CHAPTER 1.
Third Person's POV.
Seryoso lamang na nakatingin ang isang dalaga sa kambal nito na mahimbing ang tulog habang may maraming nakakabit sa katawan nito. Galing ito sa aksidente at agad naman na dinala sa pinakamalapit na hospital. Nang nalaman niya ang nangyari sa kaniyang kambal ay agad siyang umuwi sa Pilipinas at pumunta sa hospital. Pano niya nalaman? May ipinadala kasi siyang bodyguard niya sa Pinas upang pabantayan ang kaniyang kambal. Sinasabi ng bodyguard niya sa kaniya kung ano ang ginagawa ng kaniyang kambal araw-araw.
Sinusumbong rin nito ang nangyayari sa kaniyang kambal sa tuwing kasama nito ang kaniyang boyfriend na nagloko sa kaniya. At sa gabing iyon kung kailan naaksidente ang kaniyang anghel na kambal ay nalaman agad ng kaniyang bodyguard kung anong nangyari sa una bago nangyari ang insidente.
Nang makauwi siya sa pinas ay patago niyang nilabas sa hospital ang kaniyang kambal kasama ng kaniyang bodyguard. At dinala ito sa kaniyang mansion. Walang nakakaalam maliban sa Doctor na nagaasikaso sa kaniyang kambal.
Ngayon ay nasa tahimik sila na lugar. Kukunti lang ang mga bahay na nasa paligid nila. Pinili ng dalaga na dito magpatayo ng sarili niyang mansion dahil mas gusto niya ang tahimik. Ngunit iniwan niya ang mansion na ito nong nagkaproblema ang kompanya niya sa Paris. Pinagkakatiwalaan niya ang mansion na ito sa nagiisa niyang katulong. Si Manang Linda. Hindi iniwan ni Manang Linda ang mansion na ito. May kasama naman siyang iilang bodyguards sa mansion.
Araw-araw niyang nililinisan ang mansion at wala kang makikitang kahit maliit na alikabok kahit saang sulok ng mansion. Sinisigurado kasi ni Manang Linda na malinis ang buong mansion. Kapag wala ang dalaga sa mansion ay ang kaniyang ginagawa lamang ay gumawa ng garden sa bakuran. Malawak ang lupa na tinayuan ng mansion ng dalaga. Sa likod ng mansion ay may malaki at malawak na swimming pool na napakalinis. Wala kang makitang kahit na kunting dumi sa pool.
At sa garden naman ay malinis ang pagkakagawa ni Manang Linda at nagustuhan iyon ng dalaga ng ipakita sa kaniya ni Manang Linda ang litrato ng garden.
Ang dalagang tinutukoy ko ay ang nakakatandang kakambal ni Aya Aira Diaz na si Raya Aisha Diaz.
Kabalikataran ang ugali ng dalawa. Kung si Aya ay may dakilang anghel na ugali, si Raya naman ay may dakilang ka-demonyohan na ugali. Hindi takot sa patay si Raya habang si Aya naman ay takot na takot. Sa kanilang expression ay magkaiba. Si Aya ay palaging nakangiti at masayahin habang si Raya naman ay laging nakaseryoso ang mukha. Hindi pa ito ngumingiti kahit kanino maliban nalang kay Manang Linda.
Kahit sa mga magulang niya ay seryoso lang din ang mukha nito. Wala kang mababakas na kasiyahan sa mukha. Matagal-tagal na hindi nagkikita ang magkambal. Ang huling pagkikita nila ay yung pagpapaalam ni Raya kay Aya noong 10 years old pa lamang silang dalawa. Iyon ang huling pagkikita nila bago dinala si Raya ng kaniyang Lolo sa Paris. Gusto kasi ng Lolo niya na doon siya magaral. At para na rin na makapagaral siya kung paano mamahala sa kompanya na ipinamana ng kaniyang Lolo na ngayon ay nasa kaniya. Mahirap man sa kaniya pero kailangan niyang sumama para na rin sa kinabukasan ng kaniyang mahal na mahal na kambal. Naalala pa niya ang huling salita bago sila nagkahiwalay.
"Huwag ka nang umiyak. Pangako kapag nakapagtapos na ako ng pagaaral doon babalikan kita kambal. Para sa kinabukasan mo ito. At kapag nakabalik na ako, pupunta tayo sa favorite place mo."
"Talaga ate?! Sige. Basta ate kapag uuwi ka na, huwag mong kakalimutan na dalhan mo ako ng napakaraming marshmallows ha?"
"Oo naman. Alam ko naman na favorite mo yun eh."
Nagaral siya sa Paris hanggang sa naging successful business woman na siya. Hawak na niya ang kompanya ng kaniyang Lolo at may itinayo na rin siyang kompanya dito sa Pinas. Nong naging successful na siya ay umuwi siya dito sa Pinas at pinahanap ang kaniyang kambal. Sinabi rin ng kaniyang mga magulang na binilin nila si Aya kay Drey dahil boyfriend naman niya ito. Tila ay walang tiwala si Raya sa lalaking yon kaya bago siya bumalik sa Paris nong nagkaproblema ang kompanya ay nagpadala siya ng isa sa bodyguard niya dito sa Pinas at ipinamanman sa kaniya ang kambal nito.
YOU ARE READING
The Twin's Revenge (COMPLETED)
RandomThey betrayed the angel. The devil will get the revenge.