CHAPTER 11.
Third Person's POV.
"What the f*ck?!", Bulalas ni Andrew nang makita kung paano sinabuyan ang mukha ng kaniyang fiancee.
Agad niya itong nilapitan at niyakap at tinignan ang taong sumaboy sa kaniya. Isang masamang tingin agad ang sumalubong sa kaniya mula sa dalagang nanggagalaiting nakatingin kay Raya.
"You!! B*tch!! Ang kapal ng mukha mong magpakita dito!!", Nanggagalaiting sigaw ni Kira.
Nakuha agad niya ang atensiyon ng mga tao at nagulat sa nakikita nila. Ang kilalang famous model na nanggagalaiting nakatingin kay Raya. Nagsimulang magbubulong-bulungan ang lahat habang nakatingin sa gawi nila.
"Who are you Ms.? And why did you do that to my fiancee?!", Nagtatakang tanong ni Andrew pero halata doon ang galit na tono sa kaniyang pananalita.
"Labas ka na dito Mr. Chua. Iyang babae na yan ang kailangan ko. Bakit siya yung pinili mo Andrew? Isa siyang malanding babae, he flirt my boyfriend before!", Paninira niya sa dalaga.
"What are you talking about? Stop talking nonsense Ms. You are making scandalous here. I know my fiancee very well.", Paglaban ni Andrew sa pinagsasabi ng dalaga.
Nagsilapitan naman sina Mika sa gawi nila.
"Aya!", Nag-aalalang tawag niya kay Raya.
Pinili niyang tawaging Aya si Raya dahil magkamukha pa rin naman sila. Di bale na kung hindi ito si Aya basta gusto niya itong tawaging Aya.
"Ayos ka lang?", Nag-aalala niyang tanong sa dalaga na ngayon ay nagpupunas na sa mukha.
Galit niyang hinarap si Kira at sinampal ito ng malakas dahilan upang mapasinghap ang lahat at gulat naman na napahawak si Kira sa kaniyang pisngeng sinampal ni Mika.
"Ang kapal ng mukha mo para gawan ng kwento ang kaibigan ko!!! Siya nga yung biktima at siya pa yung pamumukhaan mo ng masama!!!", Malakas na sigaw ni Mika.
Sinubukan siyang pigilan ni Kyle pero hindi siya nagpapaawat. Mas lalo lamang siyang nagalit sa pag-awat ni Kyle sa kaniya. Galit pa rin kasi siya sa lalakeng ito.
"What's going on here?", Nagtatakang tanong ni Ginang Chua nang makalapit sila sa kanila.
Tinignan niya sina Kira at Mika bago tumingin kay Raya. Gulat agad ang rumehestro sa kaniyang mukha at nagaalalang tinignan ang dalaga.
"Iha what happen?! Are you okay?!", Nag-aalalang tanong niya sa dalaga.
"I'm fine Tita. Aksidente kasing nasabuyan ako sa mukha. Wala naman pong masakit.", Kalmadong sagot ng dalaga.
"Andrew take her home. Kami ng bahala dito.", Baling niya kay Andrew na agad naman nitong tinanguan.
Hinubad niya ang kaniyang coat at ipinatong sa magkabilang balikat ng dalaga at inalalayan siya nitong maglakad paalis doon.
"Aya.", Mahinang tawag ni Shayne sa kaniya nang mapadaan sa kaniyang harapan.
Sapat na iyon upang marinig ni Raya pero hindi na niya ito pinansin at tuloy-tuloy lamang ang kanilang paglalakad. Nang makalabas na sila sa hotel ay nagtungo na agad sila sa parking lot. Nakaalis na pala si Hans kaya wala na dito ang ferrari. Pinagbuksan siya ng pintuan kaya pumasok naman agad siya. Umikot si Andrew at nagtungo sa driver seat.
Nang makapasok siya ay hinarap niya ang dalaga at sinuri siya.
"May masakit ba sayo? Nasampal ka rin ba niya o ano?", Nag-aalala niyang tanong.
YOU ARE READING
The Twin's Revenge (COMPLETED)
RandomThey betrayed the angel. The devil will get the revenge.