III

6.4K 259 13
                                    

"West Tara sa bar mamaya " I stare At Saige ngiting ngiti ang mukha Niya .Alam na alam ko ang ganyang hulma ng mukha Niya  , halatang Chix ang hanap .Akala ko pa naman loyal siya Kay Ram .Saige is bisexual pero kami lang ang nakakaalam kahit sa parents Niya hindi siya out.Umamin lang siya sa amin nong nalaman namin noon na may kalandian siyang babae na taga ibang section .

Ako? Kay Rain lang ako nagkakagusto kahit nga ang parents ko kilala na Si Rain dahil sa mga picture sa kwarto ko, nong una they interrogate me kung tomboy ba daw ako .Buti na lang at mapag unawa ang mga magulang ko
Hindi ako jinudge niloloko pa nga ako ni Daddy na dapat daw pag uwi nila sa bansa kami na ni Rain .Sadly hindi pa siya nangyayari at tingin ko never mangyayari na magiging kami .Mas mauuna pa ata akong gumraduate kesa ang maging girlfriend Si Rain.

Actually I have an older brother and sister , East Relle Marcus, a lawyer.And my ate North Belle Marcus a doctor .Halos lahat ng nakakilala samin ay namamangha sa pangalan namin , it's funny though .Hindi ko nga alam kung Anong trip ng mga magulang namin at bakit ganon ang binigay nilang pangalan ,talk magkakatunog pa.

Ako na lang ang palamunin sa bahay kaya nakukuha ko lahat ng gusto ko .Lalo na Pati ang mga kapatid ko Ay inispoiled ako .

Dalawang beses lang umuuwi sa bansa sila Mom and Dad, while Ate and Kuya nasa kanya kanyang condo nila .Noon kasama ko sa bahay Si Lola pero nong humina na siya Dinala siya nila daddy sa probinsya mas maganda daw kasi ang klima doon .Tapos makakapag lakad lakad pa Si Lola sa malaking bakuran sa probinsya.

Kaya ayun kasama ko sa bahay ang pinsan kong Si Qeizy ,kaming dalawa lang sa bahay .Masaya na malungkot

"Ano ah game ?" Tanong ni Arc , minsan iniisip ko rin kung bakit samin sumasama Si Arc. Sikat siya sa school pwedeng pwede siyang sumama sa mga kasama Niya sa basketball .Pero mas pinipili Niya pa ring sumama sa Aming mga babae .

"Sige " wala naman akong gagawin mamayang Gabi.Kaunting Inom lang siguro ang gagawin ko para wala masyadong hang over .Hindi naman kami yung tipo na magpapakalasing at yung bar na sinasabi namin Ay ang bar ng mga teenager .Halos lahat ng taga Biblica Ay pumupunta doon .

But We all agreed na sa Bar na Malapit sa condo ni Saige kami magiinom para Malapit lang in case of emergency .Ngayon lang kami mag try ng bago ,knowing them Ay talagang hindi kami uuwi ng hindi sila nagewang. Well iba ako ,nauwi ako na straight pa ang paningin pero ako hindi straight .

"Class dismissed "

Ngiting Demonyo na naman ang mga Kaibigan ko na nagpulasan .Hindi ko pa masyadong naaayos ang gamit ko ng mabilis akong hinila ni Qeizy, mga lasinggera/lasinggero talaga ang mga to .Tuwang tuwa na naman Sila pero kapag napagalitan Ay parang maamong aso.

Dali Dali kaming pumunta sa locker area para maibalik ang iPad namin.Rinig ko pa ang pagtatalo nila ng was daw ng pagsundo .Of course magpapalit pa kami ng damit ano yun nakauniform kaming pupunta doon . Pilit kong pinapasok ang Lahat ng gamit ko .Done na ,naglalakad na sana kami paalis nang biglang may humarang.

Nagulat ako ng biglang humarang sa daanan namin Si Ram .She stare at us mukhang nagtataka sa pagmamadali namin

"Ehem West pwede ka bang makausap ?" she said Nakita ko agad ang pagtitig ni Saige Kay Ram kahit kailan Si Ram ang type Niya too bad torpe siya .Yung was ng pagtitig Niya hindi man lang Niya tinago kahit papaano.

"Nagmamadali kami Ram "Rinig kong sabi ni Arc mga lasinggero At lasinggera

"5 minutes lang Mr.  Corper " napangiwi naman Si Arc sa tinawag sa kanya ni Ram .Ikaw ba naman tawahin sa surname mo ,masyadong pormal pakinggan.Napakamot ako ng batok at sumunod Kay Ram na nauna ng maglakad.Sumenyas naman ang mga Kaibigan ko na uuna na sila napatango na lang ako bang sagot .

Notice Me Miss Where stories live. Discover now