CHAPTER 9.
Third Person's POV.
"Good evening Ladies and Gentlemen!!! Welcome to Andrew Chua's Birthday Party!!! Tonight all of the CEO's and their families are here. We invited all of you for the wish of the birthday boy. This is Andrew's 27th birthday and for tonight we will also announce the name of that woman he wanted to marry. Inshort this birthday party is also an engagement party. A woman that also part of the CEO's family.", Anunsiyo ng emcee.
Tahimik lamang na nakikinig si Raya sa emcee at wala kang mababakas na kahit anong reaksiyon sa kaniya habang nagsasalita ang emcee. Nang i-anunsiyo ng emcee tungkol sa babaeng gustong pakasalanan ni Andrew ay nagsitilian ang mga dalagita. Si Andrew Chua kasi ay isang sikat na anak ng Chua. Napaka-gwapo at maskulado. Nagmumukha siyang hot model sa kaniyang itsura.
Maraming nagkakandarapa na mga kababaehan kay Andrew,maliban nalang doon si Raya na walang pakealam sa mga kalalakehan. Yung iba nga ay gustong mapangasawa si Andrew dahil mayaman ito at pera lamang ang habol sa kaniya. Bawat araw ay pinapaimbestiga ni Andrew ang mga dalagitang wala pang asawa na parte ng pamilya ng CEO's.
Gusto din niyang malaman kung anong habol nila sa kaniya. Hanggang sa may isang dalaga ang nakakuha ng kaniyang atensiyon. Isang sikat na CEO sa paris. Matalino at magaling maghandle ng kompanya. Namamangha siya sa kaniyang mga nababasang info tungkol sa dalaga. Pero sinabi sa kaniya ng kaniyang investigador na bawal sabihin ang pangalan nito sa publiko dito sa Pilipinas.
Nalaman niya ang lahat kaya sumangayon siya. Isang tingin pa lang niya sa dalaga ay nakakaramdam na siya ng kakaibang nararamdaman kagaya nalang na mabilis ang tibok ng kaniyang puso.
"As of now, i want you all to enjoy the party first. For those single girls there, think deep about who's that lucky girl that Andrew Chua wanted to be his fiance. Good evening!!! And let's start the party!!!"
Pinalakas ang tugtog na halos masira na ang eardrums ni Raya. Hindi siya mahilig sa ganitong party. Sumasakit ang kaniyang ulo kapag may malakas na tugtog. Napahawak siya sa kaniyang sintido at hinihilot ito habang nakapikit. Napatingin naman si Hans sa kaniya at nag-aalalang tinanong siya.
"Ma'am, ayos ka lang po ba?", Nag-aalala nitong tanong.
Minulat ni Raya ang kaniyang mga mata at tumayo.
"Labas muna ako. Sumasakit ang ulo ko sa lakas ng tugtog.", Paalam niya kay Hans.
"Samahan ko na po kayo.", Usal ni Hans at akmang tatayo na ng pigilan siya.
"No. Just stay here. Baka may magtatanong kung nasan ako.", Pagpigil niya.
Kahit nag-aalinlangan si Hans ay napilitan na lamang siyang napatango. Naglakad na palayo si Raya habang hindi naman tinatanggal ni Hans ang kaniyang tingin sa kaniya. Nang hindi na niya ito makita ay napabuntong hininga na lamang siya at uminom ng wine. Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bulsa at tinignan ang oras. Alas 8 na ng gabi.
*************
Nang makalabas si Raya ng venue ay nagtungo siya sa bench at umupo doon. Hinilot-hilot pa rin niya ang kaniyang sintido dahil sumasakit pa ito. Tahimik lamang siyang nakaupo habang hinihilot ang kaniyang sintido ng may naglahad sa kaniya ng vixx. Tinignan niya ang kamay nito bago tumingin sa mukha nito.
Napataas naman ang kaniyang kilay nang mapagtantong si Andrew ito. Nakapamulsa ang isang kamay nito. Ngumiti ito sa kaniya dahilan upang magsilabasan ang mga dimple nito. Ngunit hindi man lang siya nagawang ngitian pabalik ng dalaga at nakatingin lamang ito sa kaniya ng malamig dahilan upang mapatawa siya ng mahina.
YOU ARE READING
The Twin's Revenge (COMPLETED)
RandomThey betrayed the angel. The devil will get the revenge.