CHAPTER 30.
Third Person's POV.
"KALAT NA KALAT NA SA SOCIAL MEDIA ANG MALALASWANG LITRATO NG ISANG SIKAT NA MODEL NA SI KIRA DIA MALAVE. MARAMING NETIZENS ANG HINDI MAKAPANIWALA SA KANILANG NASAKSIHAN NGAYON. LINAW NA LINAW SA LITRATO ANG MUKHA NI MS. MALAVE NA NAKIKIPAGTALIK SA ISANG HINDI KILALANG LALAKE SA ISANG SIKAT NA BAR. NAGSISIMULA NA RIN NA MAGKAGULO ANG AGENCY NIYA. ANO KAYA ANG MANGYAYARI KAY MS. MALAVE? SA NGAYON AY KINAKAILANGAN NAMIN ANG SAGOT NI MS. MALAVE SA ISSUE NA ITO. AKO SI JOSEPHINE NAGBABALITA."
Nakaguhit sa mukha ni Francis ang reaksiyon niya na hindi makapaniwala sa kaniyang nasaksihan. Habang binabalita ang issue ni Kira ay patuloy din naman sa pagbabasa ng article si Francis ang tungkol sa issue ni Kira. Linaw na linaw na hindi edited ang mga litrato na ito. Hindi pa nila nalalaman kung sino ang kumuha ng litrato at ang nagpost sa social media. Nakita lamang ng mga nitezens ang post na ito sa isang unknown page. Hanggang sa ibinahagi na ng ibang haters sa iba't ibang website at doon na mas lalong kumalat at nasira ang imahe ng dalaga.
Napapailing na lamang si Francis at nilapag sa mesa ang kaniyang cellphone matapos basahin ang hindi masyadong mahaba na article. Napasandal siya sa sofa at pinag-cross ang kaniyang mga braso.
"Karma mo na siguro to Kira matapos ng ginawa niyo kay Aya.", Bulong niya sa seryoso tono.
Napabuga na lamang siya ng hangin at tumayo, akmang maglalakad na sana siya ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone hudyat na may tumatawag. Napangiti siya nang makita ang pamilyar na numero. Agad niyang dinampot ang kaniyang cellphone sa mini table at sinagot ang tawag. Itinapat niya ito sa kaniyang tenga habang naglalakad patungong kusina.
"Hey napatawag ka?"
(Good evening. Naabala ba kita?)
"No. Kakatapos ko lang din naman sa aking ginawa."
(Ganon ba? Narinig mo na ba yung balita?)
Nagtungo siya sa refrigerator at kumuha ng isang gallon ng gatas.
"About Kira's issue? Yeah. Kakapanood ko lang sa balita."
Naglakad siya patungong mesa at kumuha ng baso at nagsalin doon.
(Kawawa naman si Kira. Yan yung pinaka-worst na issue na niya. Gusto ko siyang tulungan na linisin yung pangalan niya, pero wala naman akong kaya.)
Napabuntong hininga ang binata at umupo sa stool. Sumimsim muna siya ng gatas bago sinagot ang dalaga.
"No Aya. Just let her clean her own mess. Labas kana sa issue niya. Remember, may malaki siyang kasalanan sayo at siguro naman karma na niya iyan."
(Tss. Ang sama mo naman kung makapag-salita.)
Alam niyang nakanguso ito ngayon matapos marinig ang kaniyang sinabi dito. Napatawa siya ng mahina at umiling.
"Hindi naman sa masama. Ang ibig ko lang naman sabihin, huwag na tayo makisawsaw sa isyu niya okay? Labas na tayo diyan. She will be the one to clean her own mess not us. Kung makikisawsaw naman tayo paniguradong masasali ka rin sa gulo. You know that she don't like you from the start, okay? Let's just leave her."
Narinig niya ang marahan na buntong hininga ng dalaga sa kabilang linya. Binalot sila ng katahimikan at naghihintay lamang sila sa isa't isa na may magsalita.
"How are you? / How are you?"
Natigilan silang dalawa at sabay na napatawa dahil sa pagsabay nilang magsalita at parehas pa ng tanong. Napapailing si Francis habang natatawa. Umayos siya ng upo at sumimsim ulit ng gatas. Tumikhim siya sandali bago magsalita.
YOU ARE READING
The Twin's Revenge (COMPLETED)
RastgeleThey betrayed the angel. The devil will get the revenge.