SPECIAL CHAPTER #3 - Francis and his The One

147 7 0
                                    

SPECIAL CHAPTER #3.

Francis's POV.

*Sigh* It's been 3 years since she got married and left with Drey. Wala na. Wala na talaga akong pag-asa sa kaniya, si Drey  pa rin ang laman ng kaniyang puso. Ang swerte ng g*gong yun. Pagkatapos ng pananakit niya kay Aya napatawad pa rin siya. Hindi ko naman pwedeng pigilan ang kaibigan ko na mahalin si Drey. Hindi naman ako pwedeng hahadlang sa kanilang pagmamahalan. May anak na rin sila. Inaamin kong nakakinggit silang dalawa.

Kung hindi si Aya ang para sa akin, then who's the one for me?

*Bogsh*

"A-aray!"

Mabilis akong napalingon sa taong napaupo matapos mabangga sa akin. Agad ko naman siyang pinantayan upang tulungan.

"Are you okay?", Tanong ko dito.

Hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil natatakpan ng ilang hibla ng buhok niya.

"A-ayos lang ako.", Mahinhin nitong sagot.

Itinabi nito ang ilang hibla ng kaniyang buhok at inipit sa tenga niya. Doon ko nakita ang mala-anghel nitong mukha. Napaka-inosente niya parang si Aya lang.

"Pasensiya na po Mr. nagmamadali po kasi ako.", Paumanhin nito na ikinabalik ko sa katinoan.

I smiled and help her to stand.

"It's okay. I'm sorry din dahil hindi ko man lang din napansin ang prisensiya mo.", Paumanhin ko rin.

She smiled and i remember Aya. This smile is just like her very innocent.

"Sige po. Mauna na po ako!", Paalam niya at umalis na.

Tinitigan ko na lamang ang bulto niya na papalayo sa gawi ko. Kusa nalang sumilay ang ngiti sa aking labi habang nakatingin sa kaniya. Nang hindi ko na siya makita ay saka na ako pumasok sa aking kotse at nilagay sa backseat ang aking bag. Kakalabas ko lang sa restaurant dahil diyan ako kumain ng umagahan, matatagalan pa kasi akong magluto kung doon pa sa condo ko.

Pinaandar ko na ang makina ng aking kotse at umalis na doon. Papunta ako ngayon sa aking kompanya, sinabi rin kasi sa akin ng aking sekretarya na marami nang nakapila doon upang mag-apply bilang new secretary ko. Magreresign na kasi ang aking sekretarya dahil pinahinto na siya ng kaniyang asawa dahil sa sitwasyon nito. May sakit kasi siyang breast cancer at kailangan nang ma-operahan upang hindi lumala.

Nang makarating ako ay agad ko itong pinark ang aking sasakyan sa private parking lot. Yung nasa matataas na ranggo lamang ang pwedeng mag-park dito like me. Ibang parking lot naman para sa mga trabahante ko. Pumasok na ako sa loob habang nakapamulsa. Agad naman nagsiyukuan ang mga nagtatrabaho dito at bumati.

Dumeretso na ako sa elevator at pinindot ang last floor which is 30th floor. Naghintay lang ako hanggang sa narinig kong tumunog na hudyat na nasa taas na ako. Bumukas na ito at saka naman ako lumabas, dere-deretso lamang ang aking lakad at hindi pinansin ang mga kababaehan na nagpipila para mag-apply bilang bago kong sekretarya.

May iilan sa kanila na nagbubulong-bulungan, at mahinang tumitili na hindi ko ginusto. Tell me, mag-aapply lang ba sila dahil sa isa akong binatang CEO? Agad naman yumuko ang aking sekretarya at bumati bago ako makapasok sa loob ng aking opisina.

Tiningnan ko ang isang whole bondpaper at higit 30 persons ang gustong mag-apply bilang sekretarya ko. Napahilot ako sa aking sintido nang mabasang puro babae ang mga pangalan. Napasandal ako sa aking swivel chair bago kinuha ang telephone at tinawagan ang aking sekretarya.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now