CHAPTER 15

257 9 0
                                    

CHAPTER 15.

Aya's POV.

Kanina pa umalis si Mika at ako nalang at si manang linda ang naiwan sa mansiyon kasama na rin ang mga guards na nasa labas nagbabantay. Madilim na at nakatingin lamang ako sa labas ng bintana tinatanaw at hinihintay ang paguwi ni ate. Miss ko na agad si Ate.

"Oh iha. Kanina ka pa ba diyan?", Napalingon ako kay Manang Linda.

"Miss ko na po si ate.", Nakanguso kong sabi.

Napatawa naman ng mahina si Manang Linda at lumapit sa gawi ko.

"Miss mo na agad ang ate mo? Uuwi na rin yun.", Sambit niya at hinaplos ang ulo ko.

Tumingin ulit ako sa labas habang nakanguso. Nakaupo ako sa couch na nasa gilid lamang ng bintana.

"Lulutuan nalang kita. Anong gusto mong kainin?"

Ngumiti ako at hinarap si Manang.

"Chicken curry po.", Sagot ko na may malaking ngiti sa aking labi.

Napatawa si Manang Linda.

"Halata nga na chicken curry ang paborito mo.", Natatawa niyang sagot bago nagpaalam sa akin na pumuntang kusina.

Bumaling ulit ako sa bintana at patuloy na hinihintay ang paguwi ni ate. Maya-maya ay may dumating na kotse hudyat na nandito na sila. Agad akong napatayo ng makitang lumabas na si ate mula sa loob. Agad akong nagtungo sa pintuan upang salubongin siya.

Nang mabuksan ko ang pintuan ay agad kong inambahan ng yakap si ate na ikinagulat niya.

"I miss you ate!", Salubong ko sa kaniya.

Narinig ko ang kaniyang mahinang tawa at yinakap ako pabalik.

"I miss you too.", Tugon niya.

Tumingala akong nakanguso.

"Bakit ang tagal mo?", Malungkot at nakanguso kong tanong.

Binigyan niya ako ng matamis na ngiti at itinabi ang ilang hibla ng aking buhok na humaharang sa aking mukha.

"Miss mo na agad ako?", Natatawa niyang tanong.

Isinubsob ko na lamang ang aking mukha sa kaniyang dibdib.

"Iha----oh andito ka na pala. Hahaha. Alam mo bang kanina pa naghihintay iyang kambal mo? Miss na miss ka na daw niya.", Rinig kong sambit ni Manang Linda.

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni ate. Bumitaw na kami sa isa't isa. Hinarap namin si Manang Linda na nakangiti.

"Ang sweet-sweet talaga ni Aya. Akalain mo, buong araw ka lang wala dito at miss ka na agad nitong kambal mo.", Nakangiting sambit ni Manang Linda.

Napanguso ako nang tinawanan lang ako ni ate.

"Ganito na kasi siya Manang mula nong mga bata pa kami. Kaya sanay na ako hahaha.", Natatawang sambit ni ate.


*************


Nandito kami ngayon sa dinning naghahapunan, kaming tatlo lamang ang nandito si Manang Linda, ako, at si Ate. Ayaw pa sana sumabay ni Manang kaso pinilit namin siya kaya sumabay na lamang siya.

"Kumusta iha yung lakad niyo ni Andrew?", Tanong ni Manang.

"Maayos naman po Manang, nagpunta din kami sa kanila para sa family dinner kaya nagabihan ako ng uwi. Nakakainis lang dahil walang segundo niya akong inaasar.", Sagot naman ni Ate at sumimangot sandali ang mukha.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now