CHAPTER 32

186 6 0
                                    

CHAPTER 32.

Mika's POV.

*Bwaak bwaak bwaak*

"Babe, pa-check up ka na baka kung anong sintomas na yan eh.", Nag-aalalang sambit ni Kyle habang hinahagod niya ang aking likuran.

Kakatapos ko lang kumain ng kanin at adobong manok nang bigla nalang bumaliktad ang aking sikmura. Napapadalas na rin ang pagsusuka ko at mapili na rin ako ng mga pagkain. Ewan ko kung ano na ang nangyayari sa akin. Last week pa sana akong magkaka-period pero na-delay, ewan ko.

Nag-mumog ako at naghilamos, nanghihina akong tumayo ng maayos at inabot ang face towel na nilahad niya. Pinunasan ko ang aking mukha at nanghihinang naglakad palabas ng banyo. Buti nalang at nakaalalay sa akin si Kyle kundi baka nahilata na ako sa sahig sa sobrang hina. Mas napapadalas na rin akong naiinis at naiirita kay Kyle minsan ay nagiging sweet nalang ako bigla sa kaniya. Ewan ko ba!

"Babe, mag-bihis ka. Pupunta tayong hospital, magpapa-check up tayo."

Aangal pa sana ako nang siya na mismo ang nagpalit sa akin ng damit. At gaya kanina ay ganon pa rin, inaalalayan niya ako dahil sa nanghihina pa rin ako. Papalapit na kami sa pintuan nang maramdaman kong nahihilo ako.

"Babe!"

**************

Naalimpungatan ako sa may humihimas ng marahan sa aking tiyan. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at unang bumungad sa akin ang puting kisame. Teka? Nasan ako? Medyo blur pa ang aking paningin kaya napapikit ako ng mariin bago nagmulat muli.

Nilibot ko ang aking paningin at napagtanto kong nasa hospital ako. Dumapo ang aking tingin sa taong nakahalukipkip habang hinihimas ng marahan ang aking tiyan habang ang isang kamay naman nito ay nasa aking kamay nakahawak. Napagtanto kong si Kyle pala ito.

"Kyle.", Mahinang tawag ko dito.

Agad naman itong napabalikwas at napangiti ng pagkalaki-laki saka ako niyakap ng mahigpit at hinalikan ako sa ulo.

"Babe! You're now awake!", Masaya nitong usal.

Kumunot ang aking nuo at muling nilibot ang aking tingin.

"A-anong nangyari?", Naguguluhan kong tanong dahil hindi ko masyadong matandaan ang nangyari maliban nalang yung nahimatay ako.

Napatingin ako sa kaniya nang hawakan niya ng dalawa niyang kamay ang kamay ko at maingat itong hinalikan. Tinitigan niya ako sa mga mata habang nakangiti.

"There is something inside of your womb.", Nakangiti niyang sabi.

Naguluhan naman ulit ako sa kaniyang sinabi at hindi sumagot bagkus ay nakatingin lamang ako sa kaniya na naguguluhan sa ibig niyang sabihin. Hindi ko siya maintindihan.

"Whay do you mean?", Kunot-nuong tanong ko.

He smiled again and kiss my tummy, after that he look at my eyes again without fading his smile.

"I'm going to be a Dad. And you're going to be a Mom.", Sambit niya.

Hindi ako nakapagsalita sa kaniyang sinabi at hindi masink-in sa aking utak ang kaniyang sinabi.

Magiging Mommy na daw ako. Ibig bang sabihin nito?

"Yes, babe. You're pregnant. 1 week and 4 days."

Napaawang ang aking labi sa muli niyang sinabi. Nanginginig at kumakabog ang aking dibdib sa saya na aking nararamdaman. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko at namalayan ko na lamang ang aking sarili na naiiyak habang nakayakap sa kaniya.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now