CHAPTER 19

256 12 3
                                    

CHAPTER 19.

Third Person's POV.

Napakasama ng tingin ni Kira kay Raya at nakakuyom ang kaniyang kamao. Gustong-gusto niyang sabunutan ang dalagang blangko lamang na nakatingin sa kaniya. Inaamin niyang nagulat siya sa sinabi nito, pero nangingibabaw pa rin sa kaniya na hindi maniwala sa sinabi nito. Alam naman iyon ni Raya na hindi maniniwala ang babaeng to sa kaniya. Gusto niyang bugbugin ang babaeng to pero pinipigilan lamang siya ni Andrew na hawak-hawak ang kaniyang kamay.

"Hahahah!! Akala mo matatakot mo ako?!! Akala mo maniniwala ako sa kasinungalingan mo?!! Hahahah!!! Para ano? Para takutin ako? Hahahah!!! Hinding-hindi mo ako mapapaniwala sa mga pinagsasabi mo!! Hahahaha!! Baka ikaw pa ang ipabagsak ko.", Nakangising sambit ni Kira na walang katakot-takot.

"Shut the f*ck up Kira!!!", Sigaw ni Drey.

Pero hindi nakinig si Kira at nagpatuloy lamang sa pananalita.

"You know what b*tch? Hindi ako naniniwala na ikaw ang CEO ng kompanyang ito. Bukod na rin sa b*bo ka hindi ka pa marunong maghandle ng ganitong bagay. How pity are you.", Dagdag pa niya.

Napataas naman ang kilay ni Raya at napangisi.

"Really? Kung sino yung b*bo sa atin, IKAW yun. Isa kang dakilang modelo pero b*bo ka naman. I already saw your records in AEC, nakakaawa ka naman daw kapag tatanggalin ka ng CEO sa pagiging model. You had many mistakes of modeling. Sayang naman. Hipon ka na nga b*bo ka pa.", Pangiinis ni Raya sa kaniya dahilan upang magusok ang ilong nito sa galit.

"Aaarrrggg!!! YOU B*TCH!!!!", sigaw nito sa panggigigil at tinulak si Drey.

Napaupo ang binata sa malakas nitong pagtulak. Sinubukan siyang pigilan ni Andrew pero tinulak niya rin ito kaya napaupo din ito sa sahig. Nang makalapit siya kay Raya ay hindi pa niya nahahawakan ang buhok nito.


*PAK*


Isang nakakabingi at napakalakas na sampal ang iginawad ni Raya sa kaniya kaya napaupo siya sa lakas. Hindi pa nakuntento ang dalaga sa pagsampal at hinila niya ang buhok nito ng pagkalakas-lakas.

"Aaahhh!!!", Daing ni Kira.

Hinila siya ni Raya hawak-hawak ang kaniyang buhok patungong pintuan ng opisina. Wala na siyang ibang naramdaman at napakasakit lamang sa paghila ng kaniyang buhok ang kaniyang nararamdaman.

"Aahhh!!! Help!! Help me!! She's killing me!!", Sigaw niya habang nasa sahig siya hila-hila ni Raya.

Nang mabuksan ni Raya ang pintuan ay natigilan ang kaniyang sekretarya at nakangangang napatingin sa kanila. Pabalibag na binitawan ni Raya ang buhok ni Kira.

"You!!", Galit na duro ni Kira sa dalaga.

Ngunit isang malakas na sipa ang iginawad ni Raya sa kaniya kaya napaupo ulit siya sa sahig at napahawak sa kaniyang tiyan.

"Aarg.", Daing niya.

Raya cross her arms while looking at her without mercy.

"Next time, huwag ka basta-basta susugod sa akin. Ito tuloy ang napala mo.", Malamig na sambit ng dalaga.

Kasunod naman na lumabas ay sina Drey at Andrew. Agad naman napatayo si Kira at lumapit kay Drey.

"B-babe. Sh-she hurted me.", Umiiyak nitong sumbong.

