CHAPTER 48

161 9 1
                                    

CHAPTER 48.

Third Person's POV.

Mabilis pa sa alas kwatrong umakyat sila patungong 3rd floor. Natigilan sila nang makitang bukas ang pintuan ng kwarto ni Aya. Agad naman lumapit doon sa Raya at pumasok.

"Peter!"

Nilapitan nila agad si Peter na nanghihina habang nakahandusay sa sahig. May tama ito sa kaniyang binti at tiyan.

"M-ma'am.", Nahihirapan nitong tawag.

Lumapit naman si Hans sa kaniya at inalalayan na mapaupo.

"Where's my twin?!", Nag-aalalang tanong ni Raya.

"K-kin-uha n-ng l-lala-keng y-yun", nahihirapan niyang sagot.

Napakuyom ng kamao si Raya. Agad siyang tumayo at nilagyan ng bala ang kaniyang baril. Napatingin naman sa kaniya ang lahat na nasa loob ng kwarto.

"I will save my sister.", Malamig niyang sambit.

Sa oras nato ay hindi na nila kilala sa Raya. Nandidilim ang paningin ng dalaga sa galit. Mabilis niyang nilisan ang kwarto upang sundin ang lalakeng kumuha kay Aya.

"Susundan ko siya.", Usal ni Andrew at kinuha ang kaniyang pistol na hawak ni Lexus.

"Claire! Take him outside.", Utos ni Hans.

Agad naman kumilos si Claire na tinulungan naman ni Lexus at nang totoong Drey. Kagaya ni Andrew ay sumunod din si Hans. Isa kaya siyang bodyguard kaya kailangan niyang ma-protektahan ang kaniyang Boss.

************

"AYAAAA!!!!", buong lakas na sigaw ni Raya.

"Ateee!!!", Rinig niyang boses ni Aya galing sa itaas patungong roof top.

Agad niyang sinundan ang boses na iyon. Patakbo siyang nagtungo sa hagdanan patungong roof top dahil doon nanggaling ang boses ni Aya. Nang makarating siya sa pintuan ng roof top ay walang pagaalinlangan niya itong binanggaan kaya deretso itong bumukas.

*Bang*

"Aahh!!"

"Ate!!"

Agad nagtago si Raya sa likod ng maikling pader habang ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa tama niya na nasa balikat.

"Ate!! Bitiwan mo ako!!", Rinig niyang sigaw ni Aya na animoy nagpupumiglas.

"Shut up!! Ikaw ang magiging kabayaran sa ginawa ng  kambal mo sa akin!!", Galit na sigaw pabalik ng binata kay Aya.

"Ano bang kasalanan ng kambal ko sayo?! Ha?!", Naiiyak na sigaw ni Aya.

Hinawakan naman ng mahigpit ang panga ni Aya kaya hindi nito maiwasan na mapadaing. Tinitigan siya nito na nag-aapoy na mga mata.

"May kasalanan ang matapang mong kambal sa akin!", Madiin nitong sabi.

"Huwag na huwag mong sasaktan ang kambal ko!! Kung gusto mong maghiganti sa akin harapin mo ako, huwag mong idamay ang kapatid ko dito!!", Pagbabanta ni Raya.

Ngunit isang malakas na tawa lamang ang iginawad ng binata sa banta ni Raya. Wala lang ito sa kaniya. Galit siya kay Raya. Galit na galit. Sa tuwing naririnig niya ang pangalan nito ay naaalala niya ang ginawa ni Raya sa kaniya 8 years ago.

*Blag*

Malakas na bumukas ang pintuan ng rooftop at niluwa doon si Andrew. Ngunit natigilan siya nang makita ang lalakeng nakahawak kay Aya. Nanlalaki ang kaniyang mga mata at hindi makapaniwala.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now