"Ate hindi na naman kailangan-"
"West Gelle Marcus ,pumasok kana sa kotse .Ihahatid ko na kayo at may dadaanan rin ako " wala akong nagawa kundi maglakad patungo sa loob ng kotse. Hindi ko alam kung bakit gusto kami ni Ate ihatid .Hindi naman siya ganito dati. Ang sabi lang ni Qeizy sa akin — sinabi daw ni Ate na siya na ang maghahatid sa amin kaya no need nang magdala ng sasakyan. Ito namang isa ay pumasok agad sa loob ng kotse .Sabi ko ipaglaban niya ang karapatan namin na kaya na naming maging independent .Pero eto ang pinsan ko nauna pa sa loob.
Pumasok ako sa backseat at iniayos ang pagkakalagay ng bag ko sa katabing upuan. Nasa passenger yung isa habang hawak na naman ang cellphone niya .
Para kaming bata na hinihintay lang si Ate .Pumasok kasi ito ulit sa loob dahil may kukuhanin daw .Habang nakatingin sa bintana ay bigla kong nakita si Kuya East .Teka - he's here? Kailan pa ?
Malakas kong hinampas ang nasa unahang upuan.Magkasalubong ang kilay nitong tumingin sa akin kaya agad kong itinuro ang taas na bahagi ng bahay. We wave at Kuya and he waved back .Naglakad ito papasok ng kwarto .
I wonder kung gaano na kagabi dumating si Kuya East .Hindi na namin siya namalayan. Nakakagulat nga na hindi umalis si Ate .Sure naman na alam niya na dumating si Kuya East .Ate Belle hates Kuya East dahil maingay ito .Pinipili ring bulabugin ni Kuya si Ate sa kahit anong paraan kaya ang isa ay galit na galit. Wala namang malalim na sakitan na nangyayari tanging sisigawan lang ni Ate si Kuya .
I pulled the car's door before pushing it para magbukas. Mabilis akong bumaba at sinalubong si Kuya ng yakap. He's still the same .Matangkad pa rin ito .Halos hanggang tenga lang ako ,habang halos magkasing tangkad sila ni Ate .
"Kailan ka pa dumating Kuya East ?" Tanong ng nasa likuran namin .Kumalas ako ng yakap mula kay Kuya para makayakap naman ang isa .
"Kagabi lang .Nabalitaan kong umuwi si Belle dito .Hindi ko papalampasin ang opportunity para asarin siya " Kuya grin .Napailing na lang ako .Kahit kailan talaga ay para silang bata .Well ,si Kuya lang naman talaga ang isip bata .Sa itsura niya halata mo na isang professional. Sa aming tatlo ay siya ang palangiti .Mas marami rin siyang kaibigan kaysa sa amin ni Ate. In short ,extrovert si Kuya .Kaya nga nakakagulat noong pumasok siya sa Law school. Sa ugali niya mukhang hindi niya kayang maging seryoso .Pero heto siya ngayon .Isang official na attorney .He's known dahil na rin sa family name namin .Hindi katulad nila Mom ay pinili ni Kuya na magtayo ng sariling law firm .
"Alam mo ba West ,nakita ko si -" hindi na naituloy ni Kuya ang sasabihin ng magsalita bigla si Ate mula sa likuran niya.
"Aalis na tayo ,bakit lumabas pa kayo ng kotse ? .At ikaw East pumasok kana nga don .Just take a shower muna mabaho ka pa "
Kakalabas lang nito galing sa loob ng bahay. May dala dala siyang isang eco bag .Mag grocery siya?
"Ako mabaho ? Sigurado ka Belle ?" Ngiting ngiti si Kuya habang kunot naman ang noo ni Ate .Magsasalita pa sana si Ate ng hubarin ni Kuya ang suot niyang sleveless top at inilagay sa mukha ni Ate .Tawa tawa kaming bumalik ni Qeizy sa loob ng kotse. Lalong uusok ang ilong ni Ate ,for sure. Natatawa kong pinanood kung paano tumalon talon si Kuya habang hindi inaalis ang sando sa mukha ni Ate. Kitang kita ko kung paano nahablot ni Ate ang buhok ni Kuya bago ito sinabunutan. Bago pa mahigit ng sobra ni Ate ang buhok ni Kuya ay binitawan na nito ang sando na nasa mukha ni Ate ,bago nagtatakbo papasok ng bahay habang hubad.
"Bwesit ka talaga East Relle Marcus !" Nanggagalaiti na sigaw ni Ate .Kinuha niya mula sa mukha ang sando at itinapon sa entrance ng bahay namin .
Nang makita na papalapit na si Ate ay umayos na ako ng upo.Kita kong inilagay na ni Qeizy ang seat belt niya.