CHAPTER 42

166 8 0
                                    

CHAPTER 42.

Third Person's POV.

Tahimik lamang na nasa sasakyan si Hendricks habang kumakain ng tinake-out niyang pagkain galing sa mcdo. Galing palang siya sa kaniyang kompanya at bandang alas 7 na siya lumabas dahil tinapos pa niya ang kaniyang mga pinirmahan na mga nagsandamakmak na mga papeles. Habang umiinom siya ng tubig ay hindi niya sinasadya na dumapo ang kaniyang tingin sa unahan. May nakita siyang isang pamilyar na bulto ng babae habang nakasandal ito sa kaniyang kotse at may kahalikan na isang lalake. Nasa parking lot sila ng bar. Kalalabas lang ng mga ito.

Pinanliitan ito ni Hendricks ng mga mata at tinititigan ang dalawang tao na naghahalikan. Maya-maya pa ay bumitaw na ang mga ito at doon niya nakita ng maayos ang mukha ng babae.

"Kira?", Bulalas niya.

Hindi siya nag-abalang lumabas at lapitan ang dalawa, pinili niyang manatili muna sa loob at sinisigurado na tama ang kaniyang hinala. Nasilayan ng maliit na ilaw ang mukha ng dalaga kaya nanlaki ang kaniyang mga mata at kalaunan ay napapailing.

"Tsk. Tsk. Tsk. Hindi pa nga nagtagal ang paghihiwalay nila ni Drey, nakahanap agad ng iba.", Napapailing niyang sambit at muling uminom ng tubig.

Nakatuon lamang ang kaniyang tingin duon ng marinig niya ang pagbukas at sarado ng pintuan ng katabi niya.

"Sorry, natagalan ako. Ang haba kasi ng pila eh.", Mahinhin na sambit ni Shayne na kakapasok lang sa loob.

Hindi niya narinig si Hendricks na magsalita kaya napalingon siya dito at bumungad sa kaniya ang nakakunot-nuo habang nakatingin sa unahan. Sinundan niya ang tinitingnan nito at napangiwi nang makita si Kira na may ibang kasama.

"Eww....", Nandidiri niyang sambit habang nakatingin sa unahan na muli na naman na naghahalikan.

Walang pake ang dalawa kung may makakita sa kanila. Mas lalong napangiwi si Shayne nang dumapo ang tingin niya sa suot ni Kira na sobrang iksi. Black long tube na may hati sa magkabilang gilid, maiksing palda na sakto lang na pantakip sa kaniyang pwetan at harap. Nakaboots din ito na kulay itim.

Napasandal si Shayne sa backrest at uminom ng tubig habang hindi parin naaalis ang pandidiri sa kaniyang mukha. Napapailing naman si Hendricks bago niligpit ang kaniyang mga kalat.

"Bago pa nga sila nagkahiwalay ni Drey, nakahanap na agad ng bago.", Napapailing niyang sabi.

Pinaandar na niya ang kotse at umalis na doon sa lugar. Naisipan nilang puntahan si Drey sa mansiyon nito kaya doon sila dumeretso at bisitahin. Hindi na kasi sila nakapunta pa muli sa mansiyon ni Drey dahil napaka-busy na nila.

At nang makarating sila ay agad silang pinagbuksan ng guard nang makilala agad ang kotse niya. Nang maipark na niya ang kotse ay nagsitanggal na sila ng kani-kanilang seatbelt at lumabas na ng kotse.

Agad naman sila pinapasok ng guard sa loob at dumeretso sa sala. Nadatnan nila doon ang nakangiting si Drey habang nakatingin sa cellphone nito. At dahil sa curiosity ni Hendricks ay dahan-dahan siyang naglakad palapit sa likuran ni Drey upang silipin kung anong tinitingnan nito.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at sinenyasan si Shayne na lumapit at sabay nilang sinilip ang kung anong tinitngnan ni Drey. Nagulat si Shayne at napangiti sabay takip ng kaniyang bibig.

Tinitingnan lang naman ni Drey ang litrato nilang dalawa ni Aya kahapon nong nagdate silang dalawa. Nasa tabi sila ng dagat nagpipicture. May mga pictures din si Aya sa kaniya na nakatalikod, naka-side view, nakaharap habang nakangiti at nakapikit ang mga mata. Gumuhit ang mapangasar na mukha ng dalawa nang makita nilang ginawang wallpaper ni Drey ang litrato ni Aya na nakaside ang katawan at nakaharap ang mukha sa camera. Nakapikit ito habang malaki ang ngiti at may iilang hibla sa buhok nito ang nasa mukha dahil tinatangay ng hangin.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now