CHAPTER 46.
Third Person's POV.
Napakuyom ang kamao ng dalaga habang mariin na nakatingin sa mansiyon ng tinitirhan ni Raya. Mula sa malayo na kaniyang tinatayuan ay kitang-kita niya ang mga bantay na nasa labas. Higpit na higpit ang pagkakabantay nila sa mansiyon ng dalaga.
"Bw*sit ka! Makakaganti rin ako sayo!", Madiin niyang sambit habang nanlilisik na tinititigan ang tirahan ng dalaga.
Nagtago siya sa likod ng puno nang may nakita siyang isang pamilyar na sasakyan, pinapasok ito sa loob ng gate. Hinintay niya ang taong lumabas mula sa pamilyar na sasakyan, ganon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makita ang taong lumabas.
"B-bakit?", Bulalas niya.
Dumapo ang kaniyang tingin sa main door nang may lumabas doon, mula sa panlalaki ng kaniyang mga mata ay napalitan ito ng panlilisik nang makita ang taong lumabas.
"Bakit hindi ka mamatay-matay?", Nanggagalaiting sambit niya.
Muling bumukas ang main door at lumabas doon ang isa pang tao. Napakunot ang kaniyang nuo nang makita niya ang kamukha ni Aya. Blangko ang expression nito at tila ay walang pakealam sa paligid.
"A-anong?", Bulalas niya at mas lalong naguluhan.
Tumingin siya sa taong kausap ni Drey at may malaking ngiti sa labi, bumalik naman ang kaniyang tingin sa taong may kausap din na isang guard.
"A-anong i-ibig s-sabihin n-nito?", Nauutal niyang tanong.
Napasandal siya sa puno at napaupo habang nakahawak sa kaniyang ulo. Naguguluhan siya sa kaniyang nakikita, tila ay namamalik-mata lamang siya.
"H-hindi. W-wala siyang kambal.", Sambit niya at sumilip muli.
Nang sumilip muli siya ay wala na sila sa labas na ikinakuyom ng kaniyang kamao.
"May tinatago pala kayo DIAZ FAMILY."
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at sinuot ang kaniyang cap at hoodie. Patago siyang lumapit sa mansiyon ng dalaga. Nang makalapit siya ay nagtungo siya sa likod ng matataas na pader. Sinigurado niyang walang makakakita sa kaniya, lalo na at isa na siyang wanted sa kanilang lugar. Napatingala siya sa mataas na pader, luminga-linga muna siya sa paligid at sinigurado na walang ibang tao na makakakita sa kaniya.
Nang masigurado niya ay may kinuha siyang lubid at binato ito sa tuktok ng pader at saktong nasabit ito sa di kalakihang bakal sa tuktok ng pader. She smirk and slowly climb. Tahimik lamang siyang umaakyat hanggang sa makarating na siya sa tuktok. Sinilip muna niya ang paligid at nang masigurado niyang walang katao-tao ay dahan-dahan siyang bumaba.
At nang makababa na siya ay itinago muna niya mula sa matangkad na tanim ang lubid na kaniyang ginamit. Pagkatapos ay tahimik na siyang nagtungo sa bintana. Sinilip muna niya ang loob at may tao na abala sa paglilinis ng pot. Ito ay si Manang Linda. Humuhuni si Manang Linda at wala siyang napapansin na prisensiya dahil abala siya sa kaniyang ginagawa.
Tumayo siya at nagtungo sa pintuan at dahan-dahan itong binuksan. Kumuha siya ng tubo at hinawakan ito ng mahigpit. Naglakad siya palapit kay Manang Linda hawak-hawak ang tubo. Ngayon ay may naramdaman na si Manang na prisensiya. Napangiti siya at hinawakan ang pot.
"Andiyan ka pala iha. Ito oh, nilinis ko muna ang favorite pot mo may alikabok na kasi dahil hindi ko na ito nabibigyan ng pansin.", Kausap ni Manang sa taong nasa likod niya na akala niya ay si Raya.
YOU ARE READING
The Twin's Revenge (COMPLETED)
RandomThey betrayed the angel. The devil will get the revenge.