SPECIAL CHAPTER #5.
Raya's POV.
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Tinalikuran ko ang araw at matutulog na sana muli, pero may naramdaman akong mabigat na bagay na nakapatong sa aking mga hita at bewang ko. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata at tumingin sa paligid ngunit natigilan ako nang may naramdaman akong mainit na hangin na tumama sa aking pisnge. Nilingon ko ang taong katabi ko at ganon nalang ang gitla ko nang bumungad sa akin ang napakalapit na mukha ni Hans. Sobrang lapit ng mukha niya na ikinahigit ko ng aking hininga.
Hindi ko maiwasan na titigan ang kaniyang napaka-among mukha. Mula sa makapal na kilay patungo sa matangos nitong ilong at mapupulang manipis na labi. Naramdaman ko ang panginginit sa magkabila kong pisnge habang nakatitig sa labi niya kaya agad akong nag-iwas.
Pero....
Bakit kami magkatabi? Ang naalala ko kagabi ay nag-iinuman kami at nagcecelebrate sa bagong kasal na sina Mika at Kyle. Hindi ko na maalala yung susunod na nangyari dahil nalasing na ako non.
Pilit ko pa rin inaalala yung nangyari kagabi, ganon nalang ang pagtigil ng aking mundo nang maalala yung nangyari kagabi. Napatakip ako sa aking bibig at dahan-dahan na sinilip ang aking sarili. Mabilis kong tinakpan pabalik ang aking katawan nang makita kong wala akong damit. Ganon rin siya!
Sh*t!
M-may nangyari ba sa amin?
Nilingon ko ang sahig at mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga nagkalat naming damit. Namula ako sa hiya at napatakip sa mukha.
"Ano ba tong nagawa ko?", Bulong ko.
Natigilan ako nang may nagtanggal sa dalawa kong kamay na nakatakip sa aking mukha. Napalingon ako sa taong nagtanggal doon at bumungad sa akin ang nakangiting si Hans habang nakatingin sa akin. Tinabi nito ang ilang hibla ng aking buhok na humaharang sa mukha ko at inipit sa likod ng tenga ko.
"Uhm..... I'm sorry.", Mahina niyang paumanhin.
Napataas ng kunti ang aking kilay sa sinabi niya.
"T-totoo b-ba t-talaga? N-na m-may n-nangyari s-sa a-atin k-kagabi?", Nauutal kong tanong.
Dahan-dahan siyang tumango kaya mas lalong namula ang magkabila kong pisnge sa hiya. Dahan-dahan akong napaiwas ng tingin at mabilis na tinakpan ang aking mukha.
"Waaahhhh!!! Kasalanan mo to! Kasalanan mo to!", Pagsisi ko sa kaniya.
Pinagpapalo ko siya ng unan at hindi ininda ang sakit sa pagitan ng hita ko.
"W-wait!", Pagpigil niya at hinuli ang mga kamay ko kaya natigil ako sa pagpalo sa kaniya.
"Don't blame me. I-it was you. Y-you're the one who started it, of course I'm a man. So uhhh....", Nahihiya nitong sambit.
Unti-unti kong naalala ng buo ang nangyari kagabi.
*FLASHBACK*
Third Person's POV.
Inaalalayan ni Hans ang dalaga patungo si silid nito, lasing na lasing na ito at kahit ano na ang pinagsasabi.
"Alam mo.....Buti pa sila may asawa na at anak. Eh ako? Huhuhu....kailan pa kaya akho?", Lasing nitong sambit.
Napabuntong hininga na lamang si Hans at binuksan na ang pintuan ng silid nang nakarating na sila. Nang makapasok sila ay sinarado niya muli ang pintuan at inalalayan ulit ang dalaga. Ayaw din kasi nitong mag-pabuhat. Naglakad siya akay-akay si Raya patungo sa malaking kama upang ihiga na doon ang dalaga at para makapagpahinga na.
YOU ARE READING
The Twin's Revenge (COMPLETED)
RandomThey betrayed the angel. The devil will get the revenge.