PROLOGUE

454 9 2
                                    

PROLOGUE:

Naglalakad ang isang dalaga papasok sa kanilang mansion. Malalaki ang kaniyang ngiti habang bitbit ang regalo para sa boyfriend niya. Galing pa lang siya sa trabaho at umuwi siya ng maaga upang surpresahin ang kaniyang boyfriend. Live-in silang dalawa. Legal ang kanilang relasyon.

Napatigil lamang siya sa paglalakad ng dumapo ang kaniyang mga mata sa labas ng garahe at may dalawang kotse ang nakagarahe doon. Pamilyar sa kaniya ang kotse na iyon. Nagkibit balikat na lamang siya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pagbukas pa lang niya sa pintuan ay napawi ang kaniyang malaking ngiti ng bumungad sa kaniya ang kaniyang boyfriend at bestfriend na naghahalikan. Nandito rin ang kaniyang mga kaibigan at kaibigan ng kaniyang boyfriend. Sunod-sunod na nagsipatakan ang kaniyang mga luha habang nakatingin sa dalawang naghahalikan.

Naputol ang halikan ng dalawa at napatingin sa kaniya ang lahat. Lumamig ang expression ng kaniyang boyfriend habang nakangisi naman ang EX bestfriend nito sa kaniya. Ganon rin ang ilan maliban nalang sa dalawa na naaawang nakatingin kay Aya.

"D-drey...", mahinang tawag niya sa boyfriend niyang nakatingin lamang sa kaniya ng malamig.

Nakatingin lang ito sa kaniya ng malamig. Alam na niya kung ano ang gustong patutunguhan ng kaniyang boyfriend. Ibinaba niya ang hawak niyang regalo sa sahig at pinunasan ang kaniyang mga luha na walang tigil sa pagtulo. Tumango-tango siya habang humihikbi pa rin.

"A-alam k-ko k-kung *hik* a-anong g-gusto m-mong s-sabihin ng-ngayon *hik*", humihikbi niyang sambit.

Pinunasan niya ang kaniyang luha at binigyan sila ng matamis na ngiti na ikinairita ng ahas niyang EX bestfriend.

"M-malaya k-ka n-na.", huling sambit niya bago tumalikod at naglakad palabas nv mansion.

Wala na siyang lingon-lingon habang naglalakad at patuloy lamang na tumutulo ang kaniyang mga luha. Hindi na niya alam kung saan na siya napadpad. Ang sakit. Sobrang sakit. Pinagkatiwalaan niya ang kaniyang kaibigan pero isa pa lang ahas.

Walang kaalam-alam ang kaniyang mga magulang sa nangyayari ngayon dahil nasa ibang bansa ang mga ito at hinabilin lang siya kay Drey na nanloko sa kaniya.

Sa kaniyang paglalakad ay hindu niya namalayan na may paparating na truck.

*BOOOGSSSHHH*

Kawawang nakahandusay sa kalsada ang dalaga habang duguan ito. Maraming nagkukumpulan na mga tao.

*WAAANGG WAAANGG WAANGG*

Unti-unti niyang pinikit ang kaniyang mga mata at hinayaan ang sarili na kainin ng kadiliman.





A/N:

New story of mine. Hope you like it!

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now