VII

6.1K 260 27
                                    

"Gaano na kalalim yan ?" Agad akong napasapo sa dibdib  ng marinig ang boses na iyon. Napatingin ako sa aking likuran para hanapin ang nagsalita. I saw Kimer ,she's smiling genuinely .Narinig ko pa ang mapino nitong tawa ,bigla tuloy akong nahiya . Para kasi siyang anghel na nasa tabi ko .

"Tulala ka habang pinapanood ang kaibigan mo sa court " Napaigtad ako ng maramdaman ang kamay niya sa likuran ko .Nakakahiya naman to .Napansin ko pa ang pagkislap ng suot niyang singsing pero pula ang gem.

She's referring to Arc. Andirito kami sa court para panoorin ang laban nila Arc. Mabuti na lang at dito sa school gaganapin ang semi finals ,makakapanood kami tapos wala pang class halos lahat ng subjects.

"I'm just thinking about something " I defensively say, she just shrugged her shoulders .

"Okay doon muna ako sa kabila " magiliw niyang salita .

Nakita ko na lang itong umikot sa mga upuan bago dumaan sa gilid ng court .Halos lahat ng ulo ng mga tao ay sumabay sa paglalakad ni Kimer .Marami talagang nagkakagusto sa kan'ya .Kung hindi siguro ako nagkagusto kay Rain baka sa kan'ya ako mahumaling. Too bad sa playgirl ako na-inlove.

Pasimple akong tumingin sa kabilang bahagi ,andoon kasi ang babaeng kanina ko pa hinahanap. Katulad ng dati ,Scarlet is wearing a serious grumpy look while Yka have emotionless expression. Napalunok ako ng mabaling muli ang tingin kay Rain ,she's wearing a sexy smirk habang nakatingin sa mga naglalaro .Prente lang siyang nakaupo habang may hawak sa kamay. Nagtataka kong sinilip iyon pero nakatago rin kasi sa tagiliran niya .

Nasa warm up part palang ang both teams .May 2 minutes pa bago official na magsimula ang laro nila .

Napapikit ako at tumingin sa paligid. Lalong umingay ang kapaligiran ng may lalaking lumapit kay Rain. Inabot nito ang isang jacket –kaya ngayon ay may kalakihan siyang suot na jacket –Team mate yun ni Arc .My smile slowly fade ,nawala na ang excitement ko .Akala ko pa naman ay makakasilay ako ng husto kay Rain ,masasaktan lang pala ako .

Gosh !!

Nandito ako para isupport si Arc .Tama tama ,siya ang pinunta ko rito .Dapat ko munang iwaglit sa isipan ko ang babaeng nagpapagulo sa sistema ko.

Gustuhin ko mang umiwas pero eto pa rin ako nakatitig sa kanilang dalawa. Inabutan pa ni Rain ng Gatorade ang lalaki .So yun pala ang hawak hawak niya kanina pa . May pa bigay bigay pa ng Gatorade akala mo talaga magtatagal ,tsk.

"Wag mo kasing tingnan " Bahagya pa akong siniko ng katabi kong si Saige .Halos makalimutan ko na katabi ko pala siya .I just give her a small smile at sumandal sa kinauupuan ko .Doon ko rin napansin ang taong kakaupo lang ,hindi ko na napansin na nakarating na pala si Qeizy galing sa comfort room . I try to calm myself para naman hindi tuluyang ma bad mood ako .

"So, ano ?" Napakunot noo akong tiningnan ang pinsan ko na kumakain ng corn dog .Bumili siya tapos hindi niya kami inaaya ,Aba naman ang isang 'to.

"Ano?" I asked back .Qeizy rolled her eyes ,ang taray naman nito. Siya na nga ang nagtatanong ,siya pa ang galit

"I mean ano kailan ka ulit magpapaka admirer sa playgirl na yan ?" gusto ko sanang isalpak ang Corn dog sa bibig niya para manahimik na siya .She doesn't like the idea na si Rain pa rin ang kinababaliwan ko .Ilang beses na niyang sinabi na itigil ko na pero hindi ako nakikinig . Naubusan na siguro siya ng pasensiya kaya hinayaan na ako . I like this playgirl ,halos wala pa atang 1% ang pag asa ko sa kan'ya .But who knows, di ba ?

"I don't know " honest kong sagot .Qeizy grin and munch the food on her mouth.

"Then, move on na .Marami pa d'yan pinsan , mas deserve mo ang sumaya kaysa umasa ka sa one-sided love na yan ,tsk." Yan din ang naisip ko, gustong gusto kong gawin pero tuwing nakikita ko si Rain nagagayuma ako sa ganda niya .Idagdag pa ang pag bilis ng tibok ng Puso kong malandi. Siya lang talaga ang nakakagawa ng mga ganito sa akin.

Notice Me Miss Where stories live. Discover now