sa paglalakad. Sobrang bigat ng mga hininga ko .Pansamantala akong pumikit para pigilan ang pag sigaw .Gustong gusto kong sumigaw sa galit .
"One year Rain ,after that hahayaan ko na kayo ni West ." this time ay napatingin na ako sa mahabang lamesa na pinagkakainan ko kanina.
"Pero sa loob ng one year ,bawal kayo ng magkita ,bawal kayong mag usap kahit sa text and make us proud " how can I make them proud kung ang inspiration ko ay ilalayo nila sa akin?
Hindi pa ba sapat ang ilang taon na paghahabol sa akin ni West ? Hindi pa ba sapat ang ilang taon na pagsunod ko sa gusto nila ? .Why it's so hard? Bakit ang hirap na maging kami at maging masaya ? Do I deserve this ? Deserve ba niya ang lahat ng paghihirap?
Ilang butil ng luha ang namumuo sa mata ko .Pag hihintayin ko na naman ang taong walang ginawa kundi mahalin ako .Sasaktan ko na naman siya .Magkakalayo na naman kami .Kaya ko ba ? Kaya ba namin?
"I don't want -"
"Kapag hindi ka pumayag ipapadala kita sa France .Hinding hindi kana makakabalik dito sa Pilipinas Rain .Hinding hindi ko hahayaan na bumalik ka dito " this is so unfair .
Imbis na sagutin ang mga katungan niya ay tumalikod ako .Malalaki ang hakbang kong tinahak ang hagdan patungo sa aking kwarto.
Binalibag ko ang pintuan at nilock ito .Inilagay ko sa aking pink na kama ang bag bago naupo sa lapag. Everything is draining.Binaon ko sa malambot na comforter ang mukha ko .Ilang mga scenarios ang pumasok sa utak ko kapag nag agree ako sa gusto ni Mom .Wala na akong karapatan para lapitan si West .Makita ko palang na nakapulupot sa kanya si Mandy ay gusto ko nang magkawala. Paano sa mga susunod na araw ? Kung makita ko man sila pero hindi dapat ako mag react? Mamamatay ata ako ng maaga.
But isa lang ang dapat kong gawin .Yun ang kausapin siya .
I need to talk to her .