Mula sa paglalakad ay inayos ko ang sariling palda .Hinahanap ng mata ko ang isang tao na binibigyan ko ng mga regalo.Hindi ko parin tinigil ang pagtetext kay Rain .Even ang pagpapadala ng mga bulaklak ay hindi ko tinigil. Sa nakikita ko ay wala namang ibang nangyari .Maybe hanggang salita lang talaga ang lalaking yun or lasing lang talaga siya at nadala ng damdamin kaya nasabi ang mga ganoong bagay.
It's been a week simula ng tawagan ako ni Luis Dee.Hindi naman ako natakot .Sa mukha niya mukhang hindi naman talaga siya gagawa ng mga bagay na ikakasama niya. Dahan dahan kong hinilig sa kanan ang katawan ko ng makita ang naglalakad .
Luis Dee
Nakangiti ito sa mga kasama .Nawawala ang mata niya dahil sa pagka chinito. Nang magkasalubong kami ay rinig ko pa ang mga tawanan nilang magkakaibigan. Wala talaga sa mukha niya na ganon siya ka obsessed kay Rain.He looks chill and calm .Isa lang ang alam ko ,hindi ako titigil kay Rain .Not now na kaya ko pa .
Nang makaramdam ang pagvibrate ng phone sa bulsa ko ay agad ko iyong kinuha. Hoping na galing sa isang tao ang message .Napangiti ako ng tama nga ako
From: labidabs 💓
Hi ,uuwi kana ba?
Nakangiti akong nag tipa ng sagot sa text niya .
To: labidabs 💓
Yes .Uuwi kana rin ba? 'wag papagabi.Take care
Pagkasend ko ng message ay ibinaba ko ang phone ko .I continue biting my lips habang nakatingin sa malayo .Para akong tanga na sinisipa ang mga bato na naapakan ko .Halos patalon talon rin akong naglakad .Do I look like stupid na ba ?
May inilagay kasi akong gift para kay Rain sa locker niya ,and hoping na sana magustuhan nga niya .Kanina ko yun ginawa and we make sure na wlang ibang tao .Yes we ,look out ko kasi yung tatlo .
Excited kong itinaas ulit ang phone ko ng makita ang pag light up nito.
From: labidabs 💓
Thank you love, ang ganda ng gift mong bracelet.
Hindi mabura ang ngiti kong nag type ng reply para sa kan'ya.
To: labidabs 💓
Masaya akong nagustuhan mo
Dahan dahan kong naibaba ang phone ko ng makita ulit si Luis ,mukhang masaya na naman siya.Naglalakad ito palapit sa akin. Nakaramdam ako ng takot sa dibdib ko ng magtama ang mga mata namin. He looks happy pero hindi ko parin nakakalimutan ang sinabi niya.Para kasing nag echo sa tenga ko ang mga sinabi niya lalo pa at nagkatitigan kami. Pansin ko rin na marami ang napapatingin sa kan'ya . Halos tumigil ako sa paglalakad ng makita na hindi niya inaalis ang tingin.Pinanood ko lang ito hanggang sa halos magkatapat na kami .Nakahinga ako ng maluwag ng makita na lumagpas siya sa akin .Napakuyom na lang ako ng kamao at tumabi sa gilid .
Pumasok siya sa kotse niya bago pinaandar iyon .Malakas na peep peep ang maririnig habang papaalis sa mismong parking lot ng aming university.
Nakarinig ako ng ilang bulong bulungan .Especially na mukhang masaya daw ito .Lahat na lang ginagawang issue rito .
Ilang sandaling pagtitig ko sa may parking lot ay napakislot ako .May tumapik kasi sa may balikat ko .Napaikot ako ng ulo at nakita ang nakangiting si Samantha Arezmendez.Bahagya akong nahiya dahil ngiting ngiti ito at ang ganda ganda niya .
"Alone?" She asked calmly ang ganda rin ng boses niya halos wala kang mapipintas sa katauhan niya .Matalino, maganda ,fashionable at mukhang mabait .I wanna compliment Oreo na na-pull niya ang ganito kagandang babae.