XVI

5.6K 253 6
                                    

Days passed .

I keep my promise .I tried everything .

Bumalik na rin sila Mom at Dad sa US. Sabi nila babalik daw sila after months , kaya kami na lang ulit ng pinsan ko ang naiwan sa bahay.

For the past days ay umiiwas ako kay Rain ,pati na rin sa lahat ng nakakapagpalapit sa amin. I cut my connections to Oreo and Tine .Kahit na gusto ko silang kausap ay pinigilan ko ang sarili ko .

I private my account on website .Ayokong may magsessage sa akin na wala sa friends ko .Para matigil na rin ang pag stalk ko ay binura ko na rin ang Instagram ko. Ayoko ng tingnan ang mga picture ni Rain .I know na ginagawa ko yun palagi pero ngayon hindi na dapat .

Kapag lunch naman ay nagpapasuyo ako kay manong guard na bilhan ako ng pagkain sa labas .Pasalamat ko na lang na close kami sa kan'ya. Isa sa palusot na sinasabi ko ay nagsasawa na ako sa pagkain sa cafeteria .Hindi naman sila nag usisa .Minsan naman ay pinapalabas niya kami ,pero mabilis lang .

Isa sa recommended ng mga guards ay palabok.I tried it ,itinitinda iyon sa karinderya sa tapat  . Dahil sa ginagawa ko ay nakatikim rin ako ng ibang putahe na hindi ko na na-try noon .Like sisig ,beef pares at adobo sa gata.I enjoyed things kasama ang mga kaibigan ko.They always support me .Kahit na minsan ay maloko sila.

"Welcome to Davao Ma'am"

Ito lang ang hindi ko kayang iwasan .Ang competition sa Davao .As you can read ,andito na kami para sa nationals.Kahit na nong nasa airport palang kami ay sinisigurado ko ang distansya ko kay Rain. Sometimes napapatingin ako sa kan'ya pero sinisigurado ko na mabilis lang iyon.Iniiwasan ko rin na magkalapit kami ng dadaanan . Hindi ko alam kung napapansin ba ng iba ang lantaran kong pag iwas kay Rain .Wala naman akong pakialam kung mapansin nila.

Si Rain, hindi pa rin siya nagbabago .Halos lumala pa nga siya sa kalandian.Mas dumami kasi ang kalandian nito at lahat ay lantaran talaga .Kung noon ay flavor of the week .Ngayon ay flavor of the day na lang .Araw araw siyang nagpapalit ,kahit taga ibang university pa.

Lalo akong nag doubt sa sinabi ni Scarlet .Rain likes Mr. M? I don't think so .Sa kinikilos niya ngayon ,yan ba ang may nagugustuhan?.Sa ginagawa niya ngayon ,tama talaga ang decision ko na layuan na siya .Baka lalo lang akong masaktan .

I know na matagal ang progress ng moving on pero handa ako .Time will heal my broken heart .

"Let's ride a cab, sa lobby na lang tayo ng hotel magkita -kita " napaamang ako sa sinabi ni Sir Benjie .Nakita kong agad namang tumalima ang mga airport officer.Tumawag sila ng taxi na agad namang lumapit sa amin.Nakita ko pang kinakausap ni Sir Benjie ang mga driver bago kami pasakayin. Palagi na kasing nakakapunta dito si Sir kaya kabisado na niya ang Davao city.Gusto ko sanang sumingit sa mga taga junior high student para mauna na ako .Alam ko kasing malaki ang posibilidad na makasabay ko si Rain ,lalo na't same kami ng grade level and category .

Napalunok ako ng makita na tama nga ako .Hinawakan ni Sir ang kamay ko at hinila ako papunta sa dulong cab .Nakasunod sa akin ang iba pang same sa category ko .Yumuko ako bago dahan dahan na pumasok sa taxi .Napaiwas ako ng tingin nang makitang si Rain ang nagbukas ng kabilang pintuan. Sumiksik ako sa gilid para hindi nila ako paisurin. Akala ko ay lalapit sa akin si Rain pero bigla na lang pumasok si Lyra at umupo sa gitna naming dalawa .

Si Lyra ,ang pambato namin sa photo journalism.She have her own camera kaya alam ng school na may edge siya .

"Let's take a picture guys " si Angela .

Hindi ko sana papansinin ito ng makitang itinaas niya ang cellphone niya. Hagip na hagip ang buong backseat.Siya ang nakaupo sa passenger seat. Maingay siya kaya naman alam kong hindi magiging tahimik ang biyahe namin.Si Angela ang pambato namin sa Filipino sports news writing .

Notice Me Miss Where stories live. Discover now