CHAPTER 13

259 11 0
                                    

CHAPTER 13.


Raya's  POV.

"So, you are my twin's bestfriend.", Panimula ko sa usapan habang ngumunguya ng kunting pagkain.

We are here in dinning. Mika is with us, ayaw pa nga sumabay sa amin dahil nakakahiya. Nasa pagkain lamang nakatuon ang aking tingin at ramdam ko naman ang kanilang pasulyap-sulyap sa akin.

"A-ahm...O-oo.", sagot niya na nauutal.

"Ate naman eh. Huwag mo ngang takutin si Mika.", Sabat ni Aya na ikinatingin ko sa kaniya.

Sinamaan ko siya ng tingin ng makitang puno ng pagkain ang bibig nito.

"Don't talk when your mouth is full.", Ani ko.

Dali-dali naman itong uminom ng tubig.

"And i didn't scare her.", Dagdag ko at sumubo ng pagkain.

"Pasensiya na Mika, ganiyan lang kasi si Ate kapag sa ibang tao.", Bulong niya kay Mika na narinig ko naman.

Nakarinig kami ng yapak palapit dito sa dinning. I didn't mind it hanggang sa pumasok na ito.

"Pasensiya na po sa abala ma'am. May bisita po kayo, fiancee niyo po daw.", Sabi ng aking guard.

Napabuga naman ng bibig ang dalawa sa narinig. Nanlalaki naman na napatingin sa akin si Aya habang si Mika ay nakangisi.

"M-may fiancee ka ate?!!!", Gulat niyang sigaw.

Pinunasan ko ang aking bibig gamit ang table napkin bago tumayo. Bago ako umalis ay pinitik ko muna ang kaniyang nuo.

"Don't shout.", Ani ko bago naglakad paalis doon.

Nang makarating ako sa sala ay nadatnan ko siyang nakatayo sa harap ng wall kung saan may nakasabit na picture ko while wearing a gown. That's my debut picture. I cross my arms nang makalapit na sa kaniya.

"Naparito ka?", Agaw pansin ko sa kaniya.

Napaharap naman siya sa akin at ngumiti.

"You look beautiful here.", Baling niya sa picture.

"Ohh...Well ahh...Thanks.", i answered.

"Anyways, naparito ako because I'm going to ask you to go out.", Sambit niya.

Napataas naman ako ng kilay dahil sa sinabi niya. Tinatanong niya ba ako kung pwede lumabas kasama siya?

"Waaahh!!! Yes! Yes! Yes! Pumapayag na si ate!!"

Napalingon kami sa likuran ko nang may tumili doon. At doon nakatayo ang dalawa habang kinikilig na nakatingin sa amin.

"Oh. Hi there little Aya! And Mika!", Bati ni Andrew sa kaniya.

Nagbow naman ang mga ito.

"Hello din po!", Bati nila pabalik.

"Magkamukhang-magkamukha nga kayo.", Namamanghang sabi niya.

"Tss. Magkambal nga diba?", Sagot ko at dumeretso sa mahabang couch at umupo doon.

"Waaahhh!!! I can't believe it!!! Nagkaroon na rin ng fiancee si ate!!! Ikakasal na si ate!!!", Sigaw ng sigaw ng aking kambal at nakisabay naman doon si Mika.

Napahilot na lamang ako sa aking sintido dahil sa ingay nito. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Andrew at nagtungo sa kinaroroonan ko at umupo sa aking tabi. Lumapit naman sa amin ang dalawa at umupo sa kabila.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now