SPECIAL CHAPTER #2.
Third Person's POV.
"Baby, wake up.", Paggising ni Shayne sa kasintahan nitong si Hendricks.
"Hmmm....", Ungol ni Hendricks na ikinasimangot naman ng dalaga.
"Haaayy....Bakit ba ang hirap mong gisingin?", Naiiyak nitong reklamo.
Alas 8 na ng umaga at kaninang alas 7 pa niya ito ginigising dahil papasok pa ito sa trabaho. Lalo na at may meeting itong si Hendricks.
Muli niyang niyugyog ang binata at sa wakas ay nagmulat na ito ng mga mata. Dumeretso agad ang tingin niya sa dalagang nakasimangot habang nakatingin sa kaniya. Ngumiti siya at tumihaya upang matitigan ng maayos ang mukha ng dalaga.
"Don't worry about me. It's just a meeting, mamayang alas 10 pa yun.", Inaantok nitong sabi at hinila ang kasintahan nito padapa sa malapad niyang dibdib.
Mas lalo lamang napasimangot ang dalaga sa kaniyang ginawa.
"Saan ka ba pinaglihi ng mama mo at napakatamad mo?", Nakasimangot na tanong ng dalaga.
Binigyan lamang siya ni Hendricks ng isang ngisi habang nakapikit. Marahan niyang sinuklay-suklay ang buhok nito gamit ang kaniyang mga daliri.
"Baby.", Tawag niya dito.
"Hmm?", Tugon naman ng dalaga.
"Gawa na kaya tayo ng bagong baby.", Nakangisi nitong panghahamon.
Natigilan ang dalaga at naramdaman ang pamumula ng magkabila nitong pisnge. Minulat ni Hendricks ang kaniyang mga mata at nakita ang namumulang magkabilang pisnge ng dalaga. Napahalakhak siya ng sinubsob nito ang mukha sa kaniyang dibdib.
"Huwag ka ngang mag-biro ng ganiyan.", Sabi ng dalaga habang nakasubsob ang mukha sa dibdib.
Tumawa lamang itong si Hendricks kaya nakatanggap siya ng palo sa dibdib nito. Ngunit balewala lamang ito sa kaniya at mas lalong napahalakhak. Sa inis ng dalaga ay umalis siya sa dibdib nito at tinignan siya ng masamang tingin.
"Tumigil ka nga!", Inis nitong saway.
Tumigil naman si Hendricks pero kalaunan ay tumawa na naman. Sa sobrang inis niya ay padabog siyang umalis sa higaan at tumayo saka iniwan ang kasintahan nitong tumatawa pa rin.
"Baby!", Natatawang tawag niya dito.
Napailing na lamang siya habang may malaking ngisi pa rin sa labi. Dahan-dahan na siyang bumangon at tumayo. Nag-unat-unat muna siya bago naglakad patungong banyo. Hinubad niya ang kaniyang pantulog at lumapit sa shower at hinayaan na mabasa ang sarili sa tubig na umaagos.
Natapos na siyang maligo kaya lumabas na siya ng banyo na ang tanging nakatakip lamang sa pangibaba niya ay ang towel lamang. Pinupunasan nito ang kaniyang basang buhok at umaagos pa rin ang ilang tubig patungo sa apat nitong pandesal. Napamulat siya nang may naramdaman siyang prisensiya ng isang tao. Napataas siya ng kilay at napangisi nang tumambad sa kaniya ang kasintahan nitong nakatulala.
Hindi man lang nito namalayan na nabitawan na pala nito ang hawak niyang bottle water. Naglakad si Hendricks palapit dito habang hindi pa rin natatanggal ang ngisi sa kaniyang labi.
"Don't worry baby. It's all yours.", Mapangakit nitong bulong nang makalapit siya.
Tila ay natauhan ang dalaga at nagulat. Mabilis niyang naitulak si Hendricks palayo sa kaniya dahilan na mapahalakhak ito ng pagkalakas-lakas. Sinamaan naman siya ni Shayne ng tingin ngunit hindi man lang siya natinag dito.
YOU ARE READING
The Twin's Revenge (COMPLETED)
RandomThey betrayed the angel. The devil will get the revenge.