"Seryoso ba kayo ?" Nagtataka kong sabi sa tatlong mokong ngising ngisi .May Plano kasi sila na para sa pag amin ko kay Rain pero hindi ko alam na gan'to ka-kumplikado ang naisip nila . Mas okay daw kasi na unahan na namin ang paghahanap nila ,yung tipo na ako na mismo ang magpakita kay Rain .Pero ang Plano nila !!magiging kriminal ata kami dahil sa gagawin nila.
"Yes, ito ang pinakamagandang plano West mas maganda na unahan mo na ang mga tao , ikaw na dapat ang magsabi sa kan'ya .Without her knowing who are you " Ngising ngisi na sabi ni Saige.Sabi ko na nga ba siya ang pinaka master mind ng plano na ito tapos napasunod niya lang ang dalawang mokong.
Nagtatalo ang utak ko parang gusto ko pero napakahirap ang gusto nilang gawin. Sobrang daming circumstances ang pumapasok sa utak ko .Isang mali lang at lagot talaga kami .
Pinaplano nilang kindnapin si Rain!!
Yun ang pinagmamalaki nilang plano sa akin.I agree na mag confess pero hindi naman ganitong bagay .
Bukas ay gabi na makakauwi ang mga journalist because of the sudden training for nationals.Doon papasok ang plano, sisiguraduhin nilang makukuha nila si Rain ng walang makakaalam. Rain have this usual spot in parking area at doon nila siya hahagilapin. Natatakot ako xi don't wanna risk them .I know gusto nila akong tulungan pero hindi ganong ka risky.
Dadalhin nila si Rain sa isang private property nila Saige.Malapit lang yun dito .Doon kami Dati nagtatago kapag naisipan naming magtambay.
Pagkatapos non ako na ang bahalang kumausap kay Rain. Sinabi nila na they will blindfold Rain .Dahil kilala nila ako ay ,ako na daw ang bahala kung gusto 'kong magpakilala .Basta masabi ko sa kan'ya ang lahat ng gusto kong sabihin .They want me to personally say things to Rain. They want me to let out this feelings to Rain ,all my thought ,lahat ng hinanakit ko,lahat ng ayaw ko .Because all this time si Rain lang naman ang may kakayahan na alisin ang sakit sa dibdib ko .Hindi na daw nila kayang hanggang pananahimik lang ako .
"Sige na West pumayag kana magiging Maingat naman kami " paulit ulit na kinukulit ako ni Qeizy .Gustong gusto nilang gawin ito dahil para daw silang mga detective .Gusto lang ata nilang i-risk ang buhay nila.
Hindi magandang kalaban ang pamilya ni Rain ,She's in Biblica University for a reason .
"West kaming bahala tiwala ka lang sa'min " napabuntonghininga ako , they have pleading face
gustong gusto talaga nila .This is for my sake rin naman ."Okay sige basta mag i-ingat kayo " mabilis silang napatayo bago nagtatalon. Pakiramdam ko gusto lang nilang gayahin yung mga Hollywood movie na napapanood nila sa Netflix.
"Yun oh " Nag apir pa ang mga tatlo .Mabilis akong napailing at kumuha na lang ng slice ng pizza sa table .Andito kami sa bahay ng mga magulang ko .Sinugod nila ako para sa planong yan .Biruin mo talagang naisip pa nila yan para sa'kin .I'm blessed to have them
"That's it, good luck sa ating lahat " Sir Benjie finally said. I gulped hard ng makita si Rain na naunang lumabas ng room . Napapikit muna ako bago kalmahin ang sarili ko.Eto na ,I'm sure nakahanda na ang kaibigan ko sa labas. Halos bukas na ang mga ilaw sa buong hallway ng university ,gabi na kasi .
"Oh West hindi ka pa ba aalis ?" Nagulat ako sa nagsalita pero mabilis rin naman akong nakabawi bago siya binigyan ng isang ngiti .
"May inayos lang Sir, una na ako ingat rin kayo " I wave my hand at nagmamadaling maglakad palabas.I close my eyes at may hinihintay na signal mula sa mga taong kasama ko .
Napatingin ako sa hawak kong phone ng mag ring ito.Mabilis kong nakita ang text ni Saige
From: Saige