CHAPTER 44.
Third Person's POV.
"Come on. Kahit isang araw lang. Ayaw mo ba sa isang tulad ko? Gwapo, matalino, magaling mag-handle ng kompanya, malambing, sweet, marunong gumawa ng bata-----"
"Bw*sit ka!! Tigilan mo nga ako!! Nakakainis ka!!", Naiiritang sigaw ng isang female bodyguard na tinawanan naman ng binata.
Kanina pa siya nito kinukulit na makipag-date sa kaniya. Hindi lang pala kanina kundi nong araw na nagkakilala sila.
*FLASHBACK*
"Hi!", Nakangiting bati ni Lexus sa isang female bodyguard na si Claire.
Tinignan siya nito at binigyan ng isang tipid na ngiti.
"Hello.", Tipid nitong bati pabalik at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa.
"So you are Ms. Raya's bodyguard. How long have you been working as her bodyguard?", Tanong ng binata sa kaniya.
"Well, 6 years i think?", Sagot niya.
Napatango naman si Lexus sa kaniyang sinagot.
"Bakit ka nagtrabaho bilang bodyguard? You know a girl like you never applied as a bodyguard. You should be a model----"
"Pwede ba? Tumahimik ka nga.", Madiin nitong sabi.
Napatawa si Lexus sa inasal nito. Ayaw kasi nito na may kausap na madaldal.
"Hahahah!! I'm just suggesting. By the way, my name is Lexus Knightdale. And you are?"
"Claire. Claire Lockser.", Ikling sagot niya.
Gumuhit naman ang pagkamangha sa mukha ni Lexus.
"Wow! Your name is so beautiful, just like you.", Nakangiti nitong sabi.
Napairap na lamang ang dalaga at naglakad paalis na agad naman sinundan ni Lexus. Nagtungo ang dalaga sa counter at nilagay doon ang kaniyang mga binili. Nang nasa likod na ni Claire ang binata ay napansin naman nito na may kinapa-kapa ang dalaga sa kaniyang bulsa.
"Nasan na yun?", Bulong niya habang hinahanap ang kaniyang wallet niya.
"5, 900 lahat ma'am.", Saad ng cashier na nakataas ng isang kilay.
Nilahad ng cashier ang kaniyang palad sa dalaga na patuloy na naghahanap ng kaniyang wallet.
"Ano? Magbabayad ka o hindi?", Mataray na saad ng cashier.
"Magbabayad ako. Sandali lang.", Mabilis na sagot ni Claire.
Napairap ang cashier. Napaseryoso si Lexus nang mapansin ang ugali ng cashier. Kinuha niya ang kaniyang wallet at kumuha ng anim na libo.
"I'll pay for her.", Malamig na saad ni Lexus na ikinalingon nila sa kanila.
Nagulat naman ang cashier habang si Claire ay nakakunot nuo.
"But before that.", Usal ni Lexus at nilibot ang kaniyanh tingin.
"WHO IS YOUR F*CKING MANAGER HERE?!!", malakas niyang sigaw na ikinatakot ng mga nagtatrabaho.
May lumabas naman agad na hindi katandaan mula sa pintuan na nasa sulok.
"May problema po ba?", Magalang na tanong ng Manager.
Tinignan ni Lexus ng malamig ang cashier na nakayuko.
"This lady is being rude towards my wife.", Malamig niyang sambit.
YOU ARE READING
The Twin's Revenge (COMPLETED)
RandomThey betrayed the angel. The devil will get the revenge.