CHAPTER 12.
Raya's POV.
"Dahan-dahan lang.", Sabi ko habang inalalayan siyang maglakad.
Inalalayan ko siyang maglakad palabas ng kwarto, ipapakita ko na kasi ang gown na binili ko para sa kaniya. Nasa kabilang silid ko iyon nilagay.
"Ano ba kasi ate ang ipapakita mo?", Inosente niyang tanong.
"Hmm...Basta.", sagot ko at napangisi na lamang habang siya ay napanguso.
Nang makalabas na kami ng silid ay tinakpan ko ang kaniyang mga mata gamit ang handkerchief. Nagtaka naman siya lalo.
"Bakit ate?", Inosente pa rin niyang tanong.
"Basta."
Inalalayan ko siya palapit sa kabilang silid na malapit lang dito. Huminto muna kami nang nasa tapat na kami ng pintuan at binuksan ko ito. Inalalayan ko ulit siya papasok.
"Sandali lang.", Ani ko at hinayaan siyang makatayo.
"Ate, san ka pupunta?", Aniya.
Hindi ako sumagot at binuksan ang dalawang makapal na kulay gray na kurtina at isang nakakasilaw na araw ang sumalubong sa akin. Napangiti ako habang nakangiti sa labas, nilingon ko ang gown na suot ng mannequin at kumikislap na ang mga glitters nito. Napangiti ako at naglakad na palapit kay Aya.
Pinalapit ko siya sa mannequin at magkaharap na sila nito.
"Ready?", Sambit ko.
Tinanggal ko na ang nakatakip sa kaniya at hinayaan siyang makita ang gown na nasa harapan niya.
I heard her gasp at napatakip sa kaniyang bibig. Lumapit pa siya sa gown at sinuri ang kabuuan nito. Nakaawang ang kaniyang bibig habang nakatingin sa gown.
"A-ang g-ganda.", Usal niya.
"Do you like it? I bought it for you.", Ani ko.
Napatingin siya sa akin at kita ko ang pamumuo ng kaniyang mga luha na ikinatawa ko ng mahina. Naglakad siya palapit sa akin at niyakap ako.
"A-ate, t-thank y-you."
Hinaplos ko ang kaniyang buhok at hinalikan sa ulo.
"Sshhh... Don't cry.", Ani ko.
Tumingala siya sa akin, matangkad pa kasi ako sa kaniya at siya naman ay hanggang leeg ko lang. Magkambal nga kami pero bakit magkaiba kami ng height? Hahaha.
"Iiyak ka na naman?", Natatawa kong sambit habang pinupunasan ang kaniyang luhang tumutulo.
"Eh sa tears of joy ito eh.", Nakanguso niyang sagot na ikinatawa ko.
Ngayon ulit ako tumawa ngayon na nandito na siya. Nong nasa Paris ako ay hindi na ako ngumingiti at tumawa, palagi na akong nakasimangot at seryoso doon. Ang kapatid ko lang ang makakapag-pangiti at tawa sa akin. Kahit may mga jokers akong empleyado doon ay hindi ko sila nginingitian. Kahit alam kong nakakatawa ang kanilang jokes ay hindi ko rin magawang tumawa.
"Are you hungry?", Tanong ko nang mahimasmasan na siya.
Tumango naman siya ng dahan-dahan. Bago kami lumabas ay nilingon muna niya ang gown na may ngiti sa labi.
"Ang ganda ate.", Mahina niyang usal.
Ngumiti na lamang ako at inakay na siya palabas ng silid. Nang makababa na kami ay sinalubong na kami ni Manang Linda na may ngiti sa labi.
YOU ARE READING
The Twin's Revenge (COMPLETED)
RandomThey betrayed the angel. The devil will get the revenge.