"We're here na " nabigla ako sa isang tapik sa aking balikat .Magkasalubong ang kilay na nakatingin ang pinsan ko sa akin .Ngumiti lang ako at binigyan siya ng isang tango. Mukha namang hindi na siya magsasalita kaya tinaggal ko na ang seat belt ko .Bakit hindi ko napansin na nakapasok na kami sa Biblica ? .Nakapatay na nga ang makina ng kotse,which means kanina pa kami .
Napailing ako ,I need to focus .Sabi ko kaya ko na !
Tumungo ako sa back seat at kinuha ang bag ko .Sinipat ko pa kung nandoon ang mga ballpen at ilang notebook ko .Hihilahin ko na sana ang bag ko ng biglang bumagsak mula sa top headrest ang isang box .Kunot noo kong tiningnan iyon bago inalis ang neck pillow na nakalagay sa likod.
Nakalimutan ko na pala ang mga ito .Wala sa sarili kong pinagdadampot ang mga box ,ribbon ,pictures and special papers .Ito ang mga binibigay ko kay Rain .I don't want to remember her . Nagtatakang nakatingin si Qeizy sa akin hanggang sa makalapit ako sa basurahan sa labas .Pinipi ko ang box para magkasya sa puno ng basurahan.
Sumisikip ang dibdib ko .Dapat talaga alisin na ang mga bagay na nakakapag paalala sa kan'ya .I should clean our car .
Walang nagsalita sa pagitan namin ni Qeizy habang naglalakad kami .She's giving me peace .Nang makarating kami sa locker's area ay agad kong binuksan ang locker ko .Pinipigilan ko ang sarili na mapatingin sa isang bahagi ng hallway .Pikit mata kong kinuha ang iPad ko at inilagay ang ilang notebook sa mismong locker ko .
"Wait lang "
Rinig kong salita ni Qeizy kaya napatigil ako .Hahakbang na sana ako paalis pero nagpapahintay pa ang isa .Iniyuko ko ang aking ulo para maiwasan ang pagtingin sa kapaligiran . Ayoko siyang makita .Hindi ko kakayanin.
"Let's go "
"Good to see you .Mabuti at nakapasok ka . " bungad agad sakin ni Saige pagkasok ko ng room kasunod si Qeizy . Tumayo pa ito sa kan'yang upuan at lumapit sa amin .Akala mo hindi namin siya lalapitan sa upuan .Halos magakakatabi lang kami .
Isa sa naisip ko habang nasa bahay ay hindi dapat maapektuhan ang pag aaral ko .Hindi dahil broken ako ay papabayaan ko na ang pag aaral ko .Kalandian lang naman ito.
Dapat talaga isasama ako nila Mom at Dad sa bahay nila Lola .Ang kaso naisip ko na baka madami akong hahabulin na subject, baka mamaya may quiz pala kaya hindi na ako tumuloy .Natatakot ako na bumaba ang grades ko .
"Hoy umuwi na pala sila Tita ,pasalubong ko " ngiting ngiti na sabi ni Arc. Napaikot ako ng mata ,alam ko namang magsasabi siya pero hindi gan'yang puno ang bibig niya at kumakain.
"Pumunta daw kayo sa bahay, may pasalubong kayo ng lahat " nag apir agad ang dalawa .Napangiwi ako ng mag simulang mag ingay na naman ang nga kaklase ko .Nakakagulat lang na halos lahat sila nanghihingi na ng pasalubong. Hindi naman kami close .
"West ,you have fever 'di ba? " Rinig ko mula sa isa sa mga kaklase ko .Ito kasi ang palusot na sinabi ni Qeizy .Nagulat nga ako na inexcuse nila ako sa halos lahat na subject .
"Ah oo " Kamot batok kong sabi .Hindi ko alam kung dapat bang magsinungaling ako ,pero mas nakakahiya kapag nalaman nilang na broken ako, kaya hindi nakapasok.
Pero wait !
Kailan pa naging concern ang mga ito ? Don't tell me talagang iniisip nila na bibigyan ko sila ng pasalubong.Mayayaman naman sila ,hingi pa nang hingi.
Iirapan ko sana ang mga nakatingin sa akin nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng room.Dali dali akong naglakad papunta sa upuan 'ko.Lumipas ang oras ,may ilang paalala ang teacher namin sa akin .May pa special mention pa pala. Nagsimula na ang klase . I just stay focus lalo na't may na missed daw akong topic ,babasahin ko na lang sa weekend . Isa pa sa pinagpapasalamat ko ay walang quiz na naganap at activity.Discussion lang naman daw ang ginawa nila kahapon .Lumilipad ang utak ko pero nakatingin pa rin ako kay Ma'am. Ayokong makita niya na hindi ako nagbibigay ng atensyon sa kan'ya.Kapag tinawag ako ni Ma'am baka mapahiya pa ako .