Hindi siya sinagot ng binata at humarap sa mag-fiancee.

"I'm so sorry. We need to go now.", Paalam niya.

Tumango lamang si Andrew sa kaniya habang si Raya ay mariin lamang na nakatingin kay Kira. Hinila na ni Drey si Kira palayo. At habang hinihila siya nito ay todo naman siya sigaw sa galit.

"F*CK YOU B*TCH!!! YOU'LL PAY FOR THIS B*TCH!!! AAARRGG!!!", sigaw niya sa inis at galit.

Nang tuluyan nang mawala sa paningin nila ang nanggagalaiting si Kira ay napabuga ng hangin si Raya sa inis at napairap sa ere. Napalingon naman siya sa kaniyang sekretarya nang marinig niya ang singhal nito.

"Mabuti nga at pinalayas niyo na yun ma'am.", Sambit nito.

"Nainis din ako sa babaeng yun kanina. Sasabihin ba naman niyang nakikipaglandian ka pa daw.", Dagdag pa nito.

Hindi nalang sumagot ang dalaga at naglakad na pabalik sa kaniyang opisina at nakasunod naman si Andrew sa kaniya.

"Are you okay? Hindi ka ba nasaktan?", Mahinang sambit ni Andrew habang may pag-aalala sa tono.

Napabuntong hininga ang dalaga at umupo sa kaniyang swivel chair.

"I'm fine.", She coldly answered that makes Andrew nod.

Hindi pa rin maalis ang kaniyang nararamdaman na panggigigil kay Kira. Gustong-gusto niyang tusukin ang mga mata ng dalaga at tadtarin sa galit. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at nagtungo sa kabilang mesa na may dalawang wine. Kumuha siya ng baso at nagsalin sabay mabilis na nilagok ito.

Napabuntong hininga ang binata at naglakad palapit sa kaniya. Hinaplos niya ang balikat nito upang pakalmahin dahil ramdam niya ang galit ng dalaga.

"Don't drink too much.", Paalala ng binata.

Hindi nalang sumagot ang dalaga at tumingin na lamang sa labas ng glass wall.


**********


"WHAT THE F*CK DID YOU DO KIRA?!!!! PINAPAHIYA MO AKO SA HARAPAN NIYA!!!!", Galit na malakas na sigaw ni Drey nang makarating sila sa mansiyon.

Padabog niyang hinagis ang kaniyang suitcase sa sofa at nanggagalaiting hinarap si Kira na nakakunot din ang nuo dala ng galit pa rin kanina.

"Aren't you concern to me Babe? Ako na nga yung sinaktan ng impaktang yun nagawa mo pa na magalit sa akin?! Tell me, do you love her?!!", Hindi niya mapigilan na mapasigaw.

Drey didn't answered that makes Kira smirk. Napaiwas na lamang ng tingin ang binata matapos itanong iyon sa kaniya. Hindi niya alam ang kaniyang isasagot dahil hindi niya rin alam ang kaniyang nararamdaman ngayon.

"Now what Drey?! Answer me!", Gigil na sigaw ni Kira.

Hindi siya sinagot ng binata at nagtungo nalang ito taas habang naghuhubad ng kaniyang necktie.

Naiwan na nakatunganga si Kira sa sala nang wala siyang matanggap na sagot mula sa binata.

"Aaarrrggg!!!", Sigaw niya sa inis at hingis ang kaniyang bag sa kung saan.

Napasabunot siya ng kaniyang buhok habang habol-habol ang kaniyang hininga. Huminga siya ng malalim at napapikit. Pero hindi ata umepekto sa kaniya dahil nang magpikit niya ay mukha agad ng dalaga ang kaniyang nakita.

Napamulat siya at pinagtatapon ang mga gamit na kaniyang mahahawakan.

"AAAHHHH!!! YOU WILL PAY FOR THIS B*TCH!!!"





A/N:

Sorry for the late update readers☺️
Busy lang kasi ako sa school work.
Short ud muna☺️

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now