Disclaimer : This is the revised version. Please take note na may nabago sa scenes and story line .
-
Huge crowd covering this entire facility .Lumakas ang sigawan ng muling magsalita ang nasa unahan. Halos dumagundong ang buong paligid .
"So let's come up to the 1st placer " Nagsigawan at palakpakan halos lahat ng nandirito . This is not my category but still nakakakaba. Kinakabahan ako for me ,especially hindi ako ganon ka confident sa ginawa ko .In day 2 ,almost lahat ng representative ng Biblica ay may place sa top 3 .Natatakot ako na baka ako lang ang wala.Again ,I continued praying .
"Biblica University " malakas na salita ng MC. Mabilis kaming nagsitayuan kasama ang mga teachers namin .Lahat kami ay napatingin sa gawu ni Rain .Siya ang top 1 sa kan'yang category .Hindi na kami nagulat .Halos naman lahat ,alam na walang makakatalo kay Zydara Rain Legaspi .
siguro"Congratulations Ms. Rain"
"Congrats "
"Galing talaga "
"Idol "I gulped ng mapansin na ako na lang ang hindi nakakabati .Nang makita na padaan na si Rain sa pwesto ko ay sinamantala ko na .Hindi naman siguro niya mapapansin na nagsalita ako .
"Congrats " halos bulong ko lang na sabi .My heart pound hard ng makitang tumigil siya sa paglalakad. Mabilis Itong tumingin sa akin kaya nagtama ang mata namin. I can't explain what I feel .Her lips suddenly form in smirk ,nagulat pa ako ng kinindatan niya ako .
My mouth hang open .Did she - ! How dare her !
Muling nagpalakpakan ang lahat. I slowly clap my hands . I can't believe what she did .I mean maybe its nothing ,yeah its nothing.
Nakita kong pababa na siya ng stage kaya umiwas ako ng tingin. Tinitigan ko lang ang MC na patuloy pa rin sa pagsasalita. He divert our attention to the next category .
Hindi ko mapigilan ang pagsulyap kay Rain na papaupo na .Hawak niya ang maliit na trophy .Kitang kita ang engrave ng name niya at ang mismong year ngayon with the category of nationals. She also receive a gold medal na halos kasing laki ng platito sa bahay namin.
Pure gold kaya yun?
"Victorious University " tumingin ako sa harapan dahil sa narinig . Familiar ang pangalan ng school nila. Nakita kong pumunta sa harapan ang isang lalaki .Suddenly the screen flashed the category .Editorial cartooning .
"2nd lang ako " nagulat ako ng may magsalita .I saw our editorial cartooning representative .Dala dala na niya ang silver medal ,gosh, kanina pa ba ako occupied ? Hindi ko namalayan na tinawag na siya .We congratulated him ,knowing that he's still a grade 10 student pero nakarating na siya sa nationals.
"For the last category ...." it's my category na .Kinabahan ako sa dagundong na patugtog nila .My body tensed up ng tawagin ang 3rd pacer; It's not our school .Pakiramdam ko sinisilihan ako sa pwet .
Pinagsaklop ko ang kamay ko ng makita na pababa na ang 3rd placer. Muling nagsalita ang nasa unahan .Napapikit ako ng marinig ang sigawan na mula sa katabi naming school. They ranked 2nd —Victorious University again. Lalo akong kinabahan ,may possibility na hindi ako kasama sa ranking pero may 1st place pa rin . Mata tawag ba ako? May next time pa naman next year .I think mas okay na tanggapin ko na lang kaysa umasa -
"Biblica University "
Hindi makapaniwalang napatingin ako sa harapan . Nagtayuan muli ang mga kasama ko sa upuan ,meaning totoo ang narinig ko at hindi lang guni guni. Ramdam ko ang ilang pagtulak mula sa likuran ko .They are cheering for me .