CHAPTER 20.
Third Person's POV.
Alas 4 na ng hapon nakauwi si Raya, at tulad kaninang umaga ay hinatid siya ng kaniyang fiancee sa mansiyon niya. Sa buong biyahe ay tanging si Andrew lamang ang daldal ng daldal at wala man lang nag-salita ang dalaga. Malalim ang kaniyang iniisip at halos hindi na niya narinig ang mga pinagsasabi ng binata. Hindi naman iyon napapansin ng binata kaya todo pa rin siya daldal ng daldal.
Hanggang sa nakarating na nga sila sa Santiago Village. Marahan na hininto na ng binata ang kaniyang kotse sa tapat ng malaking gate ng mansiyon ni Raya. Mabilis siyang nagtanggal ng seatbelt at lumabas upang pagbuksan ang kaniyang fiancee. Nang mabuksan na niya ang pintuan ay saka naman lumabas si Raya na walang salitang lumabas sa kaniyang bibig.
"Are you okay? Kanina ka pa ganiyan.", Nag-aalalang tanong ng binata.
Tila ay natauhan ang dalaga kaya napalingon siya sa kaniyang kasama na nagaalalang nakatingin sa kaniya. Napatikhim siya at umayos ng tayo.
"Uhm... I-i'm fine.", Sagot niya. "Salamat sa paghatid."
Andrew smiled and close the door of front seat. Hinarap niya ang dalagang nakatingin lamang sa kawalan. He gave her a fast kiss in forehead that makes Raya stun. He just smiled at her and gently caress her hair.
"Don't let yourself drowned in your anger. Just relax and calm yourself.", Malumanay na sambit ng binata.
Napaiwas ang dalaga ng tingin matapos sabihin iyon ng binata. Paano siya kakalma? Eh sinaktan nila ang kaniyang mahal na kambal. Galit na galit siya sa mga taong yun. Gusto niyang maghiganti para sa kaniyang kambal. Alam niyang hindi marunong gumanti ang kaniyang kambal kaya siya na mismo ang gagawa. Ibabalik niya sa kanila ang sakit na ginawad nila kay Aya. Papahirapan niya ito ng mga husto.
Napatikhim siya muli at tumingin sa mga mata ng binata.
"You can go now. Salamat ulit.", Aniya sa malamig na boses.
Hindi na niya hinintay na magsalita ang binata kaya nauna na siyang maglakad patungo sa main door. Hindi na siya nagabala pang lingunin ang binata nang marinig niya ang pag-andar na ng kotse.
Nang makapasok siya sa loob ay natigilan siya ng makita ang nasa sala. Hindi niya pinahalata na nagulat siya at nanatiling blangko ang kaniyang mukha habang nakatingin sa kanila.
"A-ate.", Nauutal na tawag ni Aya sa kaniya.
Dahan-dahan na tumayo si Aya mula sa kaniyang pagkakaupo at nakayukong naglakad palapit kay Raya. Nang nasa harapan na niya ito ay nakayukonpa rin ito. Bumaling ang tingin niya sa binatang nakatayo din habang nakatingin sa kanila. Ibinalik naman agad niya ang kaniyang tingin sa kaniyang kambal.
"S-sorry p-po a-ate.", Nauutal na paumanhin ng dalaga dala ng kaba na baka pagalitan siya ni Raya dahil sinabi niya ang totoo sa binata.
Hindi sumagot ang dalaga at nagcross-arms lamang at tumingin ng malamig at seryoso sa binata. Napataas ang isang kilay niya.
"Anong ginagawa mo dito?", Malamig niyang tanong.
Hindi agad nakasagot ang binata dahil nagulat siya sa pagiging malamig nito na para bang napasok siya bigla sa loob ng refrigerator sa sobrang lamig. Seryoso ang tingin nito at hindi niya kayang makapagsalita agad dulot ng kaba ng kaniyang nararamdaman. Akalain mong sa pagiging seryoso at malamig nito ay mag-aakala ka talaga na isa itong Mafia.
Wala kang makikita na kahit anong emosyon sa mga mata nito. Tanging napakalamig at seryoso lamang ang nakatatak sa mukha nito.
Magkamukhang-magkamukha nga ang dalawa. Ngayon na kitang-kita na ni Francis na magkaharap ang magkambal ay masasabi niyang parang iisa lang ang Aya sa kanila. Pero magkaiba lamang ang expression. Kabalikataran si Raya kay Aya.
YOU ARE READING
The Twin's Revenge (COMPLETED)
RandomThey betrayed the angel. The devil will get the revenge.