CHAPTER 10.
Raya's POV.
Hindi na kalakasan ang tugtog nang makabalik na kami sa venue. Mabuti naman kung ganon. Hindi pa ako nakakapasok sa venue nang pigilan ako ni Andrew dahilan upang mapaharap ako sa kaniya. His face looks begging while looking at my eyes. Alam ko kung anong pinapahiwatig niya sa tingin na yan.
"Will you accept my wish?", Tanong niya sa mahinang tono.
Tumingin-tingin ako sa aming paligid baka may makarinig sa amin. Yung mga staff ay abala sa kanilang ginagawa at malayo lamang sa amin. Ibinalik ko na ang aking tingin sa kaniya at nagtagpo naman agad ang aming mga mata. Umawang ang aking labi at bumuntong hininga. Wala rin naman akong magagawa dahil isa siyang Chua at ayoko naman na mapahiya siya. Lalo na at kilala silang pinakamayaman at mabuti naman ang kanilang ginagawa. Malinis ang record ng Chua kaya hindi nila deserve ang mapahiya.
Pinikit ko ang aking mga mata at bumuntong hininga.
"Fine.", Mahina kong sagot at sapat na marinig niya.
Sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi at niyakap ako ng mahigpit. Napapikit na lamang ako sa aking mga mata at niyakap na lamang siya pabalik.
"Alright!!! Time to reveal the name of Andrew's fiancee!!"
Bumitaw na kami mula sa pagkakayap. He gave me a gentle kiss on my forehead before he let me go inside of the venue. Siya naman ay nagtungo sa likod ng stage na hindi napapansin ng mga tao. Bumalik na ako sa aking pwesto at umupo doon. Nadatnan ko si Hans na kumakain at nang makaupo ako ay muntik na siyang mabilaukan ng mapatingin sa akin.
"M-ma'am! Eheheh...", Sambit niya at napakamot sa ulo at nahihiyang nilayo ang plato na may pagkain.
Nagtaka naman akong napatingin sa platong inilayo niya.
"Why? You should finish your food Hans.", Ani ko.
"N-nakakahiya naman po. K-kumakain ako dito habang kayo..."
"Eerr...Kanina ka pa kumakain diyan at ngayon ka lang makakaramdam ng hiya?", Taas kilay kong sambit.
Napailing na lamang ako at kinuha ang baso at nagsalin ng kunting wine at ininom iyon. Hindi ako masyadong mahilig uminom kaya kunti lang. And also i am taking care of my health too. Umiinom lang ako kapag nag-dry na ang aking lalamunan.
"Are you all excited to see the person he wanted to marry?!!", Sigaw ng fiancee at kasunod don ang hiyawan ng lahat.
Habang nakikinig ako ay may naramdaman akong parang may nakatingin sa akin. Baka guni-guni ko lang iyon kaya hindi ko nalang pinansin. Pero parang may nakatingin talaga.
Pasimple kong nilibot ang aking tingin pero wala naman akong napapansin kaya itinuon ko nalang ang aking tingin sa unahan.
"We will call first the birthday boy!! Andrew Chua!!"
Nagpalakpakan ang lahat nang umakyat na si Andrew sa stage. Nakarinig ako ng mga tilian nang mapunta ang spotlight sa kaniya. At doon nasilayan ang lahat sa kaniyang kagwapuhan. Tss.
"Good evening everyone! Thank you so much for coming in my birthday. And i appreciate your gifts you gave me thank you so much.", Pasasalamat niya.
Malalim ang boses niya at nababagay naman iyon sa kaniyang gwapong itsura. Wait. Sinabi ko bang gwapo? Tss. Gwapo ba siya?
"There is only one woman i chose to be my wife. And she is very smart, kind, and also every men's ideal. I've been admiring her for being a good person. We don't really talk each other and we aren't close. I asked her about this engagement. And finally she agreed. I thought she will refuse and i was wrong. She accepted. Thank you very much. I don't know what's the reason why i suddenly fell to you by looking at your photos. By the way, she is very gorgeous. I like her.", Litanya niya.
YOU ARE READING
The Twin's Revenge (COMPLETED)
RandomThey betrayed the angel. The devil will get the revenge.