CHAPTER 45

148 10 0
                                    

CHAPTER 45.

Third Person's POV.

Nakarating sina Andrew at Lexus sa Police Station at pagpasok nila ay bumalot agad sa kanila ang pakiramdam na sabik na malaman kung sino ang likod sa kasong ito. Agad silang sinalubong ng General nang makita sila nito at sinamahan kung saan ang apat na suspek.

Nang makarating sila sa tunguhan ay nakita nila ang apat na nakaupo sa tig-iisang upuan habang seryoso na nakatingin sa isang pulis na kumakausap sa kanila. Pakiramdam nila ay napakatigas ng mga ulo nito. Base pa lang sa mga mukha nito ay parang walang balak na sabihin kung sino ang nagutos sa kanila.

"There they are.", Usal ni Lexus bago sila nilapitan.

Napalingon naman sa kanila ang apat at bumakas ang gulat sa kanilang mukha nang makilala ang taong nakatayo sa kanilang harapan.

"M-mr. Ch-chua?", Gulat nilang bulalas.

**************

Nasa loob sila ng private office at tanging sina Lexus, Andrew, at ang apat na suspek lamang ang nasa loob. Kaba ang nararamdaman ng apat habang kaharap nila si Andrew ang nag-iisang anak ng Chua. Kilala kasi nila ang Chua na napakalakas na pamilya kaya ganon na lamang ang takot na kanilang nararamdaman.

"Tell me. Bakit niyo nagawa iyon sa fiancee ko?", Malamig at seryosong tanong ni Andrew.

Nagkatinginan ang apat na parang sinasabi na sabihin na nila ang totoo pero nagdadalawang-isip pa sila. Sinabihan na kasi sila ng nag-utos sa kanila na huwag sabihin. At nasa kanila na rin ang 1 million na pera. At kahit nasa kanila na ang 1 million ay wala pa rin itong saysay sa kanila dahil malaking kasalanan ang kanilang nagawa. Sa kulungan pa rin ang bagsak nilang apat.

"Sabihin niyo na ang totoo.", Seryosong sabat naman ni Lexus.

Napalunok ang apat at pinagpapawisan na rin ang kanilang mga palad. Pinapasadahan nila ang kanilang mga kamay na may posas at iniisip kung sasabihin ba nila ang totoo.

"I will give you 1 minute. Kapag natapos ang isang minuto na hindi pa rin kayo magsasalita, you will stay in prison forever.", Seryosong dagdag ni Lexus habang nakatingin sa kaniyang relo.

Kumibot-kibot na rin ang labi nila na gustong-gusto nang magsalita pero may pumipigil sa kanila. Nakayuko ang dalawa habang ang dalawa naman ay nakaiwas ang tingin na hindi makatingin sa kanilang kaharap.

"30 seconds.", Ani ni Lexus na nakatingin sa relo.

Si Andrew naman ay nakaekis lamang ang mga braso nito na nakatingin sa apat. Inisa-isa niya ng tingin ang mukha ng apat at masasabi niyang galing ito sa mahirap. Kapag sinabi ng apat kung sino ang salarin ay tutulungan niya naman ang pamilya ng apat na ito upang hindi maghirap habang nakakulong naman sila.

"10 seconds."

Lumipas nalang ang limang segundo pero wala pa.

"Times up! The decision is final. You will stay forever in prison.", Seryosong sabi ni Andrew.

Tumayo na silang dalawa at tumalikod na. Akmang bubuksan na nila ang pintuan nang biglang nagsalita ang isa sa kanila.

"Sandali!", Pagpigil nito.

Napaharap naman si Lexus sa kaniya habang si Andrew ay nakatalikod pa rin na nakaharap sa pintuan.

"Sasabihin na namin.", Sabi nito.

Unti-unti humarap si Andrew at namulsa.

"Spill it.", Malamig nitong utos.

Lumunok muna ito bago nagsalita muli.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now