CHAPTER 5

272 10 2
                                    

CHAPTER 5.

Raya's POV.

Napahilot ako sa aking sintido nang makaalis na ako sa mall. Kung makaiyak naman yung babaeng yun parang iniwan ng mga magulang niya Tsk! Maybe, she is my twin's friend. She always mention Aya's name. Kailangan kong malaman ang info ng babaeng yun. Baka may iba pang kaibigan si kambal. Napailing na lamang ako. I told her na hindi dapat siya magkaroon ng maraming kaibigan. One friend is enough.

I pick up my phone from my bag and dial my investigator's number. Naghintay pa ako ng ilang segundo bago sagutin ang sa kabilang linya.

(Hello Ma'am?)

"I need you to investigate about how many friends of my twin's has."

(Yes ma'am.)

Ibinaba ko na ang tawag at ipinukos ang pagmamaneho pauwi.

Nang makarating na ako ay pinagbuksan naman agad ako ng guard. Iginarahe ko na ang aking ferrari at lumabas. Pagpasok ko ng mansion ay nagsiyukuan na ang aking mga bantay.

Dumeretso na ako sa taas at nasa hagdanan pa lang ako nang makasalubong ko na si Manang Linda na bitbit ang nakatuping blanket.

"Oh iha. Andito ka na pala. Nasa kwarto mo na pala yung gown na pinadala dito kanina.", Aniya.

"Sige po Nay."

Bago ako nagtungo sa aking silid ay nagtungo muna ako sa silid ni kambal. Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang tunog ng machine. Napabuntong hininga na lamang ako nang makita siya sa higaan na tulog pa.

Naglakad ako palapit doon.

Nang makalapit ako ay hinalikan ko siya sa nuo at hinaplos ang kaniyang ulo.

"Andito na ako kambal. May binili akong bagay na ikakasaya mo. Ilalagay ko nalang dito sa silid mo para paggising mo ay iyon agad ang una mong makikita. Sana magustuhan mo.", Kausap ko sa kaniya.

Napabuga ako ng hangin at umupo sa upuan na nasa gilid niya. Tumingin ako sa glass window, pinatong ko ang aking baba sa aking kamay. Napangiti ako nang makita ang mga ibon na nagliliparan. Madami sila.

Tumayo ako at lumapit sa sliding glass window. Binuksan ko ito at napapikit ako sa simoy ng hangin. Suminghap ako habang nakapikit at nakangiti.

Ang sarap ng simoy ng hangin.

Pinagmasdan ko ang paligid at dumapo ang aking mga mata sa mga batang naghahabulan. Ang saya nilang tingnan. Naalala ko tuloy yung panahon na mga bata pa kami ni kambal. Araw-araw kaming naglalaro ng habul-habulan sa likod ng mansion namin.

Kahit dalawa lamang kaming naglalaro ay enjoy pa rin namin ang isa't isa. Di bale na kung kaming dalawa lamang ang naglalaro basta ang importante ay magkasama kaming dalawa.

Nilingon ko siya at napangiti.

Naglakad ako palapit sa kaniya at umupo sa upuan. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at idinikit sa aking pisnge.

"Naalala mo pa ba yung araw na naglalaro tayo ng habul-habulan?", Nakapikit kong pagsimula ng kwento.

Napapikit ako habang nakangiti.

"Kahit tayo lamang dalawa ang naglalaro, enjoy na enjoy pa rin tayo dahil ang importante ay magkasama tayong dalawa. Naalala ko pa nga yung napapasimangot ka dahil hindi mo ako kayang habulin. Ang bilis ko kasing tumakbo eh hahaha. Sa tuwing napapasimangot ka ay natatawa na lamang ako sa itsura mo. Para ka kasing si tinker bell kung nakasimangot.", Natatawa kong kwento.

"Tapos nagsusumbong ka kila Mommy kapag hindi mo ako mahuli-huli hahaha.", Dugtong ko.

Minulat ko ang aking mga mata at tinignan siya. Inabot ko ang kaniyang ulo at hinaplos ng marahan.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now