CHAPTER 18

265 13 4
                                    

CHAPTER 18.

Mika's POV.

"Where have you been?"

Pagpasok ko pa lang ng condo ay siya na agad ang bumungad sa akin na ngayon ay nakasandal sa dingding habang nakapamulsang nakaharap sa akin. Seryoso itong nakatingin sa akin. Hindi ko pinansin ang kaniyang tanong at dere-deretso lamang na nagtungo sa kusina. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin. Bahala siya diyan.

"I said where have you been?", Madiin niyang tanong.

Napabuntong hininga ako matapos uminom ng tubig. Hinarap ko siya at tinapunan ng malamig na tingin.

"Sa lugar kung saan wala ka.", Sagot ko at nilagpasan siya.

Narinig ko pa ang kaniyang mahinang mura pero hindi ko na siya nilingon pa.

"Babe! Babe! Mika!"

Hindi ko siya pinansin at dumeretso na lamang sa sala. Umupo ako sa mahabang sofa at binuksan ang TV. Inilagay ko ang aking isang braso sa sandalan ng sofa at itinukod doon ang aking ulo habang nanonood ng TV.

"Mika."

Nairita ako nang nagpunta siya sa aking harapan at tinakpan niya ang TV.

"Ano ba?!! Umalis ka nga diyan!! Kita mong nanonood ako eh!!!", Irita kong sigaw.

"Saan ka nga galing?!!", Sigaw niya rin pabalik.

Hindi ko siya sinagot at tumayo na lamang at nagmartsa paalis doon.

"D*mn it!!"

Nagitla na lamang ako nang may kamay ang humawak sa aking braso at hinarap ako sa kaniya. Sumalubong sa akin ang nanggagalaiting tingin niya habang umiigting naman ang kaniyang panga sa panggigigil.

"Answer me Mika. Huwag na huwag mo akong gagalitin.", Madiin niyang bulong.

"Edi magalit ka!! Sino ka naman para suyuin ko!!", Sigaw ko sa kaniyang pagmumukha at inalis ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking braso.

Iniwan ko siya doon na na paulit-ulit na nagmumura. Lord patawarin mo sana ang kumag na yun. Matalas lang talaga ang dila non kaya ganon.


Naalimpungatan akong may mahigpit na nakayakap sa akin. Naramdaman ko rin na parang basa ang aking batok. Rinig ko rin ang mumunting hikbi sa aking batok.

"Babe, I'm sorry please. Ayusin na natin to. Hindi ako sanay na nag-aaway tayo.", Bulong nito sa gitna ng kaniyang hikbi.

Nanatili lamang akong nakapikit habang pinapakinggan siya. Drama pa more.

Isiniksik niya ang kaniyang mukha sa aking batok at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Oo nga pala. Sa tagal na naming pagsasama ngayon lang kami nagaway ng ganito. Nang dahil iyon sa ginawa nila kay Aya kaya ganito ako magalit sa kaniya. Nagagalit din ako sa kaniya dahil sa pinabayaan niya lang ang kaibigan niyang gawin iyon kay Aya.

Anong magagawa ko? Mas nangingibabaw pa rin ang puot at galit ko sa kanila. Hindi nila ako masisisi kung bakit ako nagkakaganito.


Aya's POV.

Nandito ako sa park nakaupo sa bench habang pinapanood ang mga batang naglalaro. Nakangiti lamang akong nakatingin sa kanila. Ang saya nilang pagmasdan. Naalala ko yung kaming dalawa ni Ate nong panahon na mga bata pa kami.

Kasama ko si Kuya Hans, at katabi ko siya nakaupo habang kumakain naman siya ng ice cream. Kanina pa to ah. Hindi ba siya nagaalala na baka mawalan siya ng boses?

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now