CHAPTER 25.
Aya's POV.
Tahimik lamang akong nanonood ng tv habang kumakain ng marshmallows nang marinig kong bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Napalingon agad ako doon habang ngumunguya. Gumuhit ang saya sa aking mukha nang makita si ate kaya agad akong napatayo at patakbong lumapit sa kaniya upang yakapin siya.
"Ate!!", Salubong ko at niyakap siya ng mahigpit.
Narinig kong napatawa si ate sa aking inasta at niyakap ako pabalik.
"Miss mo ba si ate?", Natatawa nitong tanong.
Tumingala ako at ngumuso saka tumango-tango. Napangiti naman ito at sinuklay ang buhok ko gamit ang kaniyang mga daliri.
"Uuwi na sina Mommy ngayon.", Aniya.
Napalaki ang aking mga mata at kumislap ang aking mga mata sa saya.
"Talaga?!!", Di makapaniwala kong usal.
She smiled and nod.
"Waaaaahhhh!!!", I scream in happiness while jumping.
"Uuwi na sina Mommy at Daddy!!!", Masaya kong sambit.
Pero napatigil ako bigla nang may naalala. Kung uuwi na sila ngayon ang una nilang gagawin.... O M G!!! Dahan-dahan akong humarap kay ate at may nag-aalalang mukha, napataas naman ang dalawang kilay ni ate. Naglakad ako palapig sa kaniya at binalot kami ng katahimikan.
"May problema ba? Aren't you happy na uuwi na sila?", Nagtataka niyang tanong.
Napakagat ako sa aking labi at pinasadahan ang aking mga daliri.
"A-ano kasi ate....t-tungkol sa amin ni ano.....Drey.", mahina kong sabi.
Wala akong narinig na sagot mula kay ate kaya tinignan ko siya at sumalubong sa akin ang napakaseryoso niyang mukha. Dahan-dahan akong napayuko dahil sa kaniyang pagiging seryoso. Hindi kasi ako sanay sa ganiyang mukha ni ate.
"Are you scared to tell them about you and that j*rk?", Seryoso niyang tanong.
"H-hindi naman sa natatakot ako ate, baka kasi....magagalit sila kay Drey kapag sinabi ko sa kanila ang totoo.", Mahina kong sagot.
"Why? Is there problem with that? He did wrong to you Aya. So he should accept the anger of our parents to him."
Naitikom ko ang aking bibig at hindi na nagsalita. Maya-maya ay narinig ko ang marahang buntong hininga ni ate. Lumapit siya sa akin at niyakap ako kaya napayakap din ako sa kaniya.
"Sshhhh.... Don't protect him Aya. He has fault towards you, so there is no reason to protect him. Kung magagalit man sina Mommy sa kaniya then he deserve it."
Hindi ako sumagot at tahimik lang na nakayakap sa kaniya. Maya-maya ay bumitaw na si ate sa akin at hinarap niya ako sa kaniya ng mabuti. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat.
"Aya, i need you for something to do.", Nakangiti niyang sabi.
Napakunot nuo ako sa tanong niya. Kailangan niya ako para sa ano?
"Bakit ate? Ano yun? Para saan?", Sunod-sunod kong tanong.
Napaiwas siya ng tingin at napasimangot. Tumingin ulit siya sa akin habang nakasimangot at inekis ang kaniyang mga braso. Kapag ganito si ate may problema to eh.
"Hahayaan kitang makasama siya."
Mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya. Sino? Kanino ako sasama?
YOU ARE READING
The Twin's Revenge (COMPLETED)
RandomThey betrayed the angel. The devil will get the revenge.