CHAPTER 29.
Drey's POV.
Lumipas ang ilang mga araw, maayos naman ang pag-uusap namin ni Aya sa tuwing ay magkakasalubong kami at hindi ko kasama si Kira. Hindi rin kami gaano nagkakasundo ng kapatid niya. Napakaseryoso at malamig ng kapatid niya kapag magkaharap kami, lalo na kapag magkasama kami sa mga magaganap na meeting with CEO's. Hindi niya ako masyadong kinakausap, marami akong gustong itanong sa kaniya tungkol sa mga nangyari kay Aya. Alam ko naman na may alam siya. Pinaalam din sa akin ni Aya na huwag sabihin kahit kanino na may kambal siya, hindi pa kasi ngayon ang tamang panahon upang malaman ng buong mundo na magkambal sila. Napakabusy pa kasi nila para dito.
At sa araw-araw na nagdaan ay palagi din akong ginugulo ni Kira, nakakairita at nakakainis. Walang araw na hindi siya goodmood. Palagi siyang badmood ewan ko ba diyan sa babaeng yan. Sa tuwing nagaaway kami ay lagi niya rin sinasali ang pangalan ni Aya sa away namin. At dahil don ay mas lalo pa akong nagalit sa kaniya. Wala naman kinalaman si Aya sa away namin. Nakakapagod din ang babaeng to eh.
Tuwing umaalis siya sa gabi ay umuuwi siya ng 1 o'clock ng madaling araw. Ewan ko ba diyan. Duda akong sa bar ito pumupunta, ang lakas nga nitong uminom ng alcoholic drinks kaya alam kong tama yung hinala ko na sa bar siya galing. Bahala na siya kung anong mangyari sa kaniya, buhay naman niya iyan. Palagi nalang naghahanap ng away para lang makapunta sa bar, tss.
Habang nag-i-scroll ako sa Twitter ay may bigla nalang nag-pop up sa newsfeeds ko. Hindi ko na sana ito papansinin ng mabasa ko ang pangalan ni Kira. Kaya may nagutos sa aking utak na basahin ito.
'VIRAL NGAYON ANG ISANG FAMOUS MODEL NA SI KIRA DIA MALAVE MATAPOS KUMALAT ANG MGA PICTURES NIYA KASAMA ANG ISANG DI-KILALANG BINATA NA KA-ONE NIGHT STAND NIYA SA ISANG SIKAT NA BAR. KITANG-KITA SA LITRATO ANG KANIYANG MUKHA NA NAKIKIPAG-TALIK SA DI-KILALANG TAO. MARAMING NETIZENS ANG HINDI MAKAPANIWALA NA ISANG FAMOUS MODEL AY MAKIKITA NALANG SA BAR NA MAY KATALIK NA IBA NA HINDI NAMAN KILALA.'
What the f?!!!
Narinig ko ang biglang pagbukas ng pintuan at naramdaman ko ang prisensiya ni Hendricks sa aking likuran.
"Hey bro. Have you already watch the movie intitled Cargo?"
Hindi ako sumagot at nanatiling nakatuon lamang sa mga pictures ni Kira kasama ang isang di-kilalang lalake. All these time, she is also cheating on me huh? Tsk! Such a b*tch!
"What the f?", Rinig kong mahinang mura ni Hendricks.
"Is that....Kira?!", Di makapaniwala niyang usal.
"What the f*ck bro?! Is she cheating on you?!"
Nailapag ko ang aking ipad sa mini table at napasandal sa sofa. Napatawa ako at napapailing. Nilingon ko sandali si Hendricks na abala sa pagbabasa ng article na may hindi makapaniwalang mukha. Tumingala ako at nag-isip-isip.
So, hindi lang ako g*go dito? Hahahaha!!! Akala ko ako lang ang makakagalaw sa kaniya. Hahahaha!!! B*tch!
Umayos ako ng upo nang marinig ang pagbukas ng pinto kaya napalingon kami ni Hendricks doon. Napaseryoso ang aking mukha nang biglang pumasok ang taong kalat na kalat na ngayon sa social media ang kaniyang issue. Nakangiti ito at halata mong hindi pa nito alam ang nangyayari ngayon.
"Hi babe!", Nakangiti niyang salubong.
Naglakad ito palapit sa gawi ko at nang makalapit ito ay akmang hahalik ito sa akin nang pigilan ko siya. Gumuhit naman ang pagtataka sa mukha nito.
"What's wrong?", Nagtataka niyang tanong.
I stood up and coldly look at her.
"Nagagawa mo pa talagang ngumit ngayon kahit kalat na kalat kana sa social media.", Malamig kong sabi.
YOU ARE READING
The Twin's Revenge (COMPLETED)
RandomThey betrayed the angel. The devil will get the revenge.